Kabanata 13
Boyfriend?
Nagpanic si Queen ng mapagtantong si Nana Selma ang nasa labas. Ano kaya ang pakay nito sa ganitong oras?
Tinulak niya si Lutian para makawala sa yakap nito pero ang loko ay ngumisi lang sa kanya. Hinagod siya nito ng malagkit na tingin kaya nag-init ang kanyang pisngi at inis na umiwas ng tingin.
"Queennie!" tawag ni Nana.
Napapitlag siya at mabilis na nagtungo sa pinto. Inayos muna niya ang sarili at pinasidahan ng suklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri.
Huminga siya ng malalim bago binuksan ito.
"Bakit ang tagal mong magbukas?" may himig na ibang pakahulugan ni Nana.
"Ah, eh may ginagawa po ako sa kusina," hilaw na ngiti niya.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo? Namumula ka yata?"
Sinalat ni Nana ang noo niya para suriin kung may lagnat siya. Napakagat siya ng labi at nag-iwas ng tingin.
"W-ala 'to N-ana," nauutal na sagot niya.
Kinakabahan siya na baka malaman nito ang kababalaghang ginawa nila Lutian. Pahamak talaga ang mokong na 'yon!
"Nandiyan pa ba si Lutian?"
"O-po. Nanonood ng tv sa s-ala," pigil-hiningang sagot niya.
Pumasok si Nana sa loob at nakasunod siya sa likod nito na hindi mapakali.
Halos namutla siya ng madatnan si Lutian na preteng nakaupo sa sofa at nilipat niya ang tingin sa tv na hindi nakabukas.
"Akala ko ba nanonood ng tv itong si Lutian?" lumingon si Nana sa kanya.
Patay!
"Walang magandang palabas Nana kaya pinatay ko na," palusot nito sabay kindat sa kanya.
"O siya, uuwi na kami In-in. Mag-ingat ka rito. Tayo na Lutian."
Nginitian niya si Nana. Kahit pa na may pagka-estrikta ito ay mahal na mahal niya ang matanda. Parang ito na kasi ang tumayong magulang niya ng dahil patay na raw ang mga magulang niya. Tinatanong niya ito tungkol sa mama at papa niya pero maliit na detalye lang ang sinasabi ni Nana. Malayo silang kamag-anak. Walang balak kumupkop sa kanya nang namatay ang mga magulang niya kaya walang nagawa si Nana at ito na ang nagpalaki sa kanya.
Malaking misteryo parin sa kanyan kung saan siya galing at kung sino ang mga magulang niya. Kahit picture kasi ay walang maipakita si Nana Selma.
Matandang dalaga ito at hindi na nag-asawa dahil sa kanya. Itinuring siya nitong anak at pinalaki. Nang medyo nagdadalaga na siya at kinuha si Nana bilang mayordoma sa mansiyon ng mga De la Cerna ay pinilit niya itong kunin ang trabaho.
Matagal na kasi itong katulong at napagpasyahan ng pamilyang De la Cerna na ito ang ipalit sa mayordomang nagretiro.
Napabuntong-hininga siyang nakatanaw kina Nana Selma at Lutian na papalayo.
Medyo maayos na ang kanyang paa ng pumasok kinabukasan. Nagtaka siya dahil may nagkumpulan malapit sa entrance gate. Kibit-balikat na pumasok siya at nilagpasan ang mga ito.
Ngunit nagtaka siya dahil biglang nagsisitili ang mga estudyante kaya lumingon siya. Sumama ang kanyang itsura ng makita ang tatlong lalaking pinagkakaguluhan na naglalakad papunta sa kanya.
Nakataas ang isang kilay niya nang ngumisi si Lutian sa kanya. Peste ang gwapo ng mokong!
Pero hindi niya pinapahalata dahil baka magmayabang lang ito.
BINABASA MO ANG
He Who Owns Me DLC 1
RomanceDe La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she found herself sleeping on Lutian's lap. Magkahawak pa ang kamay nila! She shifted to face him but e-rr...