Kabanata 1

181K 2.5K 31
                                    

Kabanata 1

Kiss Mark


Inaantok si Queennie  naglakad patungong mansiyon ng mga De la Cerna. Pagpasok niya sa kusina ay nagtataka siya kung bakit abala ang mga katulong.

"Nana Selma bakit busy po ang mga tao ngayon?" nagtatakang tanong niya sa Mayordoma habang nakapangalumbaba sa malapad na dining table.

Lumingon ang Mayordoma sa kanya.

"Saan ka ba nagsusuot bata ka? Bakit hindi mo alam? Dadating ngayon ang bunsong anak ni Madam," napailing ito sabay balik sa ginagawang pag-aayos ng mga pinamiling grocery.

Napanguso siya. Hindi na niya matandaan ang bunsong anak ng mag-asawang De la Cerna. Bata pa kasi siya ng huling makita ito. Sa natatandaan niya ay inis na inis siya sa bunsong anak ng De la Cerna dahil may pagkabully ito at lagi siyang inaasar na pangit.

Isang taon lang yata ito rito at sa Maynila na lumaki dahil sa hindi nito gusto ang buhay probinsiya.

Tumayo si Queen at nagpaalam sa Mayordoma.

"Nana labas muna ako."

"Saan ka naman pupunta aber! Tulungan mo nga kami rito at ng may pakinabang ka paminsan-minsan," nakapameywang na sambit nito.

Napakamot siya sa ulo.

"Eh, mamaya na po Nana. Alis na po ako!"

Mabilis siyang tumakbo palabas. Napangisi siya dahil batid niyang nag-aabot na ang mga kilay ng Mayordoma dahil sa inis.

Dinala siya ng kanyang mga paa sa kanyang secret haven, ang kanyang munting treehouse na nasa gitna ng masukal na kagubatan. Sa unahan ay may malinis na ilog at sa dulo nito ay may maliit na talon.

Kung may oras siya ay dito ang laging gawi niya at nagtatampisaw malapit sa talon. Isang oras siyang nanatili roon nang bumalik siya sa mansiyon.

Sa pintuan pa lang ay nakaabang na ang Mayordoma na madilim ang mukha.

Matamis siyang ngumiti na parang walang ginawang kasalanan.

"Umakyat ka sa taas at linisin mo ang kwartong gagamitin ng anak ni Madam," matigas na utos nito.

Kahit na may pagkaestrikta ang Mayordoma ay mahal na mahal niya ito.

"Hay, okay po Nana."

Hindi na siya nagreklamo dahil baka lalo itong magalit.

Nagdala siya ng mga gamit panlinis at pumasok sa magarbong kwarto. Namangha siya at kaagad na pinuntahan ang kama. Patalbog siyang humiga at dinama ang bed sheet. Ang lambot.

Kinuha ni Queen ang puting unan sa uluhan at niyakap ng mahigpit. Hay ang sarap ng buhay. Ang bango-bango ng unang niyayakap niya.

"Kailangan ko pa lang maglinis," bulong niya sa sarili.

Bumangon siya at pumunta sa cr. Ito muna ang unang lilinisin niya. Binuksan niya ang glass door ng shower.

Tumambad sa kanya ang hubot hubad na lalaki. Nakatalikod ito sa kanya habang nagsasabon. Kitang-kita niya ang nakaumbok na puting pwet nito at napalunok siya ng wala sa oras. Parang naging slow motion ang lahat ng galaw nito lalo na nang humarap ito sa kanya.

Napatakip siya ng mga mata at sisigaw sana ngunit kaagad na tinakpan nito ang bibig niya. Magkadikit na ngayon ang kanilang katawan at medyo nababasa na ang suot niyang damit. Nanlaki ang mata niya nang may naramdamang matigas na bagay na bumundol sa kanyang tiyan.

Nagpupumiglas siya sa abot ng kanyang makakaya. Walang hiyang lalaki! Kahit anong kalas niya rito ay hindi siya makawala. Letseng manyak na 'to. Hindi siya makahinga dahil pati ilong niya ay natatakpan sa malaking kamay nito.

Gusto na niyang makalanghap ng hangin! Unti-unting nanghina ang katawan niya. Ganito ba matatapos ang buhay niya?

Kapag namatay siya ay humanda sa kanya ang manyak na to dahil talagang mumultuhin niya ito panigurado!

Hindi na niya alam kung ano pa ang nangyari dahil nawalan na siya ng malay.


Nagmulat si Queennie ng mga mata at natagpuan ang sariling nakahiga na sa kama.

Kinurot niya ang pisngi baka sakaling multo na siya.

"Aray ko po," impit sa sambit niya.

Buti naman at buhay pa siya. Humanda sa kanya ang lalaking 'yon! Muntikan na siyang mamatay dahil sa ginawa nito.

Nawalan na siya ng ganang maglinis kaya napagpasyahan niyang umalis.

Napadaan siya sa sala at nahagip ng kanyang paningin ang itsura sa salamin. Lumapit siya sa salamin at namilog ang mata nang may nakita siyang pulang marka sa kanyang leeg.

Kinapa niya ang kanyang leeg. Hinawi ang wavy at mahabang kulay tsokolate na buhok.

Nagulat siya ng mapagtantong kiss mark iyon. May nakita na kasi siyang ganito sa isang classmate niya na ang may gawa lang naman ay ang boyfriend nito.

Gusto niyang mamato ng tao. Nalingonan niya si Nana Selma pero alangan namang ito ang batuhin niya. Eh, di palo ang aabutin niya mula sa matanda.

Nagpupuyos ang damdamin niya ng lumabas sa mansiyon. Pesteng lalaking manyak na 'yon! Makikita niya't makakatikim ito ng isang libong hampas sa kanya.

Uuwi muna siya at magpapalamig ng ulo. Mag-iisip  siya ng paraan para makaganti sa lintik na manyak na yon.


Ala-siete ng gabi ng bumalik si Queennie sa mansiyon. Maliwanag ang front lawn dahil sa rami ng ilaw at may malumanay na musika ang pinatugtog.

Kita niya mula sa kanyang kinatatayuan ang maraming bisita. Hindi naman matapobre ang pamilyang De la Cerna kaya may nakikita siyang mga trabahador na desinteng nakabihis.

Siya? Simpleng duster at tsinelas lang. Hindi naman pangmatanda ang duster niya no! Maganda ito at medyo hapit sa kanyang katawan. Kalahati ng kanyang maputing hita ay litaw at spaghetti strap ito. Halos ganito lahat ang damit pambahay niya dahil bigay ito ni Madam Clara De la Cerna.

Nilugay lang niya ang kanyang mahabang buhok na medyo abot na sa beywang para hindi gaanong mapansin ang kiss mark sa leeg niya. Hindi parin humuhupa ang inis niya.

Hindi siya dumaan sa malaking gate. Lumiko siya at nagtungo sa likod. Hinawi niya ang mga halamang baging sa gate at pumasok siya sa sekretong daan na siya lang ang nakakaalam.

Pasimpleng dumiretso siya sa loob at pinuntahan ang kwarto kanina. Hindi naman ito sarado kaya pumasok siya.

Binuksan ni Queen ang drawer malapit sa kama at may nakitang gunting. Napangisi siyang kinuha ito.

Nagtungo siya sa walk-in closet at nilabas lahat ng mga boxers at briefs nito sa sahig. At sinimulan na niya ang kanyang paghihiganti.

Pinaggugupit niya lahat ng boxers at briefs nito at may matagumpay na ngiti habang lumabas sa kwarto.

Natatawa siyang pumunta sa kusina at kumuha ng pagkain. Nagutom tuloy siya sa ginawa kanina. Lintik ng walang ganti!

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon