Kabanata 19
Alamat
Maagang gumising si Queennie kinabukasan kahit na hindi siya nakatulog ng maayos. Naligo siya pagkatapos ay nagkaykay ng susuoting damit sa kabinet. Hindi siya masyadong mahilig mag-ayos pero parang gusto niyang mas maging presentable sa harap ni Lutian.
Sa wakas ay nakapili siya ng puting bestida. Medyo maiksi ito pero hindi naman malaswang tingnan. Nakangiti siyang nakaharap sa salamin habang sinusuklay ang medyo basa pang buhok.
Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mga yabag ng kabayo mula sa labas. Tinapos niya ang pagsusuklay at dumungaw sa bintana. Tanaw niya si Lutian na nakasakay sa kabayo nitong si Hitler. He was wearing a denim jacket with under white shirt, rugged pants and a cow boy hat and boots.
Damn! He looked so hot! His muscles flexed as he pulled the rein to stop the horse.
Lutian took off his hat and looked up. He saw her peeking through the window then he gave her a sweet smile.
Nawala ito sa bintana at nakita niya ang pagbukas ng pinto. She was walking towards him with a shy smile on her face. His eyes fiested on her. The hem of her white dress brushed her white and flawless legs as she walked.
She looked so damn sexy even in simple dress.But the dress was damn short!
Queennie stopped as she was a few steps away. Nagtaka siya kung bakit biglang dumilim ang expresiyon nito sa mukha. Bumaba si Lutian sa likod ng kabayo at lumapit sa kanya.
Nakakapaso ang tingin nitong pinukol sa kanya. Ano na naman kaya ang problema ng mokong na 'to? Kanina lang eh nakangiti pa ito pero ngayon ay seryoso na.
She crosses her arms and looked into his eyes. Tinaasan niya ito ng isang kilay.
"Your dress is too short, tss..."
Kaya pala...
Ganito naman ang mga damit niya ah? Bakit ngayon ay nagrereklamo ito? Nag-ayos pa naman siya para rito tapos ito pa ang sasabihin nito?
Sinimangutan niya si Lutian.
"Eh, sa wala akong ibang damit. Tsaka ganito naman palagi ang mga isinusuot ko diba! Kung ayaw mo sa damit ko eh babalik na lang ako sa loob..." Akma siyang tatalikod nang hawakan siya ni Lutian braso.
Natigil siya. Mula sa kanyang likuran ay niyakap siya ni Lutian patalikod. Ipinatong nito ang baba sa kanyang kanang balikat. May kung anong nagrarambulan sa loob ng kanyang tiyan. Palihim siyang napangiti.
Sinubukan niyang kumawala sa yakap nito pero mas hinigpitan pa ni Lutian ang yakap mula sa kanyang likod.
"Tss, bitaw!" kunwari'y inis na sambit niya.
Ramdam niya ang buntong hininga nito sa kanyang leeg.
"Sorry..." bulong nito. "I'll let it pass this time. I don't want others to see what's only for me. So be careful with the way you dress Miss because this man is very possesive," matigas na sambit nito sabay halik sa leeg niya.
"Opo mahal na hari," natatawang sambit niya at hinampas ng mahina sa balikat si Lutian dahil nakikiliti siya sa biglaang paghalik nito sa leeg niya.
Inalalayan siya ni Lutian na makasampa sa kabayo. Pagsakay niya ay mas umangat ang laylayan ng damit niya. Napatingin ito sa legs niya.
"Tss..." anas nito.
Pinipigilan niya ang sariling mapangiti.
Nakakunot ang noo nitong hinubad ang suot na jacket at ipinatong sa may hita niya upang takpan ang nakaexpose na balat.
May suot naman siyang maikling shorts. Sadyang overacting lang ang mokong.Sumampa na rin ito sa likod niya. Marahan nitong pinatakbo ang kabayo.
"Saan tayo?" tanong niya at bahagyang nilingon si Lutian.
"Sa bahay muna tayo. May kukunin lang ako then pasyal tayo sa hasyenda."
Marahan siyang tumango at inabala ang sarili sa tanawing nararaanan nila. Ilang sandali pa ay narating nila ang mansiyon. Hindi na siya bumaba at nanatili lang sa likod ng kabayo. Mabilis lang si Lutian at pagbalik nito ay may dala ng camera. Maliit lang ito.
Pinahawak nito sa kanya ang camera at muling sumampa sa likod.
"Anong tawag nito?" pinagmasdan niyang mabuti ang camera.
"That's go pro," tipid na sagot nito.
"Aah."
Hindi kasi siya masyadong mateknolohiya kaya wala siyang alam sa kung ano ang bago at uso ngayon. Kinuha nito ang go pro sa kanya at pinakita kung paano ito gamitin. Sinubukan niya ito at hinawakan ang mahabang handle ng camera. Hindi siya sanay magpicture o selfie kaya medyo na conscious siya.
Ngumiti siya habang nakapulupot naman ang braso ni Lutian sa beywang niya. She pressed the button sa may handle. Sabik na tiningnan nila ang kuhang litrato. She couldn't contain her smile. Ang ganda ng kuha ng camera. Kahit saang anggulo tingnan ay ang gwapo ng mokong. Bagay na bagay itong maging modelo.
Una nilang pinuntahan ang pineapple farm. Nakasalubong pa nila si Manong Lino. Kumaway lang ito sa kanila. Nang magtanghali na ay huminto sila sa may kubo. May nakahanda ng pagkaing nakalatag sa sahig na kawayan. Masaya silang kumain ng tanghalian. Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna sila. Nakasandal si Lutian sa haligi ng kubo at nakayakap ito mula sa kanyang likuran.
Tanaw mula rito ang magadang tanawin ng bundok Matutum. Hindi ito gaano ka perpekto tulad ng Mount Mayon pero maganda paring atraksyon ang Mount Matutum. Aktibo ang bulkang ito pero wala pa namang malaking pinsalang naidulot ang bulkan.
"Alam mo ba ang alamat tungkol sa bulkang iyan?" tanong niya kay Lutian sabay turo sa bulkan.
"Sinabi sa akin 'yan noon ni Nana Selma but I already forgot about it."
Huminga siya ng malalim.
"Noong unang panahon kasi, may isang ordinaryong babae na si Matutum, ang nagkagusto sa mahal na prinsipe. Mahigpit ang patakaran ng Raha Suli at ipinagbabawal ang pagkakagusto ng mga maharlika sa ordinaryong tao. Pero nabighani ang prinsipe sa ganda ng babae nang magkita sila sa isang dinaraos ng okasiyon. Simula noon ay palihim na sinuyo ng prinsipe ang magandang dilag. Pero nahuli sila ng kapatid nitong babae at binantaan na kapag hindi niya tatapusin ang relasiyon ay makakarating ito sa ama nilang si Rah Suli. Walang nagawa ang prinsipe at hindi na nakipagkita sa dalaga. Ngunit araw-araw ay pumupunta ang dalaga sa tabing ilog upang hintayan ang prinsipe, nagbabakasakaling dumating ito. Pero umabot ng ilang buwan ang kanyang pabalikbalik sa tabi ng ilog pero ni anino nito ay hindi niya nagisnan. Sa sobrang pangulila ay nagpakamatay ang babae pero hindi nakita ang bangkay nito. Pinaghahanap siya ng kanyang mga magulang at kapit-bahay ngunit wala silang mahanap na bangkay. Nagtaka na lang sila ng makalipas ang isang buwan ay may unti-unting may tumubong lupa sa gilid ng ilog hanggang sa naging bulkan ito."
Namagitan sa kanila ang mahabang katahimikan. Akala niya ay nakatulog si Lutian habang nagsasalita siya kaya bahagya niya itong nilingon. Seryoso ang mukha nitong nakatanaw sa bulkan.
"Bakit nagawa niya 'yon sa babaeng mahal niya? He should have fight for her instead of leaving her alone without even saying goodbye," Lutian clenched his teeth.
Tipid siyang ngumiti at kinuha ang kamay nitong nakakuyom. She intertwined their fingers and looked directly into his eyes.
"You know what? Sa mismong araw na nagpakamatay ang babae ay siya namang pagdating ng prinsipe. Umiiyak siyang kandong ang bangkay nito. Sinisi niya ang sarili. Kung sana ay dumating lang siya ng mas maaga ay hindi sana mawawala sa kanya ang babaeng iniibig. Kaya napagpasyahan din niyang... kitilin ang buhay."
Bumuntong hininga si Lutian at kinabig siya sa dibdid nito.
"That was a very sad and tragic legend... Just like Pyramus and Thisbe," he whispered and kissed her head.
BINABASA MO ANG
He Who Owns Me DLC 1
RomanceDe La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she found herself sleeping on Lutian's lap. Magkahawak pa ang kamay nila! She shifted to face him but e-rr...