Kabanata 33

95.2K 1.6K 64
                                    

Kabanata 33

Drunk

Queennie leaned on the railings of the terrace. She could see the beautiful stars lighting the darkness of the night. She left and went home only to add her desire to see him. Palagi na lang itong pumapasok sa isipan niya. Bakit pa kasi nagkita sila ng mokong na 'yon!

Her phone kept on ringing. Pagtingin niyang si Pong ang tumatawag ay kaagad niya itong sinagot.

"Hi Pong."

"Hello In-in. I've heard nandito ka na sa Pilipinas. Are you going to stay longer this time?"

She sighed.

"It depends. Pero sa ngayon ay wala pa akong balak na bumalik sa England. Madalas na rin kasing magkasakit si Lola. I need to be here for her. She's getting older and I want to spend more time with her."

"I see. You're not busy this weekend?"

Napaisip muna siya. Mukhang wala naman siyang appointment ngayong weekend.

"Nope. Why?"

"That's good. Birthday kasi ni Papa this Saturday. Inimbitahan ka niyang pumunta."

"Oh, sure. Sige Pong pupunta ako."

"Okay In-in. See you. Bye."

"Bye din."

All these years, they have a constant communication. Ikatlong taon niya sa England nang aksidenting nagkita sila ni Pong sa Liverpool. Pong was an excellent engineer and he got an offer to work abroad.

Nauna nga lang itong umuwi sa kanya. She stayed another year before going back to the Philippines.

Kahit na nasa abroad siya ay she was active in promoting her advocacy in building schools in remote areas in the Philippines. Latest project niya yong sa Zamboanga.

Sabado. Maaga siyang umalis  papuntang South Cotabato. Samot-saring emosiyon ang lumukob sa kanya ngayon. Matagal din siyang nawala at hindi niya alam kung anong pagbabago ang nangyari sa lugar na kinagisnan niya.

Queennie decided to go to cemetery  first. Nakabili siya ng bulaklak at kandila sa labas ng cementeryo. Naglakad siya papunta sa puntod ni Nana Selma.

Inilagay niya ang bulaklak sa gilid ng lapida at nagsindi ng kandila. Malinis naman ang damo kaya umupo siya paharap ng lapida.

She uttered a silent prayer as she closed her eyes. Inatake kasi si Nana Selma noong nasa England siya. She suffered a mild stroke but after a month ay muli itong na  stroke.

Nana has been a mother to her ever since. Masakit para sa kanya ang malaway dito.

"I miss you Nana. Salamat sa lahat. Salamat sa pagpapalaki sa akin at sa pagmamahal na ibinigay mo kahit na hindi mo ako tunay na anak... I love you Nana," she murmured and silently cried.

Ilang minuto rin siyang nanatili sa puntod nang mapagpasiyahan niyang umalis.

Nagtungo siya sa dating bahay. May pumupunta na caretaker dalawang beses sa isang linggo para maglinis kaya hindi na niya kailangan pang maglinis.

Inilagay niya sa dating kwarto ang dalang damit pagkatapos ay nagtungo sa kusina para ayusin ang dalang groceries. Mabuti ng prepared siya baka manatili siya ng ilang araw dito.

Pagkatapos mag-ayos ay umupo siya sa sala at ini-on ang tv. Kinuha niya ang phone sa bulsa at kinontak si Lucas.

Ikatlong beses nagring ang phone nito bago sinagot.

"Hello? Lucas?"

"Queennie. How are you?"

Napangiti siya.

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon