Kabanata 14
Fall
"Uwi na tayo Joennah," yaya ni Queennie sa Kaibuki gab.
Mukhang matatapos na kasi ang try out.
"Sige." Tumayo na sila at itinapon sa basurahan ang sitsirang kinain nila.
Dapat tayong magtapon ng basura sa tamang paraan. Grabe na kaya ang polusiyon ngayon, dadagdagan pa natin sa kawalan ng disiplina sa pagtapon ng basura.
Dumaan sila sa rubberized track ng oval. Hindi parin nagsialisan ang mga estudyanteng nanonood ng try out.
Papalapit na sana sila sa gate nang may humablot sa kanang kamay niya. Napaharap tuloy siya.
"Ano ba ..." inis na sambit niya pero naputol ang iba pa niyang sasabihin ng makita si Lutian na pawis na pawis.
May nakasukbit pa na puting towel sa leeg nito at medyo basa ang buhok nito. Kailan ba papangit ang mokong na 'to? Tss.
"Sabay na kayo sa amin pauwi." It sounded more like a command than an offer.
Hindi parin nito binibitawan ang kamay niya.
Napataas ang isang kilay niya.
"Huwag na. Kaya naman naming umuwi eh. Halika ka Joennah."
Pilit niyang kumawala sa hawak nito pero sadyang mas malakas talaga ang isang 'to. Kaya ang ending ay kinaladkad siya nito papuntang parking lot. Sumunod naman ang tatlo na natatawa sa kanila.
"Pumasok muna kayo," utos ni Lutian kaya pumasok sila sa backseat.
MEDYO nahihiya pa si Joennah dahil first time niyang makasama ang magpinsang De la Cerna.
Friendly itong si Marcco at talagang kinakausap siya. Pero itong katabi niyang si Lucas ay seryoso ang mukha at tipid magsalita.
Masasabi niyang may kanya-kanyang angkin na kagwapuhan ang tatlo.
Naiilang siya sa presensiya ni Lucas. His stares were giving her chills. Buti pa itong si Marcco ay magaan ang pakiramdam niya.
Napatingin siya sa labas at nakikitang nagbabangayan ang dalawa. Napangiti siya. Parang asot-pusa kung magturingan ang dalawa pero kung titingnan bagay na bagay si Queennie kay Lutian.
Feeling niya may gusto rin si Queennie kay Lutian pero sadyang matigas lang talaga ang kaibigan niya. Hindi halata sa itsura nitong maganda at maamo.
"Pumasok ka na sa loob. Naghihintay na sila."
Sinamaan niya ito ng tingin at ngumiti lang ang mokong.
Kaya padabog na sumakay siya sa sasakyan. Lumingon siya sa backseat at nakitang masayang nakikipag-usap si Joennah sa katabi nito samantalang tahimik naman ang isang lalaki.
Pumasok na si Lutian at initsa pa nito sa lap niya ang dalang gym bag. Kaasar talaga ang mokong na 'to! Ginawa pa siyang alalay!
Inihatid nila ang tatlo at sila na lang dalawa ngayon ang magkasama. Malapit lang kasi ang bahay niya kina Lutian.
Humina ang pagpapatakbo nito at lumiko sa kabilang daan papunta sa bayan kaya napalingon siya sa gawi nito.
"Teka, saan ba tayo pupunta?"
"Basta."
Wala siyang nagawa at inis na napasandal sa upuan. Sana hindi na lang siya sumama eh.
Ipinikit niya ang mga mata para mawala ang inis. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang kinuha nito ang kamay niya. He intertwined their fingers while his other hand was on the steering wheel.
BINABASA MO ANG
He Who Owns Me DLC 1
RomanceDe La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she found herself sleeping on Lutian's lap. Magkahawak pa ang kamay nila! She shifted to face him but e-rr...