Kabanata 4

124K 2.2K 20
                                    

Kabanata 4

Bato


Wala talagang hiya sa katawan ang lalaking 'to! Pati ang bra niya ay dinamay pa.

Gamit ang kanyang mga daliri sa paa ay kumuha si Queen ng mga bato.  Binato niya ito pero nakailag ang mokong.

Kumuha pa siya ng mga bato at mas malalaki na ang mga ito kumpara kanina. Ang galing nitong umilag kaya mas lalong nadagdagan ang inis niya. He was laughing at her and she hated it!

Last na talaga 'to! Siniguro niyang surebol ang pagbato niya at sa wakas ay natamaan niya ito. Natumba ang mokong sa damuhan.

"Buti nga sayo manyak!" natatawang sigaw niya.

Nagtaka siya ng hindi ito gumalaw. Tsk, nagdadrama lang 'yan panigurado.

Ilang minuto rin niya itong pinagmasdam pero hindi na talaga ito gumalaw. Bigla siyang kinabahan at tinungo ang lalaki.

Isinuot muna niya ang kanyang bra at bumaling dito. Nagulat siya nang may makitang dugo sa noo nito. Nagpanic siya.

Patay! Anong gagawin niya?

"Hoy manyak. Gumising ka nga! 'Wag kang magbiro ng ganito!" kinakabahang yugyog niya sa balikat nito pero wala paring malay.

Mangiyak-ngiyak na tinakbo niya ang hinubad na damit at kinapa ang cellphone. Tinawagan niya si Manong Kador ang tsuper ng De la Cerna. Nagbihis muna siya baka paparating na ang tulong.

Wala siyang pakialam kung may ibang makakaalam sa secret haven niya. Ang mahalaga ay matulungan niya ang anak ng De la Cerna.

Dumating si Manong Kador. Nagsama ito ng tatlong trabahador at binuhat ang katawan nito.

Tahimik siyang sumunod sa kanila. Diniretso ito sa kwarto at naghihintay na ang doctor. Katabi ng lalaking doctor si Nana Selma na nag-aalala.

Bumaling si Nana sa kanya at matalim siyang tiningnan.

"Ano na namang kalokohan ang ginawa mo Queennie?" galit na sumbat sa kanya ni Nana.

Napayuko siya at pinipigilan ang sariling hindi maiyak.

"N-ana it's no her fault. Nadulas po ako nang mamasyal sa tabi ng ilog."

Napatingin kaming lahat sa kanya. Bakit pinagtatakpan nito ang kasalanan niya?

Pumikit itong muli at ginamot ng doktor. Nang matapos itong gamutin at lagyan ng benda sa ulo ay umuwi na ang doktor. Hinatid naman ni Nana Selma ang doktor palabas.

Silang dalawa na ngayon ang naiwan sa kwarto. Kahit naiinis parin siya ay hindi niya maiwasang mag-alala.

Buti at umalis ang mag-asawa. Isang linggo raw sila sa Maynila para asikasuhin ang mga negosyo.

Aalis sana si Queen nang magsalita ito.

"Stay." Seryoso ang mukha nito at tinapik ang gilid ng kama para paupuin siya.

Kahit ayaw niya ay sinunod niya ito at tumabi sa kama. Nagulat niya ng bigla nitong inihiga ang ulo sa mga hita niya.

Umaandar na naman ang pagkamanyak nito ng mabilis na hinalikan ang hita niya at muling natulog.

Sarap bigwasin!

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon