Kabanata 6
Push and Pool
Hapon na nang bumalik sa mansiyon si Queen kinabukasan. Iniiwasan kasi niyang makita o masulyapan ang anino nito.
Sa kusina ang punta niya. Nadatnan niya si Nana Selma na ito mismo ang naghanda ng meryenda.
Lumingon ito nang makita siya.
"O tamang tama at narito ka. Ihatid mo itong meryenda kay Lutian. Nandoon siya sa pool."
Sabay bigay ng tray sa kanya.
"Eh pero Nana ..."
"Wala ng pero pero. Busy ang ibang katulong at wala ka namang ginagawa."
Wala siyang magawa kaya kinuha niya ang tray at nakasimangot na nagtungo sa pool. Si Nana Selma talaga!
Nakatalikod sa kanya si Lutian. Oo, may pangalan kahit papaano ang manyak na 'yon.
Nakaupo ito sa sun lounger chair at may katawag sa cellphone. He wore a white sando at kita ang magandang hulma nitong katawan. His muscles were everywhere and oozing with sexiness.
His back was something any woman would want to hug and lean into. But luckily, she was not part of the that group. Swear!
Tuloy tuloy lang ang lakad niya. Tumaas ang isang kilay niya nang marinig ang pag-uusap nito.
"Sweetheart I'll make it up to you when I return to Manila," sweet na sambit nito.
Nasa tabi nito ang maliit na mesa at padabog na nilagay ang meryenda. Sumulyap ito sa kanya pero hindi niya ito tinapunan ng tingin. Manigas siya! Ha! May pasweetheart pa itong nalalaman!
Ilang babae na kaya ang inakit at minanyak nito? Malamang ay marami na.
Akmang aalis na siya nang pigilan siya nito sa pulso. Tinapos nito ang tawag at hinigit siya paupo.
Pumiksi siya.
"Bitawan mo ako Lutian Weston De la Cerna!" bulyaw niya.
"Woah! I thought you forgot my name but it seems that you didn't after all," he smirked and tighten his grip.
Nag-iinit ang ulo niya sa inis. Kundi lang may benda ito sa ulo ay baka kanina niya na ito sinapak. Nakakainis pati ang gwapo nitong mukha at ang pamatay nitong katawan. Wait... Did she just praise this asshole?
"Bitaw sabi eh!" Inis na singhal niya.
Tumawa lang ang mokong.
"Oh sige."
Kaagad siya nitong binitawan. Dahil sa pagbitaw nito ay na out balance siya at napaatras. Huli na nang marealize niya na sa pool ang bagsak niya.
"Waaaahhh!!!"
Napatili siya at nabitawan ang tray. Ang walang hiya! Mas lumakas pa ang tawa. Hindi man lang siya tinulungan dito.
Lumangoy siya papunta sa gilid na galit ang mukha. Tumingala siya at nakatayo si Lutian sa harap niya na nakangisi.
Itinaas niya ang kamay dito upang manghingi ng tulong para makaalsa sa pool. He took her hand at siya naman ngayon ang nakangisi.
Boong lakas niya itong hinila kaya nahulog din si Lutian sa pool. Now, it was her turn to laugh.
Umahon si Lutian mula sa pagkakalubog at lumapit sa kanya. He was holding his head as if may iniinda itong sakit. Nataranta siya at kaagad na dinaluhan ito.
"Hoy, okay ka lang?" Hindi niya maiwasang mag-alala.
Hindi ito sumagot. Lumapit pa siya ng kaunti rito pero napasinghap siya nang hapitin siya nito sa beywang.
Letse! It was his trap!
"Gotcha!" He whispered behind her ear.
The water was cold but her body became hot by his touch. She wanted to get away but his arms were firm against her soaked body.
"You always look hot when your wet," he murmured as he stared at her.
Gusto niyang umiwas pero parang nahihipnotismo siya sa intensidad ng mga titig nito sa kanya. Bahagya itong yumuko at isang dangkal na lang ang pagitan nila.
Nakalimutan yata niya kung paano huminga. His light brown eyes were burning with passion. She shivered by his stare.
She suddenly closed her eyes not minding of what would happen next.
BINABASA MO ANG
He Who Owns Me DLC 1
RomanceDe La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she found herself sleeping on Lutian's lap. Magkahawak pa ang kamay nila! She shifted to face him but e-rr...