Kabanata 39

93.9K 1.6K 112
                                    

Kabanata 39

Lead You Back

Queennie has awakened when his hand caressed her stomach. She moaned and shivered with his touch. Naramdaman niya ang labi ni Lutian sa leeg niya. Nakikiliti siya sa padampi-damping halik nito.

"Lutian, stop it. Kiaga-aga," paos na saway niya habang natatawa.

"Good morning My Queen," bulong nito malapit sa tenga niya.

Her heart swelled with happiness as he called her My Queen. Napakasarap sa pandinig at nakakatunaw sa puso na marinig mula sa bibig nito ang endearment na iyon.

"Good morning too," she answered and faced him.

Hinaplos niya ang mukha ni Lutian at inayos ang ilang hibla ng buhok nitong tumatabil sa may noo. His hair was getting longer but he still looked hot on it.

"I need to go home. May pasok pa ako ngayon sa opisina ni Tito," pahayag niya.

She didn't want to get up yet but she has a work to finish. Sumimangot si Lutian sa sinabi niya.

"Just stay here Baby. Natatakot akong umalis ka dahil baka hindi ka na bumalik."

Nag-iwas ito ng tingin at bumuntong-hininga. Parang may tumusok sa puso niya nang marinig ang sinabi nito. She didn't want him to think like that but maybe she couldn't blame him. Ilang beses din niyang tinulak ito palayo at natatakot si Lutian na baka lumayo na naman siya.

She knew he needs her assurance. Assurance of her love for him so that he would feel at ease.

"I need to finish some paper works before we left for Cotabato. You can fetch me around 4pm," paliwanag niya.

Natigilan si Lutian sa sinabi niya.

"Wait... Uuwi tayo ng Cotabato?" hindi makapaniwalang tanong nito at napaupo sa kama.

The blanket fell on his lap and his sinful abs were now a live show. Hindi niya alam kung saan siya titingin dahil baka magkasala siya ng wala sa oras.

Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Gosh! Bakit ba kasi sobrang kisig at ganda ng katawan nito! Naglalaway at natatakam na ulit siya.

"Oo, bakit, ayaw mo?"

"Syempre gusto! Ipapakilala kita ng pormal kay Mommy at Daddy. Tapos pag-uusapan natin ang kasa-"

"Hep, hep..." awat niya.

Masyadong advance rin mag-isip ang mokong. Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. Nahihiyang napakamot naman sa batok si Lutian.

Kasal na agad ang iniisip nito eh hindi pa nga nagpropropose sa kanya. Tsk.

Hinatid siya ni Lutian sa opisina at inabala ang sarili sa nakabinbing trabaho. Pagsapit ng alas-kwatro ng hapon ay dumating ito para sunduin siya.

Napansin niya ang maliit na travelling bag nito sa likod ng upuan nang pumasok siya sa passenger's seat.

"Sa inyo ako matutulog ngayong gabi para maaga tayong makaalis bukas," depensa nito nang mapansing nakatitig parin siya sa bag na nasa likuran.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. Nagpapalusot pa ang isang 'to.

"Okay. Marami namang guestroom sa bahay," pasimpleng sagot niya habang nakatutok ang atensiyon sa phone.

Binasa niya ang text galing sa organizer na taga Zamboanga. Hindi tuloy niya napansin ang pagsimangot ng mukha ni Lutian.

"I don't want to sleep in the guestroom. I will sleep in your room, tsk," yamot na sabi nito.

Bahagya niya itong sinulyapan at binalik ang tingin sa phone para magtipa ng reply.

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon