Kabanata 26

87.6K 1.5K 31
                                    

Kabanata 26

Still Hurts

Time passed like it was yesterday. Pang huling taon na nila sa koliheyo. Masalimuot man ang nangyari at natuklasan niya noong nakaraang mga buwan, hindi dapat tumigil sa pag-inog ang mundo niya.

Tungkol sa pamilya niya, kinumpronta niya noon si Nana Selma. Gusto niyang malaman ang buong katotohanan.

"Pasensiya na anak kung tinago ko sayo ang katotohanan. Katulong ako sa bahay nila noon. Alam kong hindi masaya si Lucia dahil pinagkasundo lamang sila ng kanilang mga magulang. Palaging umaalis ang asawa niya dahil busy ito sa trabaho. Pinsan ko ang Tatay mo. Tinulungan ko siyang makapasok bilang driver nila dahil natanggal ito sa pinagtatrabahuan noon. Hindi ko sukat akalain na magkakaroon sila ng relasiyon. Bago namatay ang iyong Ina ay pinakiusapan niya ako na itago ka dahil baka pagbuntunan ka ng galit ng mga De la Cerna. Umalis ako sa Maynila at umuwi ng Cotabato dahil narito ang aking pinsan. Huli na nang malaman kong taga-rito ang mga De la Cerna. Ulila na ako at wala akong ibang matitirhan kaya pilit kong tinatago ang iyong totoong katauhan. Patawad anak dahil inilihim ko ito sayo..."

Hindi niya napigilang umiyak nang makitang umiiyak si Nana Selma. Niyakap niya ito ng mahigpit. May tampo pa rin siyang nararamdaman pero alam niyang ginawa lang ito ng Nana niya para protektahan siya.

Wala rin naman siyang magagawa dahil nangyari na. Kailangan na lang niyang harapin at tanggapin ang katotohanan.

Inilihim nila Lucas ang totoo. Pati kay Joennah ay hindi niya magawang sabihin kahit na matalik niya itong kaibigan. She didn't want to create fuss so it was better to hide her true identity.

Natakot pa siya noon nang makaharap ang ama ni Lucas. She was afraid she might open the wound that has long healed. Magkamukha pa naman sila ng kanyang Ina. Lucas gave her a picture of her mother.

Queennie just stared at the picture like she was looking at her older self. Tears streamed from her eyes. The longing from a daughter to her mother was unbearable.

Ngayon niya lang napagtanto ang sobrang pangungulila sa Ina. Lumaki siyang walang mga magulang kaya siguro tanggap na nang batang utak at puso niya ang katotohanan.

The pain she felt now was a foreign to her. She felt so lost and unhappy.

Hindi niya akalain na maganda ang pakikitungo ng asawa ng kanyang Ina. Mr. Romano was a good man.

"I've long forgiven Lucia. I couldn't blame her. We both knew our feelings for each other. Even if we didn't want this marriage, we couldn't do anything about it. We both are too afraid to disobey..." the pain in his eyes were visible.

She felt sorry for what happened in the past. We do have our own ghost that has always been hiding inside the closet. We just need enough courage to open that closet in order to face our fears.

Kinabukasan ay nagtungo naman sila ni Lucas sa Bukidnon. They would meet her grandmother sa mother's side nila.

Nakaramdam siya ng kaba ng makita ang mansyon. Pagpasok nila ay mas lalo siyang kinabahan. Pero nang makita niya ang matanda na may bahid na luha sa mga mata ay bigla siyang tumakbo papunta sa Lola niya at niyakap ito ng mahigpit.

Pareho silang napahagulhol. Sa haba ng panahon na paghahanap niya sa kanyang apo, sa wakas ay nakita rin niya ito.

Nakiusap ang Lola niya na tumira siya sa manisyon. Gusto rin niyang makasama ito kaya tuwing weekends ay sa Bukidnon siya umuuwi. Pero kapag school days ay sa mismong bahay na dating tinutuluyan niya pa rin siya namamalagi. Tatapusin na muna na ang huling taon sa kolehiyo at doon na siya mamalagi sa Lola niya ng permanente.

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon