Kabanata 2

132K 2.2K 29
                                    

Kabanata 2

Paghihiganti


Panay ang lamon ni Queen rito sa kusina. Busy ang lahat at busy rin naman siya. Busy sa paglamon!

Nang mabusog ay napagpasyahan niyang tumulong. Kumuha siya ng damit na sinusuot ng mga maid sa kwarto ni Nana Selma. May maraming stock kasi rito.

Kumuha siya ng tray at nilagyan ng mga basong may lamang juice.

Tinungo niya ang front lawn. Iginala ang mga mata sa mga bisita. May hinahanap kasi siya.
Nang makita ang hinahanap ay kaagad siyang nagtungo sa kung saan ito nakaupo.

Nakalapit na siya pero hindi nito napansin ang pagdating niya. Binigyan muna niya ng isang basong juice ang katabi nitong matandang babae na kaibigan ni Madam Clara.

Hindi pa rin siya nililingon dahil may kausap itong lalaki na sa hula niya ay barkada nito o baka pinsan. May pagkakahawig kasi ang mga ito at hindi rin nalalayo ang edad ng dalawa.

Ilalagay na sana niya ang baso sa mesa ngunit may naisip siyang magandang ideya.

Sa halip na sa mesa ilagay ang baso ay ibinuhos niya ang malamig na juice sa mismong pantalon nito. Shoot! Tamang-tama ang pagkakabuhos niya dahil sa mismong harapan niya ito. Malamig pa naman ang juice.

Napahalakhak siya sa kanyang isipan. Ang sarap ng feeling na makahiganti. Yan ang bagay sa mga manyak!

"What the hell!" Gulat na sigaw nito ng nabuhos niya ang juice.

Kunwaring yumuko siya at humingi ng tawad. Pero palihim siyang napangiti.

"Sorry po! Hindi ko po sinasadya," kunwaring sising-sisi siya.

"Careless bitch!" Galit parin ang tono nito at kumuha ng napkin para punasan ang pantalong nabasa.

Pero inagaw niya ang napkin at siya na mismo ang nagpunas sa harap ng pantalon nito. Yumuko pa siya ng kaunti.

"Sorry po talaga. Hindi na po mauulit."

Sige parin si Queen sa pagpunas nang may maramdamang bumukol sa pantalon nito. Ang manyak talaga! Kahit na sa ganitong sitwasyon ay tinitigasan!

Hindi naman dahil probinsiyana siya ay wala na siyang alam tungkol sa sex. May sex education kaya sila noong high school, tsk.

"S-top!" Matigas na utos nito sabay hawak sa kamay niyang may hawak na napkin.

May narinig siyang mahinang tawa mula sa kaibigan nito. Tumayo siya ng maayos at napansing nakatingin ang halos lahat sa kanila.

Gusto niyang matawa sa ginawa niya pero kailangan niyang pigilan ang sarili.

"Come with me," galit na utos nito sabay waksi sa kamay niya at walang lingon na naglakad papasok sa mansiyon.

Kunwaring sumunod siya rito pero nang wala na siya sa mga mata ng bisita ay lumihis siya ng daan at mabilis na umalis sa mansiyon. Bahala bukas kung papagalitan siya ni Nana Selma.

Ang mahalaga ay naisakatuparan niya ang plano. Magiging payapa ang tulog niya ngayong gabi! 

He Who Owns Me DLC 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon