Kabanata 11

108K 1.7K 14
                                    

Kabanata 11

Alone

Pagkatapos kunin ni Queennie ang nahulog na susi ng sasakyan ay umayos ito ng tayo. Inilibot nito ang paningin sa paligid na parang may hinahanap.

Nang mahagip nito ang kanyang paningin ay binigyan siya nito ng nakakalokong ngiti. Pero dumilim ang expresiyon nito sa mukha nang bahagyang lumapit si Pong sa kanya.

Malalaki ang mga hakbang nitong sumugod na nakatiim-bagang. Nanatili siyang nakaupo nang nakatayo na si Lutian sa harap niya. Napatingala siya sa mukha nitong galit.

"Let's go," matigas na utos nito.

Tinaas niya ang isang kilay para tarayan ito. Feeling close talaga ang manyak na 'to.

"Mauna ka na. Kaya kong umuwi mag-isa," pinal na sabi niya habang hindi umiiwas ng tingin sa mga mata ni Lutian.

She saw him licked his lips in frustration as he continued to stare at her.

"No, sasama ka sa akin," pilit na pahayag nito.

"A-ko na lang maghahatid sayo In-in," lakas-loob na sabad ni Pong.

Binigyan siya ng matalim na tingin ni Lutian kaya napayuko si Pong. Ang angas ng mokong!

"Salamat na lang Pong. Alam kong may tatapusin ka pang trabaho rito sa farm. Kaya kung umuwi ng mag-isa," ngumiti siya kay Pong at tumango lang si Pong sa sinabi niya.

Narinig niyang nag-tsk si Lutian. Para mawala ang tensiyon ay tumayo siya at iniwan ang dalawa. Bumalik siya sa kubo para kunin ang basket. Siguro naman ay tapos ng kumain sina Manong Lino.

Ang mga bata lang nadatnan niya na naglalaro.

"Ate Reyna uwi na po kayo?" inosenteng tanong ni Agatha nang napansin nitong kinuha niya ang walang laman na basket.

"Oo eh. Pakisabi sa Papang niyo na uuwi na ako," ngiting sambit niya sabay haplos sa buhok ng mga bata.

Bahagya siyang yumuko at yumakap ang tatlo sa kanya. Kumalas sa yakap ang mga bata at may tiningnan sa likod niya. Sinundan niya ang tingin sa mga bata at nakita niya si Lutian na nakapamulsa.

Sinimangutan niya ito pero lumapit parin ang loko. Tumabi ito sa kanya. Tinitigan lang siya ng mga bata.

Siniko niya ito at pinandilatan.

"Umayos ka. Batiin mo ang mga bata," bulong na utos niya.

Sinamaan siya nito ng tingin.

"Hi kids?"

Ano 'yon, patanong? Puro kasi landi ang nasa isip ng mokong na 'to. Hindi marunong makisama sa mga bata, tss.

"Ah, eto pala si Kuya Lutian niyo." Siya na ang nagpakilala rito.

"Hello po Kuya Lutian!" sabay na bati ng tatlo.

Napakunot ang noo ni Lutian imbis na ngumiti sa mga bata.

"Triplets sila kaya huwag ka ng magtaka," inis na bulong niya.

"Sige alis na kami mga bata," ngiting kaway niya sabay hila kay Lutian palayo.

Nang makalayo sila ay binitiwan niya ito.

"Umalis ka na. Maglalakad ako pauwi," mataray na panimula niya.

"No, you will come with me," he insisted.

"Sabing ayoko eh!" sigaw niya sabay alis. Bahala ng maabutan siya ng gabi sa daan.

Kabisado naman niya ang lugar at hindi naman siya takot sa dilim.

Ilang minuto na rin siyang naglalakad nang lumingon siya. Walang Lutian ang sumunod sa kanya. Tahimik ang daan at medyo dumidilim na.

Sinipa niya ang batong nakaharang sa daan sa sobrang inis. Eh, ano naman ngayon kung hindi ito sumunod sa kanya? Pakialam niya sa manyak na 'yon!

"Aw! Putcha ang sakit!" impit na sigaw niya.

Ngayon lang yata niya narealize na nakatsinelas siya at tumama sa mga daliri ng paa niya ang matulis na bato.

Nanlaki ang mata niya nang dumugo ang kanyang tatlong daliri. Namutla siya ng makita ang dugo. Luminga siya at may nakitang malaking bato sa di-kalayuan.

Nanginginig siyang lumapit sa bato at umupo. Hindi niya kayang tingnan ang dugo sa kanyang paa. Mahapdi at masakit pero tiniis niya.

Kung kanina ay mag kaunting liwanag pa, ngayon ay nabalot na ng dilim ang buong paligid. Kailangan na niyang makauwi.
Pero masakit ang kanyang paa. Paano na 'to?

Wala ng dumadaan dito kapag ganitong oras na. Umihip ang malamig na hangin at nanlamig siya.

She felt so alone and lost.

Inis na umibis si Queen ng sasakyan. Dumiretso siya sa kanyang kwarto at padarag na humiga.

Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng 'yon! Sumasakit ang ulo niya sa kaiisip dito. Hindi niya namalayang nakatulog siya. Pagmulat niya ay lumabas siya ng kwarto. Nadatnan niya si Nana Selma sa hamba ng pinto na hindi mapakali.

"Nana may problema ba?"

Lumingon si Nana na may bahid na pag-alala.

"Hindi pa kasi umuuwi si Queennie anong oras na."

Shit! Saan naman kaya ito nag-susuot?

"Saan po siya dumaan kanina Nana?"

"Doon sa likod ng kuwadra iho. May shortcut kasing daan doon papuntang farm."

Tumango siya at tumakbo palabas. Kinuha niya si Hitler at tinahak ang daan papuntang farm. Ilang sandali pa ay may nakita siyang nakaupo sa may bato. Kahit medyo madilim na ay may liwanag parin dahil buwan.

Mabilis siyang bumaba kay Hitler at inis na lumapit sa nakayukong si Queennie.

"I told you to come with me ..."

Sesermonan sana niya ito pero nang makita siya nito ay kaagad itong tumayo at yumakap sa kanya ng mahigpit.

Nanatili ang dalawang kamay niya sa gilid habang mahigpit ang yakap ni Queennie sa kanya. Naramdaman na lang niya ang mahinang paghikbi nito.

Parang bula na naglaho ang kanyang galit at niyakap ito pabalik ng mahigpit. He caressed her hair and her back to comfort her. Sa sandaling iyon parang nakalimutan niya ang totoong intensiyon kung bakit siya nakikipaglapit dito.

"Sshh, don't cry. I'm here now My Queen," he soothingly whispered as he kissed her forehead.

Nawala ang pinaghalong takot at kaba niya nang makita si Lutian. Hindi niya napigilan ang sariling yakapin ito ng mahigpit at naiyak pa siya. Maybe she was just happy because he came.

Inalalayan siya nitong makasakay sa kabayo. Sumunod ito sa kanya kaya nasa harap siya nito. He took her arms and put them on his neck. So she snaked her arms to his neck for support at hindi na siya pumalag pa. She was just too tired to argue.

She rested her head on his broad chest and closed her eyes. She smelled his manly scent and it made her at ease. She could feel him kissed her head as her eyelids became heavy and she dozed off to sleep.

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon