Kabanata 17

98.1K 1.6K 40
                                    

Kabanata 17

Ball

"So ano na In-in? Sama ka na kasi. Kawawa naman si Pong paghindi ka dumalo."

Kanina pa nagmamataktol itong si Joennah. Eh, sa wala siyang balak pumunta.

"Busy ako," alibi niya.

"Busy saan? Bakasyon na po kaya ano naman ang pinagkakabusyhan mo. Hindi ka nga nanood ng soccer kahapon. Sige na please," pagmamakaawa nito sabay yugyog sa balikat niya.

Ang kulit talaga! Alangan namang pumunta siya. Baka makita niya pa ang paglalandian ng dalawa kahapon.

Pero kawawa nga si Pong paghindi siya dumalo.

"Tsk, sige na nga!"

Ngumiti ito ng matamis at nagtatalon sa tuwa. Napailing na lamang siya.

"Pero wala akong isusuot na damit. Huwag na lang," bawi niya.

Napawi ang ngiti ni Joennah at matalim siyang tinitigan.

"Eh, hindi na pwede! Pumayag ka na! Don't worry ako ang bahala sa damit," makahulugang sabi nito.

Alas-otso magsisimula ang ball kaya naghanda sila ni Joennah mga bandang ala-sais. Hindi naman ito excited sa lagay na yan, tss. Nandito siya sa bahay nila dahil ang mama raw nito ang magmi-makeup sa kanila.

Tapos na ang makeup ni Joennah at damit na lang ang kulang. Siya ay nakaupo na ngayon sa harap ng tokador. Nakapikit ang kanyang mga mata habang minimakeupan.

"Magbihis ka na anak at matatapos na itong si Queennie."

"Opo Ma."

Hindi niya pa nakikita ang susuoting damit para raw surprise. Ewan niya kung saan ito nanghiram ng damit. Ayaw naman nitong sabihin kung saan ito kumuha ng damit. Formal event kasi kaya dapat long gown o di kaya ay cocktail dress.

"O tapos na In-in," sa wakas ay deklara nito.

Dahan-dahan siyang nagmulat at tinitigan ang itsura sa salamin. Hindi na kinulot ang buhok niya dahil medyo curly ang dulo ng mahabang buhok niya. She wanted to leave it that way. Her lips were pink and so her cheeks. She looked so ... not her.

Hindi naman siya nagmimakeup sa school, sa piling okasiyon lang. Kadalasan ay pulbo ang gamit niya at skin toned na lipstick.

"Magbihis ka na rin iha."

Tumayo na siya at nagtungo sa kawayan na sofa. May nakalagay kasing rectangular box doon. Bago niya pa mabuksan ay lumabas si Joennah galing sa maliit na kwarto na nakabihis na.

She looked beautiful with that black long gown. Kaunting galaw lang nito ay kumikislap ang damit. V-neck ang harap ng damit but not too revealing. She has nice curves and the gown was like tailored for her own size.

"Ang ganda mo Joe," ngiting paghanga niya.

"Dalagang-dalaga na ang magandang anak ko," masayang puna ng kanyang Mama.

Ngumiti si Joennah at umupo sa sofa.

"Ikaw naman ang magbihis In-in."

Tumango siya at dinala na ang box sa mismong kwartong pinasukan nito. Binuksan niya ang box at tumambad sa kanya ang magandang gown na kulay fuchsia. It was a Chiffon strapless corset long gown. Sinuot niya ito. The fabric felt cool under her skin. Her white collarbones and shoulders were exposed. May kalakip din itong puting high heels at isinuot na niya.

Lumabas siya ng kwarto at napatitig si Joennah at ang Mama nito.

"Bagay na bagay sa iyo ang damit In-in. Ang ganda-ganda mo!" Manghang sambit nito.

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon