Kabanata 21
Jewel
Hinatid si Queennie ni Lutian hanggang sa classroom. Ayaw pa sana niya pero makulit ang mokong. Pagkakita palang ng mga kaklase niyang hinatid siya ni Lutian ay nagkandahaba-haba ang mga leeg ng mga ito sa pagtanaw sa kanila mula sa bintana.
"Pasok na ako..." pag-papaalam niya.
"Okay. I'll fetch you later for lunch," nakangiting sagot nito sabay bitaw sa pagkakahawak sa beywang niya.
Tumikhim siya bago tumango. Akmang papasok na sana siya nang biglang higitin siya nito sa braso kaya muli siyang napaharap.
Nagtaas siya ng isang kilay at nagtatakang tumingin kay Lutian. Bago pa siya maka-react ay hinawakan nito ang magkabilang gilid ng mukha niya at hinalikan siya sa noo.
Namula siya sa ginawa nito at mas lalong nahiya nang naghiyawan ang mga kaklase niya sa loob. PDA talaga ang mokong, tsk.
Mahina niya itong kinurot sa tagiliran at kunwari'y umaray ang loko. Inisnaban niya lang ito at mabilis na pumasok sa loob pero natigilan siya ng makitang may nakalagay sa kanyang mesa. Kinuha niya ang isang bouquet ng rosas. Maganda ang pagkaka-arrange nito dahil napapalibutan ng tatlong pulang rosas ng puting rosas. May kalakip pang isang box pa ng chocolate.
Hindi niya napigilan ang ngiti ng mabasa ang nakasulat sa note.
To My Queen,
I miss you everyday even when your'e with me but I even miss you more when you're not on my side...
Love,
Your King
Kung pwede lang sanang mangisay sa kilig ay ginawa na niya. Damn! She didn't know that he was this romantic and sweet.
Ukupado ang kanyang isipan kay Lutian kaya hindi niya napansin ang mga malalagkit na tingin ng kanyang mga kaklase. Natauhan lang siya ng may tumikhim. Kaya nakayuko siyang umupo dahil sa pagkahiya at kaagad na dinumog ng mga babaeng kaklase.
"OMG! Kayo na ni Lutian Queennie?" kinikilig pang usisa ng kaklase niya.
"Anong nangyari? Diba usap-usapan din yong babaeng taga CAS Department na nalilink kay Lutian?"
"Sus! Baka wala lang 'yon no! Balita ko may pagkaflirt ang babaeng 'yon. Don't worry Queen. Mas buto kami sayo para kay papa Lutian."
Sa halip na sumagot ay nginitian niya lang ang mga kaklase niya. Ayaw niya ng gulo. Kung anong meron man sila ni Lutian ay gusto niyang sa kanila na lang 'yon. She wanted a private and peaceful life away from malicious intrigues.
Maaga silang dinismiss ng instructor nila kaya nauna na siya sa canteen. Humanap siya ng magandang pwesto at umupo. Kinuha niya ang cellphone at tinext si Lutian na nasa canteen na siya. Nilagay niya ang bouquet sa mesa. Pinamigay niya sa mga kaklase niya ang isang box ng chocolate dahil alam niyang takam na takam ang mga ito. Minsan lang kasi makakain ng imported na chocolate.
Habang naghihintay ay nakita niya si Joennah na patungo rin sa canteen kaya tinawag niya ito. Paglapit nito ay nakatuon ang atensiyon nito sa bulaklak na nasa mesa at tumingin sa kanya ng makahulugan.
"Kanino galing 'tong mga bulaklak In-in?"
"K-ay Lutian, bakit?"
Dali-dali itong tumabi sa kanya at niyakap siya.
"Masaya ako para sa inyo. Akala ko ay hindi na kayo magkakabati. So, nililigawan ka na niya? O kayo na ba?"
"Tsk, hindi pa no! Kailangan mo na niyang magdusa sa panliligaw sa akin," birong sagot niya at sabay silang napatawa.
BINABASA MO ANG
He Who Owns Me DLC 1
RomanceDe La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she found herself sleeping on Lutian's lap. Magkahawak pa ang kamay nila! She shifted to face him but e-rr...