Kabanata 12

106K 1.7K 18
                                    

Kabanata 12

Bisita

Lutian carried her into his room. He carefully deposited her on the bed. He was about to cover her up with the blanket but he saw something on her toes.

He sighed and went to the comfort room to get the first aid kit. He sat on the edge of the bed and put her feet on his lap. After nursing her wound, he let her sleep for a while.

Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina. May nakahain ng mga pagkain sa hapag.

"Kumusta si Queennie iho?" hindi mapigilang pag-aalala ni Nana Selma.

"She's okay Nana. Nagpapahinga siya sa kwarto ko. May sugat siya sa paa pero nagamot ko na."

"Haay, mabuti naman. O siya sige, kumain ka muna iho," yaya nito.

Kumain siya ng hapunan at nagstay muna sa sala nang tumawag si Marcco.

"Hello pinsan! Punta kami ngayon diyan sa inyo."

"Tsk, not now. Bukas na lang."

"Malapit na kami eh," natatawang sagot ni Marcco.

Sisigawan na sana niya ito nang may bumusina sa labas.

Damn! Kahit kailan talaga maloko ang kanyang mga pinsan. Padarag siyang tumayo at pumunta sa gate.

Nakita niyang pumarada ang sasakyan ni Lucas at umibis ang dalawa.

Nakipaghigh-five ang mga ito.

"Bakit nakabusangot yang mukha mo? Ayaw mo ba kaming nandito?" madramang sabi ni Marcco.

Binatukan niya ito at pumasok na sa bahay.

"Chill lang bro! May dalaw ka na ngayon?" natatawang sabi ni Marcco habang inaayos ang nagulong buhok sa pagbatok niya.

"Tsk, gusto mo ng suntok!" ambang susuntokin niya ito.

"Magtigil nga kayo. Para kayong mga bata," bagot na sagot ni Lucas at umupo sa sofa.

Napatingin ang dalawa sa kanya at umiling. Ang seryoso talaga nitong isang pinsan niya. Ito siguro ang may dalaw araw-araw.

"So bakit ayaw mong nandito kami ha pinsan?" balik usisa ni Marcco.

"May sinasabi ba akong ganun?" inis na turan niya.

"Tsk. Pahiram nga ng laptop mo," sabay tayo nito.

"Wait! May cellphone ka naman bakit nanghihiram ka pa ng laptop?"

"May tinatago kang babae sa kwarto mo ano?" nakangising tanong ni Marcco.

"Tsk wala! Ako na ang kukuha. Diyan lang kayo."

At umakyat na siya papuntang kwarto. Binuksan niya ang pinto at nakitang tulog parin si Queennie. Kinuha niya ang laptop. Pagharap niya ay halos mahulog ang hawak niyang laptop nang nakitang nasa loob ang dalawa.

Nakangisi si Marco sa kanya pero sinamaan niya ito ng tingin. Tinulak niya ang dalawa palabas. Nang masarado ang pinto ay inis na hinarap niya ang mga 'to.

"Sabi ko na nga ba! Sino 'yon insan? Ang ganda ah!"

"Tsk. Shut up Marcco!" galit na sambit niya sabay bigay sa laptop.

Bumalik sila sa sala at hindi na siya inusisa ni Marcco samantalang tahimik lang si Lucas na nanonood ng NBA pero parang malalim ang iniisip. Nagpahanda sila ng pulutan at hard drinks.

Nagmulat ng mga mata si Queen at nag-unat ng mga braso. Napa-upo siya sa kama ng mapagtantong kay Lutian ang kwarto. Inalis niya ang kumot at tumayo.

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon