Kabanata 16

94.3K 1.5K 30
                                    

Kabanata 16

Red Ribbon

Simula noon ay iniiwasan ni Queennie na magtagpo ang landas nila ni Lutian. Kung pumupunta man siya sa mansiyon ay sinisiguro niyang wala ito.

Kung sa school naman ay umiiwas din siya. Pinipilit niyang kalimutan ang damdaming nagsisimulang sumibol para rito. May pagkakataon nga na hindi talaga maiiwasan na magkasalubong sila pero laking pasalamat niya dahil palaging nandiyan si Pong sa tabi niya.

Una pa lang alam niya na dapat hindi mahulog ang loob niya. Umaasa siyang mawawala rin paunti-unti ang nararamdaman niya para kay Lutian. Inabala niya ang sarili sa pag-aaral.

"In-in, ang bilis lumipas ng panahon no? Next week ay sem break na," masiglang sambit ni Joennah.

Nandito sila sa pinakasulok ng  library at may tinatapos na project para ipasa bukas. Bukas na rin kasi ang finals.

"Oo nga eh. Parang kailan lang," hinihaan niya ang kanyang boses at baka masita pa sila sa SA (Student Assistant) ng library.

"At halos buong sem mo ring iniiwasan si Lutian, tsk. Ano ba kasi ang nangyari at umiiwas ka sa kanya hanggang ngayon? Pati ako nakakapagsinungaling na noong minsang hinahanap ka sa akin," tinawanan siya nito sabay iling.

Napanguso siya rito

"W-ala naman. Huwag mo na 'yong isipin pa."

"Manood tayo ng game nila next week."

Ang tinutukoy nitong game ay ang soccer. Foundation Day ng school next week kaya may ibat-ibang activities.

"Hindi ako sigurado," walang ganang sagot niya.

"Eh, parte pa rin ba ito ng operation iwas mo? Kung ano man ang naging problema niyo ay dapat pinag-uusapan 'yan In-in. Lahat ng problema at hindi pagkakaunawaan ay nareresulba sa matino at masinsinang usapan. Hanggang kailan mo siya iiwasan? Kung may problema ka sa kanya ay sabihin mo para malaman nong tao kung ano ang naging kasalanan niya," mahabang litanya nito.

Napabuntong-hininga siya at nag-iwas ng tingin.

"Sana ganoon lang kadali ang lahat," bulong ng kanyang isipan.

Paglabas nila sa library ay medyo busy ang mga estudyante. Nagtataka sila kung bakit may mga nakataling pulang laso sa wrists ng mga estudyante. May dumaan na babae sa kanila at may pulang ribbon ito sa wrist.

"Excuse me Miss. Pwede magtanong?"

Huminto ang babae at tumingin kay Joennah.

"Ano po 'yon?"

"Anong meron at may mga nakatali na red ribbon sa wrist niyo?"

"Ah ito po ba?" Ipinakita nito ang ribbon.

Sabay silang napatango.

"Ganito po kasi 'yon. Mag bago pong dinagdag na event ang SSG para sa foundation day. May gaganapin pong ball sa susunod na Friday. Bibigyan po ng pulang ribbon ng lalaki ang babaeng gusto niyang makadate sa ball," nakangiting paliwanag nito.

Bakit hindi yata nila alam 'yon?

Pinasalamatan nila ang babae at naglakad na pababa ng building. Walang hustisiya itong pakulo ng SSG. Paano kung walang mag-yaya sa isang estudyante? Eh di kawawa naman.

Nakalabas na sila sa Education Building at madadaan nila ang oval. Nagtaka sila kung bakit biglang nagsisitili ang mga estudyante malapit sa soccer field. Hinila siya ni Joennah sa braso palapit.

Hindi na siya nakapag-react dahil sa bilis ng pangyayari. May practice yata ngayon ng soccer so ibig-sabihin baka nandito rin si ...

"Wooohhh!!! Tatanggapin na 'yan!!!" sigaw ng mga estudyante.

Nakangiti ang magandang babae kay Lutian habang nakalahad ang pulang ribbon sa kamay nito. She arched her right eyebrow. Diba ang sabi ay lalaki ang magbibigay ng ribbon? Bakit ito pa yata ang mismong nag-aalok?

Pinagtutulak at kinakantiyawan si Lutian ng mga kasamahan niya sa soccer. Napakamot ito sa batok na parang nagdadalawang isip kung tatanggapin ba nito ang ribbon.

Pinagmasdan niya ng mabuti ang mukha ng babae at ito 'yong babaeng nakita niyang kahalikan nito. Napatiim-bagang siya. Sa school din pala ito nag-aaral. Baka taga-ibang department kaya hindi niya ito nakikita.

Queennie was holding her breath when Lutian slowly reached for the ribbon. Hindi niya nakita ang sumunod na eksena dahil may tumakip na kamay sa mga mata niya. Naninikip ang kanyang dibdib na halos nahihirapan siyang huminga.

Hindi niya alam kung paano nag-iisahang pumatak ang kanina pa na pinipigilang luha. Pinatalikod siya at niyakap. Ang kanyang mukha ay nakatago sa malapad na dibdib nito habang patuloy sa pagpatak ang kanyang taksil na mga luha.

"Pong ..." hikbing sambit niya.

"Sshh ... I'm here. Tahan na," pag-aalo nito sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok.

Sa mga panahon kasing iniiwasan niya si Lutian ay si Pong ang palaging nandiyan sa tabi niya. Kahit na hindi niya sinabi lahat ang tungkol sa kanila ni Lutian ay alam nitong nasasaktan siya. Hindi niya alam kung paano nito nagagawang makaramdam na nasasaktan siya. Gaya ngayon.

Bahagya siyang kumalas dito at tiningala si Pong.

"S-orry na basa tuloy ang damit mo," hinging paumanhin niya.

Pinahid ni Pong ang basang mukha gamit ang dalawang kamay nito.

"Okay lang In-in sanay na ako," bahagya itong natawa.

Napangiti siya at mahinang hinampas ito sa dibdib.

Mas tumawa lang ang loko.

"Para hindi ka na umiyak ito ..."

Kinuha nito ang kamay niya at itinali ang pulang ribbon sa wrist niya. Hindi siya makapagsalita. Tinitigan niya lang ang ribbon na nakatali sa wrist niya. She felt like the ribbon didn't belong there but somehow it gave her comfort.

"Huwag ka nang umiyak baka sa susunod ay gagawa na ako ng paraan para makalimutan mo siya."

"Ano nga ulit ang sinabi mo Pong?"

Hindi niya masyadong narinig ang mga huling sinabi nito dahil lumakas ang tili ng mga estudyante.

"W-ala." Ngumiti ito sa kanya at ginulo ang kanyang buhok.

Napanguso siya sa ginawa nito. Magugulo na naman kasi ang buhok niya.

"Sabay na tayong umuwi. Nasaan ba si Joennah?"

"Narinig ko yata ang pangalan ko ah?" biglang sabad ni Joennah.

Saan na naman kaya ito nag-susuot?

Tumawa si Pong sa kanya.

"Uwi na tayo," yaya nito.

Tumango silang dalawa at naglakad na palayo.

Bago lumiko ay lumingon siya sa soccer field at nagtama ang kanilang mga mata. Parang may tumahip sa puso niya nang tumitig si Lutian sa kanya at halos panghinaan siya ng mga tuhod.

His face was expressionless and his stares were as cold as ice. Bumaba ang tingin niya sa braso nito and there was a red ribbon tied on his wrist.

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon