Walang-wala ang kabang nadarama ni Sharina kahapon kung ikokompara ngayon matapos malaman ng buong kompanya ang relasyon niya sa boss nila.
Ang kaibigan niyang si Quinnie ay hindi nagpaawat sa pang aasar, dagdagan pa ng mapanuring mata ni Micky ng nasa kantina na sila para maglunch. Hindi niya maiwasang mailang dala ng mga matang nakatitig sa kaniya sa loob.
"Omo! Omo! Is this for real?!" tili ng kaibigan. "Kayo na talaga ni sir?" kilig na kilig na tanong nito sa kaniya.
Nahihiya siyang ngumiti rito. Agad naman siyang hinampas nito sa braso at at nagpapadyak pa sa sahig.
"Sabi sa'yo eh, may gusto sa'yo si sir. Hindi mo lang pinapansin." Hindi niya alam kung matatawa rito o maiinis dahil masakit na ang braso niya sa kahahampas nito.
"Paanong naging kayo ni sir, Shari? If you don't mind me asking," sabat naman ni Micky.
Napaangat ang tingin niya rito at tumigil ang pagsubo niya sa pagkain sa tanong nito. Agad na namula ang kaniyang mukha. Naalala niya kung paano sila nagsimula. Hindi niya namalayang binasa niya ang kaniyang labi nang lumitaw sa alaala niya ang mga halik at haplos sa kaniya ng lalaki.
"Oi! Ano 'yang iniisip mo ha?" nanunuri na ngayon ang boses ni Quinnnie. "I smell something fishy." At naningkit ang mata nito. "Mukhang alam ko 'yang iniisip mo Shari!"
Para siyang nanigas sa kinauupuan dahil sa hula nito.
"Don't tell me?" nanlalaki ang mata nito.
Tinignan niya lang ito saka sumubong muli. Ayaw niyang magsalita pero tama ang speculation nito. Pero kahit hindi man niya sabihin ay mukhang batid na ng dalawa kung anong tunay na nangyari.
"Oh god!" tili ulit nito . Napatingin siya sa paligid, nakatingin na ang lahat ng mga tao sa kanila especially ang mga babae. Kita niya sa mata ng iba ang inggit at selos. Pero hindi niya sila masisi dahil sadyang napakaguwapo at husband material ang kanilang boss.
"Is he good?" pukaw ni Quinnie sa kaniyang atensyon mabilis siyang dinalahit ng ubo sa tanong nito. Agara naman siyang binigyan ng tubig ni Micky upang tumigil ang kaniyang pag-ubo.
"Tama na 'yan Quinnie. To much info will kill you," saway naman nito sa babae.
Natawa naman siya sa banat nito rito, tama nga naman ang sinabi nito, mukhang maghahyperventilate na ang puso ni Quinnie dahil sa mga assumptions nito.
"Okay ka na?" pag-aalalang tanong naman ni Quinnie. Agad namang nagflashed back sa isip niya kung paanong nabaliw siya kay Blue ng isang gabi. Pero hindi niya iyon pinahalata at tumango na lang.
MATAPOS ang tanghalian ay inumpisahan na ni Sharina ang pag-aayos sa schedule ng meeting na nakansela noong nakaraang linggo. Itinigil niya saglit ang ginagawa at tiningnan ang office ng kaniyang boss. Hindi pa ito bumabalik simula ng umalis ito kanina. Hindi niya maiwasang mapabuntong hininga, ilang oras pa lang itong nawawala sa kaniyang paningin ay namimiss na niya ito. Napahawak siya sa dibdib. Ganito ba talaga ang naiinlove? Hindi maipaliwanag sa salita ang mga damdaming nagpapagulo sa isip?
Halos tumalon sa ikasampung palapag ang kaniyang puso ng may baritonong boses ang bumulong sa kaniyang tenga at naramdaman ang init ng hininga nito roon.
"Missing me sweetheart?"
Nanlaki ang kaniyang mata sa biglaang pagsulpot nito. Mabilis na lumipad ang tingin niya rito. Hindi niya napansin ang presensya nito kanina dahil sa lalim ng kaniyang iniisip.
"Blue," kapos sa hiningang tawag niya. Nalunok din niya ang sariling laway nang kumurba ang pilyong ngiti sa labi nito.
"I missed you." Pakiramdam niya ay sumikip ang lugar sa pagkakalapit nila. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin sa lagkit ng tingin nito. Sumasabay pa ang malakas na pagdagundong ng kaniyang dibdib.
Umangat ang kamay nito at nilaro ng daliri nito ang kaniyang buhok. Nabato siya sa kinauupuan at hindi maibuka ang bibig ng unti-unti nang bumaba ang mukha nito sa kaniyang mukha.
Jusko! Mga dzai, hahalikan niya ako.
Gusto man niya itong pigilan dahil nasa trabaho sila ngunit hindi niya iyon magawa. Hindi nakikinig ang kaniyang katawan sa binubulong ng kaniyang isip.
Nang wala itong narinig na protesta ay naramdaman niya ang palad nito sa kaniyang batok para i angat ang kaniyang mukha paharap rito at bigyan siya ng suporta. Unti-unti niyang naramdaman ang init ng hininga nito hanggang sa gahibla nalang ang pagitang ng kanilang labi.
Napakapit siya sa suot nitong kurbata ng tuluyan ng magsalubong ang kanilang labi. Darn, his lips are so soft it almost reminds her of the sweet taste of fine puto. She still can't get enough of his raging fire which burns her with the passions of a thousand suns.
Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang halik, naninikip ang kaniyang dibdib sa tindi ng intensidad.
Naramdaman niyang gumapang ang kamay nito sa kaniyang hita. Hinaplos iyon at pinisil. An unfamiliar sound came out from her mouth as she feels his bare hands move on her skin, like a smooth operator; a fine connoisseur sculpting some vivid sensations under her skin . Nag-iinit ang kaniyang buong katawan nang maglumikot ang kamay nitong pumaloob sa kaniyang palda.
"Blue," paanas niyang sabi ng bumaba ang halik nito sa kaniyang panga at leeg. Is this what it feels to be sensual? Her skin is eager to be touched, ready to absorb all the feelings the moment has to offer.
"Yes?" He asked between kisses. Kahit hirap na hirap ay kailangan niya iyong sabihin at kahit init na init ay kailangan niyang pigilan.
"We need to stop." Huminto ito sandali ngunit hindi pa rin nito inaalis ang labi sa kaniyang leeg.
"Why stop now? I already got us flaming to the brink," balik nitong tanong at ipinagpatuloy ang kaninang ginagawa. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kuwelyo nito na mas lalong nagparagasa ng kaniyang damdamin dahil lalo lamang nito iyong pinagliyab ang nag-iinit na apoy.
"Ah-"Napasighap siya ng sipsipin nito ang kaniyang balikat. Naramdaman niya ang pagngisi nito roon.
"Do you still want me to stop honey?" pilyo nitong tanong. Jusko! She did not expect that her boss is capable of such depravity.
"Yes." Sa wakas ay sagot niya makalipas ang ilang segundo. Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob at pagpipigil para sabihin iyon. Pero hindi iyon naging sapat para hindi mag-init ang kaniyang mukha nang maisip kung saan sila hahantong kung hindi niya ito pahihintuin.
Iniangat nito ang tingin at sinalubong ang kaniyang titig. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito. Hinaplos nito ang kaniyang pisngi. Mas lalong naging eratiko ang malakas na tibok ng kaniyang puso.
"Let's meet my mom. I want to introduce you as my official girlfriend Shari."
Nagulantang ang isip niya sa sinabi nito, umawang ang kaniyang bibig at lumuwa ang mata sa sinabi nito.
"Can we?" dugtong pa nito.
_____
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD to support me and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) for some announcements and message of appreciation. . . THANK YOU SO MUCH!
A/N: Sana po kung nagustuhan niyo ang kuwento at mga chapters ay mag VOTE kayo, para nakakaganang mag-update at magsulat.
![](https://img.wattpad.com/cover/56865706-288-k851881.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomanceThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...