Kabanata 34
Deceiving Words
Queennie groaned as she opened her eyes. Damn! Her head was aching like hell! Lintik ng! Sino bang nagsabing hindi nakakalasing ang beer!
Bumalik siya ng higa sa kama at hinilot ang sentido. Naparami yata ang nainom niya ng beer. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit.
Ilang minuto muna siyang nanatili sa pagkakahiga nang sinubukan niya ulit na bumangon. Thank god! Medyo hindi na masyadong masakit ang ulo niya.
Inalis niya ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan at tumayo. Papikit-pikit pa siyang naglakad papunta sa human sized mirror para tingnan ang itsura.
Huminto siya ng nasa tapat na ng salamin at nilakihan ang pagkabuka ng mga mata.
Queennie gasped as she saw herself wearing an unfamiliar clothe. Siniyasat niya ang damit.
Hindi naman ito yong suot niya kagabi ah? Bakit nakaputing long sleeves na siya ngayon? Inamoy niya ang kwelyo ng long sleeves. Gosh! The scent was very familiar to her. Oh no! It couldn't be...
Tinakbo niya ang daan papuntang kusina. Hindi niya alam pero parang nadismaya siya nang walang tao sa kusina. Tahimik ang kabahayan.
Nabaling ang tingin niya sa mesa. May nakahanda ng pagkain. May maliit na papel sa gilid nito kaya kinuha niya ito at binasa.
Good morning. Eat your breakfast as soon as you wake up. By the way, wash my long sleeve before returning it to me.
Yours,
L
Halos mabitawan niya ang kapirasong papel. Pabalik-balik ang basa niya sa salitang "Yours". Anong ibig nitong sabihin? Pwede namang hindi na lagyan ng ganyan, tsk.
Itinabi niya ang papel at kinain ang hinanda nitong agahan. Kahit labag sa kalooban niyang kumain ay sayang naman ang grasya. Typical breakfast ang hinanda nito : fried rice, sunny side up egg, ham, tocino and chicken hot dog.
Walang nakahandang coffee dahil hindi rin naman siya mahilig sa kape. He remembered huh?
Queennie ate silently. Hindi niya namalayang naubos na pala niya ang pagkain. She stood up at niligpit ang pinagkainan. Pagkatapos manghugas ay bumalik ulit siya sa kwarto at humiga.
Hinila siya ulit ng antok. Alas dos na nang muli siyang nagising. Nag-unat siya ng mga balikat. Naku, suot pa pala niya ang long sleeve. Kailangan niya pa itong labhan. Ang daming damit nito. Pwede namang hindi na niya ito ibalik.
"At ano ang gagawin mo? Gagawing souvenir?" aniya sa kanyang isipan.
Inis na hinubad niya ang damit at naligo muna. Pagkatapos ay nilabhan ito at sinampay sa labas.
Nakaisip siya ng magandang ideya. Pupuntahan niya si Lucas ngayong hapon at doon niya iiwan ang damit nito. Bahala na si Lucas ang magsauli kay Lutian. Kung bakit ba kasi binihisan pa siya nito.
She felt her cheeks flushed at the thought of him changing her clothes. Baka nanilip ito habang binibihisan siya! Hmmp!
Tinext niya si Lucas na pupunta siya. Baka kasi busy o may lakad ito.
"Good afternoon Brother. Pupunta ako ngayon diyan. Okay lang ba?"
Ilang segunda ang lumipas at nagreply ito.
"You can come here."
Nagtipa siya ng reply.
"Okay :)"
BINABASA MO ANG
He Who Owns Me DLC 1
RomanceDe La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she found herself sleeping on Lutian's lap. Magkahawak pa ang kamay nila! She shifted to face him but e-rr...