Tumatama ang sinag ng araw sa mukha ni Sharina habang nakatingin sa dalawang lalaking nagkukulitan sa kaniyang harapan. Naisipan nilang magpicnic upang libangin ang pamangkin nitong si Ross habang wala ang ina at ang lola nito na abalang nag-aasikaso ng insurance paper ng pumanaw nitong papa.
Naglatag sila ng telang mauupuan sa damuhang parke. Nakalatag din doon ang mga basket ng pagkaing kaniyang inihanda. Iniwan niya ang kapatid na si Granted sa bahay dahil may group project pa daw itong kailangang tapusin.
Blue and Ross looks like a father and son to her. They are laughing warmly and freely. Kinikiliti ng lalaki ang bata para maging dahilan ng pag-alingawngaw ng tawa nito sa parkeng napili nilang pagpicnikan ngayong araw kung kailan pareho silang walang pasok.
"Titaaa!" hinging saklolo ng bata habang hindi na magkamayaw sa paghalakhak.
"Tita help me." Nilingon siya ni Blue at ngumiti nang pilyo. Alam na niya ang iniisip nito.
"Tita will not help you because-" nakangising sabi nito saka nito kiniliti sa leeg ang bata. Hindi na rin niya napigilang tumawa dahil sa ginawa nito. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang kaniyang leeg saka sumabay sa tawa ng dalawa. Darn! He knows her weakness.
"See? Tita Sharina is also in my cursed," wika ni Blue.
Hindi na niya napigilang mapangiti dahil sa kakulitan nito. It's her first time to see him lively like this. It makes her heart want to jump out on her chest.
"Blue, stop it. Okay we lost." Pagretreat niya habang hindi paring mapigilang tumawa. Sumasakit na rin ang tiyan niya sa patuloy na sa pagtawa.
"Alright, but in one condition."
"Ano?"
"Give me a kiss." Nginuso nito ang labi nito sa kaniya at kumikislap ang mata nito sa tuwa. Tinignan niya si Ross. Namumula na ang pisngi nito sa kakatawa.
Nakagat niya ang labi at sinalubong ang tingin nito. Saka siya nahihiyang tumango. Ramdam na ramdam niya ang init ng titig nito sa kaniya mula ng tumayo siya at lumapit rito. Pinakawalan nito ang bata pero tinakpan nito ang mata ni Ross bago humarap sa kaniya.
"Don't look baby okay?" bilin nito sa pamangkin. At mukhang excited pa.
Hindi niya mapigilang mapangiti sa iginawi nito. Kung alam lang nito kung saan niya ito balak halikan ay baka hindi na nito kailangan pang takpan ang mata ni Ross.
She bowed her head, cupped his cheek at tinitigan ito. Pumulupot ang libreng kamay nito sakaniyang balakang. Dahan dahan niyang ibinaba ang mukha sa mukha nito, nakita niya ang pagpikit ng mata nito. At sa oras ding iyon, sinamantala niya ang pagkakataon at hinalikan ito sa noo.
Agad itong nagmulat sa ginawa niya at napanguso.
"Damn Sharina, you got me there," naiiling nitong sabi. Napabungisngis naman siya rito.
"Tita, tito, may I look na?" Sabay sila ng nobyong napalingon sa cute na boses ni Ross.
"Yes baby." Si Blue ang sumagot. Tinanggal nito ang kamay na tumakip sa mata ng bata. Umupo ito ng maayos at ganon din siya. Magkatabi silang dalawa ng lalaki habang nasa harap nila ang pamangkin nito.
"Tita can we eat na?"
"Ah oo naman," Binuksan niya ang basket at inilabas roon ang malaking sandwich na ginawa gayundin ang iba pang meryenda.
"Eto oh Ross." At inabot rito ang banana cue na niluto ng kapatid.
"Thank you po." Malawak ang ngiti nito kaya napangiti na rin silang dalawang magkasintahan. Hinalikan nito ang kaniyang sintido habang nakapulupot ang kamay nito sa kaniyang baywang. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito pero agad din siyang lumayo ng makarinig sila ng click ng camera.
BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomanceThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...