KABANATA XVII

2.3K 90 24
                                        

          "What's your problem bro?"

Rinig ni Sharina na tanong ni Sonnie kay Blue. Hindi pa rin siya makapaniwala na magkakilala ang dalawang lalaki. Magkaano ano ba sila? Are they friends? Are they related to each other?

"So, kumusta si Mr. Tadina?" tanong ni Sonnie rito. Hindi niya magawang tumingin sa gawi ng dalawa. Ayaw niyang malaman ng mga ito na lihim siyang nakikinig.

"He's good. As of now, hindi pa naman siya nagbabalita. Pero malakas ang kutob kong matutulungan niya akong hanapin ang ama ko." The topic picked her attention. Anong tungkol sa ama nito?

"I told you, he's the best lalo na noong kapanahunan niya. Siya nga ang isang naging dahilan kung bakit napagtatanto kong maging isang detective." Sonnie is a  detective? Hindi niya akalaing magdedetective ito sa ugali nito noon.

"Wala na akong masabi pero thank you Sonnie for helping me."

"Alright! That's good to hear, so may I borrow your secretary?"

"No." His voice is firm. She can feel his gaze on her. Para siyang ice cream na natutunaw sa titig nito.

"Why? You owe me one, hindi ba puwedeng ito na lang ang kapalit? Hindi naman siguro kabawasan sa kompanya niyo ang paghiram ko sa kaniya ng kalahating araw?"

Napasinghap siya sa narinig. They are cousin for goodness sake!

Hindi nagsasalita ang kaniyang boss. Napatiim-bagang ito at nagtataka siya roon, hindi naman siguro napakahirap na pagbigyan si Sonnie lalo pa't base sa narinig niya ay may utang na loob ito sa lalaki? Baka naman nagseselos? Napailing siya, hindi, imposible iyon. Kontra naman ng kaniyang isip.

Hindi na niya narinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil kinakastigo niya ang sarili. Umaasa na naman siya sa imposible.

Napaigik siya nang bumungad sa mata niya ang nakangiting mukha ni Sonnie. Nakasandal ito sa kaniyang cubicle at nakaharap sa kaniya.

"I missed you Potpot."

"So-Sonnie."

"Pack your things now."

"Ha?" At tumingin sa gawi ni Sir Blue.

Tumawa ito ng mahina sa kaniyang reaksyon.

"Sabi ko, magready ka na. Naipagpaalam na kita sa boss mo."

"P-pe-pero."

"Don't worry Shari, you're not going to lost any cent coming with me."

Pero hindi naman iyon ang pinoproblema niya eh!  Kundi ang titig sa kaniya ng kaniyang boss. Goodness gracious! She felt naked on his gaze. May kung anong emosyong itinatago ito.

Siya ang unang nagbawi ng tingin. Inihanda na niya ang kaniyang mga gamit.

"Goodbye and thank you sir, " paalam niya rito.

Tumango lang ito pero ang mga mata nito ay tila pinipigilan siya. Iwinaksi niya ang emosyong nakita, baka nangangarap na naman siya ng gising. Tinignan niya si Sonnie. Nakangiti ito habang buhat ang kaniyang bag.

Pumasok sila sa isang mamahaling restuarant. Hindi niya alam kung maiilang ba siya sa lalaki o hindi.

"Nasa menu ba ako?" nakangiwi niyang tanong.

Tumawa ito at umiling. He looks amused at her.

"Eh bakit ka sa'kin nakatingin imbes na sa menu?"

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon