Kabanata 10
Butt
Kumasaka si Queen bigla sa yakap nito at nagmartsa paalis na walang ligong-lingon. She couldn't believe what had just happened. Nakakahiya!
He silently laughed when she walked out. Pulang-pula ang mukha nito sa inis. Napailing siya at kaagad na sinundan ito. He held her wrist to stop her from walking.
"Ano ba!" galit na sigaw nito habang pilit na bumibitaw sa hawak niya.
"Bakit ba galit na galit ka?" he amusingly asked.
"Hindi ako galit! Kaya bitiwan mo ako ngayon din!"
Hindi raw galit pero ni hindi ito makatingin sa kanya at kung makasigaw parang nakalunok ng megaphone.
"Are you angry because we didn't finish what we have started earlier?" he teasingly asked and smirked.
Now he got her attention. Napaawang ang bibig nitong nakatitig sa kanya.
"I don't mind if you want to continue. I bet we can find a private place," he leaned and whispered behind her leaf ear.
He could feel her shiver as he ran his long fingers on her arms. He smiled victoriously.
Ang sarap suntukin ng mukha ng mokong na 'to! She bit her lower lip to suppress her anger.
"Ang kapal din ng mukha mo no? Pervert!" singhal niya at tunulak ng malakas si Lutian sabay takbo palayo.
Dinig pa niya ang malutong na halakhak nito ng tumakbo siya. Kaasar talaga ang manyak na 'yon!
Nagkita sila ni Joennah sa canteen ng mag-alas doce na. Nag-aalalang tumingin ito sa kanya.
"Okay ka lang Queennie? Mukhang bad trip ka ah?" tanong nito sabay subo sa kanin at tortang talong.
"Kainis kasi ang Lutian na 'yan bigla-bigla na lang nanghaha..." natuptop niya ang bibig.
Naku muntikan na 'yon! Napakunot ng noo si Joennah.
"Si Lutian De la Cerna?"
Napatango siya.
"Bakit? Anong ginawa niya at galit na galit ka?" takang tanong nito.
"A-h, hehehe. Kalimutan mo na 'yon. Anong oras ang klase mo ngayong hapon?" pag-iiba niya sa usapan.
Napansin siguro nito na ayaw niyang pag-usapan si Lutian.
"Mamayang alas-dos pa. Ikaw?"
"Ngayong ala-una meron, Writing in the Discipline," bagot na sagot niya at sumipsip ng pineapple juice.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na siya kay Joennah.
Wala ring kwenta ang pagpasok niya dahil walang dumating na teacher. Ganito talaga pagbagong pasukan. Makauwi na nga lang!
Alas-tres ng hapon nang makauwi siya. Nagbihis muna siya bago tumuloy sa mansiyon.
"O ang aga mo yata ngayon?" bungad ni Nana Selma nang nakita siyang papasok sa kusina.
"Eh, wala pong pumasok na teacher Nana. Wala naman akong ibang gagawin sa school kaya umuwi na lang ako."
Lumapit siya sa malaking basket na may lamang mga tinapay at pitsel ng juice. Akmang kukuha siya ng isang tinapay nang tampalin ni Nana ang kanyang kamay.
"Nana naman!" nakasimangot na sambit niya habang hinihimas ang kamay na nasaktan.
"Hindi para sayo 'yan. Kung gusto mo may pagkain diyan sa ref. Ihatid mo ang mga ito sa pinyahan pagkatapos mong kumain."
BINABASA MO ANG
He Who Owns Me DLC 1
RomanceDe La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she found herself sleeping on Lutian's lap. Magkahawak pa ang kamay nila! She shifted to face him but e-rr...