Kabanata 31

91K 1.5K 69
                                    

Kabanata 31
Sprain

After six years...

Queennie felt sleepy and tired. May jet lag pa siya pero kailangan niyang dumiretso ng uwi dahil nagkasakit ang Lola niya.

"Manong, iidlip lang po ako sandali."

"Sige po Mam. Mahaba pa naman po ang biyahe."

She closed her eyes and tried to get some sleep.

"Mam, nandito na po tayo."

Nagising siya sa boses ng driver nila. Napasarap ang tulog niya dahil pagod siya sa biyahe.

Queennie closed the door of her grandmother's room and went to her own room. She felt relieved dahil bumubuti na ang pakiramdam nito. Dala na siguro ng katandaan kaya madalas na itong magkasakit.

Nang sa sumunod na linggo ay bumalik na sa dati ang lakas ng kanyang Lola kaya kampanti na siyang pumunta ng Zamboanga. Nag-empaki siya ng mga gamit at inilagay sa sasakyan. Naggroceries muna siya bago nagsimulang bumiyahe.

Mahigit na apat na oras din ang biniyahe niya papuntang Zamboanga City. Nagkita muna sila sa presidente ng mga Subanon, it's one of the indigenous tribe in Zamboanga. Pumasok siya sa isang maliit na coffee shop at nakita niyang naghihintay na ito.

Nang makita siya nito ay nginitian siya.

"Magandang umaga po," bati niya sa ginang habang nakatitig sa suot nitong tradisyonal.

"Magandang umaga rin po Mam."

Umupo siya sa katapat nitong upuan. May nakahanda ng kape sa kanyang harapan.

"So ano po ang development sa project?"

Nagtaka siya nang biglang lumungkot ang mukha nito.

"Kasi po Mam... may problema po tayo tungkol sa lupa."

"At bakit naman? Diba okay na 'yon?"

"Umatras po ang may-ari. May bibili raw po na mas mataas ang halaga. Balak pong magpatayo ng resort 'yong bibili ng lupa," malungkot na pahayag nito.

Kumunot ang noo niya sa narinig.

"Kung magpapatayo sila ng resort, ibig sabihin... pati ang lawa ay bibilhin? Paano na ang Subanen Village?" nagngingitngit ang kalooban niya.

Kawawa ang mga katutubo pagnagkataon. Sila dapat ang nakabili sa lupa eh. Ang lupang iyon ang pagpapatayuan nila ng paaralan para hindi na kailangang maglakad ang mga bata ng ilang kilometro para lang makapunta sa eskwelahan.

She has already coordinated with the Department of Education about her plan on building a school. It's part of her advocacy as an educator. She always long to help those children in remote places to be educated by building schools near to their place.

It was not solely her expenses. May mga donations siyang natatanggap sa kapwa educators and even businessmen who just wanted to help. She raised funds to build schools.

"Baka pati 'yon ay kasali po."

Napatiim-bagang siya. This is beyond justice. The tribe should have their own rights to preserve their culture.

"Huwag po kayong mag-alala. Hahanap po ako ng paraan."

Kahit na hindi maganda ang balitang bumungad sa kanya ay isinantabi muna niya ang pagkainis. Pumunta sila sa Subanen Village at ipinamigay ang dala niyang mga pagkain. Masaya habang pinagmamasdan ang mga katutubo na may ngiti sa kanilang mga labi nang makatanggap ng dala niya.

"Ate Reyna, pinapatawag po kayo ni Tatay," masiglang sabi ng batang si Ambo.

The children called her Reyna dahil mas maganda raw pakinggan. Close siya sa mga bata rito kaya gayun na lang ang kagustuhan niyang matulungan ang mga ito.

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon