Kabanata 23
Punishment
Bababa na sana si Queennie mula sa sink pero pinigilan siya ni Lutian. Pulang-pula na ang kanyang pisngi sa kahihiyan. Pinulot nito ang bra niya at lumapit sa kanya. She looked away for she has no courage to look at him straight in the eyes.
Napakislot siya ng dumantay ang tela sa kanyang dibdib. Isinuot ni Lutian sa kanya ang bra at inihook sa likuran. Pinulot din nito ang tank top niyang nasa sahig at isinuot sa kanya. Hinawakan siya nito sa beywang at binaba mula sa sink.
Queennie couldn't believe what he just did. She knew it was hard on his part to control his needs but he choose to show his respect on her. She hugged him tightly and buried her head into his chest.
"S-orry sa nasabi ko kanina..."
His hand went to her head and caress her hair.
"It's okay, I understand but I don't want to hear that again from you," he whispered.
She nodded in response.
Sabay silang lumabas sa banyo. Wala na si Jewel. Mukhang lumabas din ito nang makitang wala sila sa loob.
Sa halip ay dinala siya ni Lutian sa kabilang kwarto kung saan sila nakabook. Pareho lang ang disenyo ng kwarto nila. May kinuha si Lutian sa drawer at lumabas na sila.
"Saan tayo?" tanong niya habang papasok sila sa elevator.
"We'll just stroll around and we will buy our swim wear."
Gusto sana niyang magprotesta pero tinikom na lang niya ang kanyang bibig.
Bumalik sila sa Abreeza Mall pero sa ibang store na sila pumasok. She wondered kung saan na ang ibang kasamahan nila.
Tinext niya si Joennah kung saan na ang mga ito.
"Joe, saan kayo? Kasama mo silang tatlo?"
Kaagad namang nagreply si Joennah.
From Joe:
"Nandito na kami sa hotel. Oo kasama ko silang tatlo. Okay na kayo ni Lutian? Mukhang may pinag-awayan kayo kanina ah. Nakita kitang tumakbo palabas. Susundan sana kita pero nakasunod na si Lutian."
Nagtipa siya ng reply.
"Ahmm, okay na kami. May nangyari lang kaninang hindi maganda. Nandito kami ngayon sa mall. Bibili raw kami ng swim suit."
From Joe:
"O sige. Enjoy!"
Isinilid na niya ang cellphone sa pouch at sumunod kay Lutian.
Magiliw silang binati ng sales lady pagpasok nila. Lumapit sila sa swim wear section. Nahagip ng mga mata niya ang kulay pula ring two piece pero iba naman ang disenyo nito. Naiinis siyang nag-iwas ng tingin at inabala ang atensiyon sa iba pang kulay ng two piece.
"Try this one..." biglang sabi ni Lutian mula sa kanyang likuran at ipinakita ang pulang two piece na tinitigan niya kanina.
Huminga siya ng malalim at tiim-bagang na tumitig sa two piece. What was he thinking when he offered this red two piece? Baka kay Jewel mas bagay pa ito, tsk.
"'Yoko niyan. Hindi bagay sa akin 'yan, tsk," paasik na sagot niya sabay punta sa kabilang section.
"Who said that this one doesn't look good on you?" Lutian whispered from the back. "I can't wait to see you wearing this thing. I like this style. I can easily pulled the strings and let my hand travels down to your..."
Bigla niyang tinakpan ang bibig nito at hinampas sa tiyan. She felt her cheeks blushed. He looked amused as he stared at her irritated face. Kahit kalian talaga mahilig ang mokong na to, tsk.
Para matigil na ito sa kadadaldal ay pahablot na kinuha niya ang pulang two piece at pumasok sa loob ng fitting room.
Hindi niya akalaing babagay ito sa kanya. She turned around in front of the mirror and stopped to stare at her reflection. Kumatok si Lutian at kaagad niyang hinubad ang two piece at isinuot muli ang mga damit.
They bought the two piece at bumili rin si Lutian ng swimming trunk. Naglibot-libot muna sila sa mall bago bumalik sa hotel. Gabi na nang makabalik sila.
Dumiretso sila sa dining hall ng hotel dahil naghihintay na ang mga kasama nila. Pabilog ang mesa nila at magkatabi sila ni Lutian tapos sa gilid nito ay si Jewel, then si Marcco, Lucas at Joennah.
"Lutian pakiabot ng pork steak," nakangiting baling ni Jewel kay Lutian.
Mas malapit kasi kay Lutian ang pagkaing gusto nito. Kinuha naman nito ang platong may lamang pork steak at binigay kay Jewel.
Siniko siya ni Joennah at ngumuso kay Jewel.
"Hayaan mo na," bulong niya rito at binalik ang atensiyon sa pagkain.
Hindi niya alam kung ano ang motibo nito but if she still felt something for Lutian, then she wouldn't let her pass this time. Mabait siya sa mga taong mabait sa kanya. Kung papakitaan naman siya ng masama ay mas nakakatakot siya.
May pumasok na kapilyahan sa kanyang utak. Lihim siyang napatawa sa naisip. Pasimple niyang pinatong ang isang kamay sa hita ni Lutian. Kausap nito ang dalawang pinsan at bigla itong natigilan sandali pero binalik din ang atensiyon sa usapan.
Nanatili ang kamay niya sa hita nito habang ang isang kamay ang gamit niya sa pagkain.
Pinipilit ni Lutian na makisabay sa usapan kahit na distracted siya sa mainit na kamay ni Queennie na nakapatong sa hita niya. Pinalipas niya ang ilang segundo pero nanatili lang ang kamay nito.
Nakiusap na naman si Jewel na ipaabot ang dessert. Patay-malisyang iniabot niya ang dessert dito. Kinuha niya ang wine glass nasa gilid niya at sumimsim. Medyo napaubo siya nang umakyat ang kamay ni Queennie sa kanyang zipper.
Napatingin ang lahat sa kanya na nagtataka maliban kay Queennie na nakayuko habang kumakain. He inhaled deeply and gave them a calculated smile. Binaba niya ang wine glass at kasabay nito ang pagbaba ng kamay niya sa ilalim ng mesa.
He caught her hand and leaned a little bit just enough to reach her ear.
"You're such a tease babe. Be ready for my punishment later, hmm?"
He held her hand and guided towards his harden buddy. He let out a small laugh when she pulled away and gave him a dangerous look.
Sinipa niya sa binti si Lutian. Nag-init ang kanyang pisngi sa ginawa nito. May papunishment pa itong nalalaman, tsk.
Pumasok na sila sa kwarto matapos kumain. Busy si Jewel sa cellphone nito kaya sila lang ni Joennah ang nagchichikahan muna. Nang makaramdam ng antok ay napagpasyahan na nilang matulog dahil maaga pa sila bukas papuntag Samal.
Nakaidlip na siya nang magvibrate ang cp niya. Tiningnan niya kung sino ang nagtext. Binuksan niya ang cellphone at nakitang nagtext si Lutian.
Maingat na lumabas siya sa kwarto. Pagsarado niya sa pinto at may humablot sa kanya at sinandal siya kaagad sa dingding.
Ang dalawang kamay niya ay nakataas sa may bandang ulo niya habang kinulong sa kamay nito.
"Lutian..." matigas na bulong niya.
He just smirked at her and lowered his head towards her neck.
Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi upang pigilan ang kumakawalang ungol sa kanyang bibig nang kinagat nito ang leeg niya at sinipsip na parang bampira. Halos panghinaan siya ng mga tuhod. Nagtagal pa ito sa leeg niya bago kumalas.
"That was my punishment babe..." he smiled victoriously and gave her a peck on the lips.
Litaw ang utak niyang pumasok sa kwarto. Dumiretso siya sa banyo at naghilamos para mahimasmasan. Hinawi niya ang kanyang mahabang buhok at nanlaki ang mga matang nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin.
Ang mokong, ginawan pala siya ng hickey!
BINABASA MO ANG
He Who Owns Me DLC 1
RomanceDe La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she found herself sleeping on Lutian's lap. Magkahawak pa ang kamay nila! She shifted to face him but e-rr...