Kabanata 32

85.2K 1.5K 64
                                    

Kabanata 32

Space

Hinatiran na lang si Queennie ng pagkain ni Ambo. Wala siyang planong lumabas. Masakit pa ang paa niya at ayaw niyang makita ito.

Aalis na sana ang bata pero pinigilan muna niya ito. Bumalik si Ambo at umupo sa tapat niyang sahig. Nakalatag lang kasi sa sahig ang pagkain niya. Maliit lang ang bahay kaya mas lalong liliit ang espasyo kung maraming kagamitan sa loob.

"Ambo, paano niyo nakilala 'yong lalaki kanina?" mahina lang ang tinig niya baka may makarinig, mahirap na.

Napaisip ang bata.

"Sino po? Si Kuya Lutian?"

Bahagya siyang napaubo nang marinig ang pangalan nito mula sa bibig ng bata. Kasusubo lang kasi niya ng kanin nang banggitin nito ang pangalan. Shit! Why does his name affected her so much? Dapat hindi na siya affected, diba?

"Okay lang po kayo Ate Reyna?" nag-aalalang tanong ng bata.

"Okay lang ako. Oo siya nga," tipid siyang ngumiti sa bata.

Nalungkot ang mga mata ni Ambo at yumuko.

"Isang taon na po ang nakararaan, muntik po kasi akong masagasaan nang tumawid ako sa daan. Hindi po natuloy dahil imbis na ako po yong mabangga ay inilihis po nito ang sasakyan at tumama sa poste. Na-ospital po si Kuya Lutian samantalang galos lang po ang tinamo ko. Nang okay na po siya ay bumisita po siya rito sa tribu at tinutulungan kami. Para naman daw makabawi siya at makahingi ng tawad sa muntik ng pagsagasa sa akin."

Hindi siya makapaniwala sa narinig. She reached out and patted the boy's head. She bet parang natrauma ito sa nangyari.

She was relieved that somehow he saved the boy. Tho it could not suffice her anger to him.

Hapon na nang magpasya siyang lumabas. Medyo okay na ang paa niya dahil hinilot ito ni Manang Ayin kanina. Nagdala siya ng towel at malinis na damit. Gusto niyang maligo dahil lagkit na lagkit na siya. Nagpaalam na siya kanina kay Manang Ayin kaya dumiretso na siya sa ilog.

Masaya siya dahil malinis pa ang ilog dito. May talon sa dulo nito pero malayo pa kaya sa ilog muna siya maliligo. Hindi siya nagpunta sa palaging liguan nila. Mas tinahak pa niya ang daan palayo at napangiti nang bumungad sa kanya ang mas magandang tanawin.

Mga higante ang mga bato rito at magandang pagmasdan. Napakalinaw ng tubig na halos makikita mo ang iyong repleksyon. Inilagay niya ang dala sa malapad at higanting bato at nagtungo sa isa pang malaking bato at umakyat sa tuktok. Mas malalim kasi sa parteng ito kaya pwede siyang magdive.

Na miss niya tuloy ang pagsiswimming sa secret haven niya. Haay... bakit ba pumasok sa isipan niya ang lugar na 'yon? Hinubad niya ang puting t-shirt at shorts at maayos na nilapag sa batong kinatatayuan niya. Pagkatapos ay magiliw na tumalon.

The cold water welcomed her and it made her feel refresh. Umahon siya sa tubig. She shook her wet hair and breathe in the fresh air.

Pinagod niya ang sarili sa pagtatampisaw sa malinis at malamig na tubig. Nang mapagod ay lumapit siya sa malaking bato at isinandal ang likod at ipinikit ang mga mata. Ang kalahati nang katawan niya ay nakalubog parin sa tubig.

Her eyes snapped opened when she heard footsteps. She stilled and waited.

"Fuck!" she almost gasped when she heard his voice.

Napatakip tuloy siya sa kanyang bibig. Suddenly the water became so cold that she could feel her body began t o shiver. Her heart was freaking hammering inside her chest.

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon