Kabanata 37

85.5K 1.4K 68
                                    

Kabanata 37

Shock

The two men shared a formal handshake while Queennie was just standing near the door, feeling so uneasy.

Dumapo ang mata niya sa nahulog na folder sa sahig at pasimple siyang naglakad palapit sa mesa para kunin ito.

Nahulog yata niya ito kanina nang...

"Iha?" tawag sa atensiyon niya ng kanyang Tito Miggy.

Mabilis na pinulot niya ang folder at kinakabahang humarap sa dalawa.

"Po?"

"Let's have a lunch first then after that we can proceed the meeting," pahayag nito at bumaling kay Lutian. "Is that okay with you Engineer De la Cerna?"

"That would be fine and by the way just call me by my first name Mr. Fuego."

Tumango-tango ang Tito niya.

"Fine. Let's drop the formality then. You can just call me Tito Miggy. So? Let's go?" iminuwestra nito ang pinto.

Sabay silang naglakad palabas. May mga nakaparada na mga kotse sa harap lang ng building.

Lalapit na sana siya sa kotse ng Tito Miggy niya nang tawagin siya nito.

"Queennie, Iha kay Lutian ka na sumabay. Dadaan muna ako sa bahay dahil may nakalimutan akong papeles. Sa inyo tayo kakain. Napagsabihan ko na si Manang Dolores na maghanda ng tanghalian."

Napamaang siya at sinulyapan ang nakangising aso na si Lutian. Nakuyom niya ang palad at hilaw na ngumiti.

"Sige po, Tito. Una na po kami," aniya at nakabusangot ang mukhang humakbang palapit sa pick up nito.

She arched her right eyebrow when his phone rang. Kinuha nito ang phone sa bulsa at sinagot ang tawag. Bahagya pa itong lumayo pero sapat lang ang distansiya upang marinig niya kahit papaano ang boses nito.

"Hello Sweetheart. I can't visit you right now. I still have work to do. Maybe I can visit you this Friday. Anong gusto mong pasalubong?" he paused for a while, maybe the person on the other line was talking.

Queennie licked her lips in irritation. Parang may bumara sa lalamunan niya at may kung anong kirot siyang naramdaman sa puso niya.

How could he? He called someone sweetheart, and he was doing intimate things to her?

Nagtagis siya ng bagang at medyo lumayo ng kaunti. She didn't want to hear more of that damn conversation.

Naramdaman niya ang paglapit nito at pinatunog ang sasakyan. Mabilis siyang pumasok. Lumibot si Lutian sa kabila at sumakay na rin.

Nakatanaw lang siya sa labas ng bintana. She didn't mind having stiff neck anyway. She couldn't stand to take a glimpse of him. How dare him to play her feelings! She felt like a fool.

Nanginginig ang labi niya sa galit. How many times should she has to suffer pain for her to fully realize that he was no good for her?

Pinaandar nito ang sasakyan. Nanatili siya sa ganoong posisyon nang bigla nitong hinawakan ang nakakuyom niyang palad.

Napapiksi siya at mas lalong umalab ang naramdaman niyang galit.

"Don't touch me!" may giit sa bawat bigkas niya.

Nagulat si Lutian sa reaksiyon niya but the hell she cares!

"What's wrong with you?" he confusingly asked as he tightly gripped  the steering wheel.

"Nothing's wrong with me," matigas na sagot niya.

"But it seems like your mad, Baby-"

"The hell! Stop calling me that as if we're together!" sigaw niya at galit na tumitig sa mga mata nito. "Stop that wishful thinking. Stop acting as if you care coz I don't need it!"

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon