Kabanata 27

84.3K 1.4K 69
                                    

Kabanata 27

Bliss

After the Acquaintance Party ay hindi na nasundan pa ang pagtatagpo nila.

Until, the said educational tour.

Mga graduating students ang kasali sa naturang tour. Selected students lang ang makakasama. It's a three-day tour in Cebu. Each of them have seat numbers. Isang bus kada department. Apat na bus ang inarkila ng school to accommodate the four departments papuntang airport.

Madaling araw pa lang ay nagsidatingan na ang mga fourth year students. Nasa labas pa sila ng school habang naghihintay. Nakaparada na ang mga bus sa gilid ng kalsada pero hindi pa sila maaaring pumasok dahil wala pang go signal ng mga teacher na makakasama nila.

Umupo muna sila sa may waiting shed. Katabi niya si Joennah na mukhang excited.

"Excited na akong pumunta ng Cebu! At least, makakapag relax tayo after that stressing practice teaching," masayang sambit nito.

Katatapos lang kasi ng practice teaching nila at masasasabi niyang hindi talaga madali. It was very different when you are in the teaching field. Ang dali lang kasi ayon sa mga nakasulat sa libro. They have teaching strategies and such but when you are in the actual classroom setting, it was far way different.

Nakakaloka ang mga bata. Makukulit ang mga estudyante niya pero that was part of teaching career. Yes, it was stressful but very fulfilling. No words could describe the feeling when you see a child learned to read and write. It was like you are helping in crafting someone's future.

Araw-araw, kapag pumapasok siya sa paaralan ay sinasalubong siya ng mga batang estudyante niya. One time, when she was about to enter inside the room, may humarang na tatlong bata sa room. Nakangit ang mga ito at mukhang may tinatago mula sa likuran.

"Magandang umaga po Teacher Reyna!" sabay bati ng mga bata.

Hindi niya alam kung bakit mas gusto ng mga tao na tawagin siyang Reyna. Nakakaasiwa minsan but somehow she would get used to it.

She smiled back at her students.

"Magandang umaga rin mga bata. Hmm, ano 'yang tinatago niyo sa likuran?"

Napamaang siya nang inilabas ng tatlong batang lalaki ang kulay orange na roses at inabot ito sa kanya. Tinanggap niya ito at inamoy ang mabangong bulaklak.

She didn't have any particular favorite flower but from that moment, she was enthralled by its beauty.

"Sinong nagbigay nito?" tanong niya.

"Secret daw po eh," sagot ng batang nasa gitna at ngumiti ng malapad.

Ginulo niya nag mga buhok ng mga bata.

"O siya, labas na kayo para sa flag ceremony."

Mula noon ay araw-araw na siyang nakakatanggap ng orange roses at araw-araw din niyang tinatanong sa mga bata kung sino ay nagpapabigay pero wala siyang makuhang sagot.

Kada Biyernes ay pumupunta sila sa university dahil ito ang araw na nakalaan for feed backs and reports sa practice teaching nila. Dumaan muna siya sa Elementary School dahil kukunin niya ang naiwang lesson plan. As usual, may bulaklak na naman siyang natanggap.

Buntong-hiningang isinilid ang roses sa shoulder bag. Nakalabas ang orange nitong bulaklak samantalang nasa ilalim ng bag niya ang tatlong tangkay. Baka kasi masira ang petals. Sayang naman. She zipped her bag and left space enough for the petals.

Hindi siya kumain ng breakfast kanina sa pagmamadali kaya dumiretso siya sa canteen. Nadatnan niya si Joennah sa isang mesa na nagsusulat ng lesson plan.

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon