Kabanata 36

87.9K 1.4K 62
                                    

Kabanata 36

Engineer

Narating nila ang mansiyon at tahimik na lumabas si Queennie sa kotse at dumiretso sa loob. Nakahanda na ang hapunan kaya sabay silang tatlo na kumain.

Kinumpronta niya si Lucas kanina sa pang-iiwan nito sa kanya. He reasoned out that he forgot and it slipped from his mind. Such a lame reason.

She didn't want to stay longer so after the hefty dinner, she bade goodbye.

"Ihatid mo si Queennie, Lutian," utos ni Lucas.

Pinandilatan niya si Lucas para ipahayag ang pagkadisgusto niya.

"Sure. Alis na kami. I'll come back tomorrow to help," sagot ni Lutian sabay tapik sa balikat ni Lucas.

Binitbit niya ang paper bag at nauna ng lumabas. Her lips were on a thin line. She tried to hide her irritation.

Nakasunod si Lutian sa kanya sa likod at pinatunog nito ang sasakyan. Binuksan niya ang pinto sa may passenger seat at dumiretso na rin si Lutian sa driver's seat.

Wala silang imikan hanggang marating nila ang bahay. Pinatay ni Lutian ang makina pero nanatiling nakailaw ang headlights ng pick up.

She turned to him only to see his weary face. His eyes were closed as his head leaned on the head rest of the seat while his large hands were still gripping on the steering wheel.

He must be tired from the heavy work earlier. She wanted to reach out her hand to touch his handsome face but she retreated.

Nakuyom niya ang kaliwang palad at bumuntong-hininga. Nakakaawa ang pagod nitong itsura.

"L-utian... b-ababa na ako," mahinang sambit niya.

Tumango lang ito at hindi man lang nag-aksaya ng panahong dumilat.

Iniwan niya ang paper bag sa inupuan niya at atubiling binuksan ang pinto. Mahina niya itong isinara at humakbang patungo sa bahay.

She went to her room and changed. Pagkatapos ay lumabas siya at pumunta ng sala para manood ng tv.

Natigil ang akmang pag-upo niya sa sofa nang magawi ang tingin niya sa labas. Napakunot-noo siya nang makitang nandoon parin ang pick up ni Lutian.

Bakit hindi pa ito umuuwi?

Lumabas siya ng bahay at nilapitan ang sasakyan. Kinatok niya ang bintana sa driver's seat.

Hindi siya pinagbuksan nito kaya sinubukan niyang buksan ang pinto. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi nakalock ang pinto. Binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang natutulog na si Lutian.

Ganoon parin ang pwesto nito kanina ng iniwan niya.

"Lutian," she murmured. "Wake up."

Bahagya niyang tinapik ang pisngi nito. Ilang saglit pa ay nagising ito. Mapupungay ang mga mata ni Lutian at pagod na ngumiti sa kanya.

"What is it?" he huskily whispered.

It pained her to see him in this state.

"P-asok ka muna sa loob. Pahinga ka muna bago ka umuwi. You looked tired," suhestiyon niya.

Nag-aatubili ang mga mata nitong tumitig sa kanya.

"A-re you sure? It's okay kung hindi-"

"Baka kung mapano ka pa sa daan. Halika na," sabi niya sabay hila sa braso nito.

Walang nagawa si Lutian kundi ang sumunod sa kanya. Narating nila ang sala at tinuro niya ang mahabang sofa.

"You can rest there for a while."

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon