Kabanata 15

107K 1.7K 19
                                    

Kabanata 15

Wala

Nakaramdam si Queennie ng marahang haplos sa mukha. Nagmulat siya ng mga mata at sinalubong ang mga malalagkit na titig ni Lutian.

Napalunok siya ng wala sa oras. Ang lapit ng mukha nito at kahit ang paghinga  nito ay naririnig niya.

Nanlambot ang kanyang tuhod nang bumaba ang tingin nito sa kanyang labi. Ang lakas na ngayon ng pintig ng kanyang puso. Ang seryoso kasi ng mukha nito pero bakas ang pananabik.

She looked away because she couldn't stand the intensity of his stares. But she felt his warm hand made a way through her neck while his other was on her face. Kinilabutan siya at nakakapaso ang pagdampi ng balat nito sa kanyang balat.

Pinaharap siya nito at bago pa siya makaprotesta ay sinakop na ni Lutian ang kanyang labi. Masuyo siya nitong hinalikan at dama niya sa bawat halik nito ang pag-iingat.

Kusang pumikit ang kanyang mga mata at ipinulupot ang mga braso sa batok nito. Ang init init ng pakiramdam niya kahit na malamig sa loob ng sasakyan.
Mas kinabig pa niya ito upang mahalikan ng mabuti.

Naramdaman niya ang pagngiti nito habang naghahalilakan sila. Kaya binigay ni Lutian ang gusto niya. Mas naging mapusok ang halik na ginawad nito.

Halos hindi na siya makahinga sa tagal ng halik pero parang wala na siyang pakialam. Hindi na niya kayang mag-isip ng matino lalo pa at masarap sa pakiramdam ang mga halik nito.

Napaungol siya nang kagatin nito ang pang-ibabang labi niya kaya napasinghap siya.

He inserted his tongue into her mouth and her body shivered with desire. Nawala na siya sa kayang katinuan. Kahit gusto niyang lumayo ay wala siyang lakas na pigilan ito.

Kumawala si Lutian sa labi niya at bumaba ang halik nito sa kanyang leeg. Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi nang bumaba rin ang isang kamay nito papunta sa kanyang dibdib.

Bumalik ulit ito sa kanyang labi at mariin siyang hinalikan. Hindi niya namalayang sinisimulan na nitong buksan ang butones ng uniporme niya.

Napahiwalay sila ng wala sa oras dahil may kumatok sa salamin ng sasakyan. Natulak niya si Lutian at nautog ito sa lakas ng pagkakatulak niya. Napaaray ito pero mas abala siya sa pagbutones ng kanyang suot.

Buti na lang at tinted ang sasakyan. Patay sila kay Nana Selma pagnagkataon.

Nauna na siyang lumabas. Bahala na ang isang 'yon!

Medyo nanginginig pa ang kanyang mga tuhod. Pinasadahan niya ng suklay ang kanyang buhok gamit ang mga kamay at kinakabahang humarap kay Nana Selma.

"Bakit ang tagal niyo yatang lumabas sa sasakyan?" Nakapamaywang na tanong ni Nana.

Napakamot siya ng ulo at yumuko. Kinakabahan siya dahil baka mahalata nito ang kakaibang kilos niya. Bakit ba siya nagpadala kanina?

Sarap naman kasing humalik ng mokong na 'yon! Oppss...

"A-h, ano m-ay hinahanap lang po kami Nana," nauutal na sagot niya.

"Ano naman yang hinahanap niyo sa loob ng sasakyan?" Parang may pagdududa sa tinig nito.

Ano ba?

"E-h, n-ahulog po kasi ang hikaw ko," mabilis na palusot niya.

Sana naman maniwala na ito.

"I found it."

Napalingon silang dalawa kay Lutian na kababa lang ng sasakyan. Ipinakita nito ang isang hikaw.

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon