WARNING: Hello po! Isinulat ko ito noong Grade 8 pa lang ako. And YES, I'm aware na sobrang daming wrong grammar and loopholes ng stories ko. I didn't edit this series in the present kasi marami pa akong obligations and responsibilities as a student. Tamad akong mag-edit talaga.
You can always drop the story or remove it from your reading list if you don't like the plot. As an amateur writer noon, hindi ko pinapansin ang mga sinusulat ko, I wrote what I want to write. 😂 Thank you!
Maraming salamat sa pagbabasa!
|This story is a work of fiction. The characters, events, places, and organizations portrayed in this story are produced by the writer's mere and deep imagination. Any similarities to the actual situations and incidents are purely and definitely coincidental. Names of characters that resembled to any living and dead persons are unintentionally written. Plagiarism is a crime and is strictly prohibited.|
__
One week after my graduation day, napunta ako sa probinsiya ng Ilocos Norte, specifically Laoag. Tumawag kasi ang pinsan ko kagabi na may emergency siya, at iyak siya nang iyak. Kaya, nandito na ako sa taxi galing sa airport, papunta sa bahay nila. Pinsan ko siya sa ina, pamangkin siya ni Mama, Phia Salcedo ang pangalan niya. Close na close kami kaya ganoon na lang ang pagkabalisa ko sa pag-iyak niya kagabi. Summer naman kaya, okay lang magbakasyon ako, pumayag naman si Papa.
Binuksan ko ang bintana ng taxi at inilabas ang paningin sa paligid. Laoag was so beautiful as ever. Ika nga nila, it's more fun in the Philippines. Ganito kaganda ang Pilipinas, like a sunset that falls into a beautiful night.
Pagdating ko sa bahay nila, humarap sa akin ang isang simpleng bahay lang, pero kongkreto ito, kulay dilaw at ang dami ng halaman sa paligid.
Napatakbo sa akin ang pinsan ko na masayang-masaya at niyakap ako. Pagkatapos, pinatuloy ako sa isang napakalinis na pamamahay, with limited space in the salas, ang kalayaan ay namamalagi sa bahay na ito. Nandoon si Tita Merced o mas kilalang Lourdes Salcedo, hindi na makapagsalita dahil sa heat stroke attack niya noong unang buwan. Binibisita nga siya ni Mama thrice a month at dinadalhan ng mga kakailanganin na pagkain, hindi kasi gaano kaganda ang pamumuhay nila rito, nag-iisa lang si Phia na anak, pinabayaan sila ng walang hiyang asawa ni Tita, pinagpalit sa iba, kaya, wala nang naghahanap buhay sa kanila, tanging si Mama na lang ang nagsusuporta sa kanilang dalawa, kaya naman ni Mama 'yun, at okay lang 'yun kay Papa, no hard feelings.
Naaawa ako kina Tita kasi hindi niya natatamasa ang buhay na mayroon ang kapatid niya who is my mother. Eh, ampon lang naman si Tita kasi ng Lola ko. Nakuha nila si Tita na noon ay kalaro ni Mama noong bata pa sila. Wala ng nag-aalaga, wala ng pamilya, kaya inampon na lang ni Lola kasi so much close sila ni Mama noong mga araw. Ngunit, hindi maiwasan na may mga bagay na gusto mo na lang kumawala sa hindi mo totoong buhay. Alam ni Tita na hindi siya totoong anak ni Lola, kaya nagrebelde siya hanggang nakapunta rito sa Ilocos. Pero, totoong anak pa rin naman ang turing ni Lola sa kanya, even she didn't want to change her last name.
Hindi na nakapagsasalita si Tita kaya nginitian ko na lang siya, at alam kong ngumingiti siya despite na nahihirapan siyang gawin iyon. Na umiiyak ako, alam niyo 'yun.
"Insan, salamat at dumating ka kaagad, hindi ko na alam ang gagawin ko kasi," nandito kami sa kusina at umiiyak siyang talaga. Tinabihan ko siya, at hinahaplos ang kanyang mga balikat.
"Bakit? Anong problema?"
"Insan, si Papa kasi nagkautang ng kalahating million sa mga Rivera dahil nagsusugal siya. Alam mo namang wala kaming pambayad, di ba? Kami ang siningil ng mga Rivera kahapon dahil tumakas si Papa at hindi na makita. Huminto na nga ako sa pag-aaral para kay Mama, insan, gusto nilang magtrabaho ako sa pamilya nila bilang kabayaran sa loob ng apat buwan, insan, dise-sais lang ako at gusto kong mag-aral, wala ring magbabantay kay Mama, insan anong gagawin ko?"
"Sino ang mga Rivera?" Ikinuwento niya na ang mga Rivera ang sikat na pamilya sa buong Ilocos Norte, gobernador ang ama, at mayor ang ina, may-ari sila ng malaking plantasyon ng niyog sa buong probinsiya, at nagmamay-ari ng isang country club. Mayaman daw ito, at iginagalang sa buong probinsiyang Ilocano.
"Insan, total, bakasyon naman, ikaw muna ang magtrabaho para sa akin at kay Mama, tatlong buwan lang naman, at ako na ang magtratrabaho sa isang buwang natitira, maghahanap ako ng scholarship at magbabantay ako kay Mama ngayon."
"Phia, huwag kang mag-aalala, hihingi ako ng tulong kay Papa, kalahating milyon, bakit ang laki?"
"Kasi, pabalik-balik kasi si Papa doon, kapag natatalo siya sa sugal ay babalik na naman siya, kaya ganoon kalaki, at, natatakot akong magtrabaho sa kanila, insan, tulungan mo naman ako. Hindi kasi sila pumayag na walang nagtratrabaho, dahil kailangan daw nila ng mga bagong katulong ngayon."
Walang karakarakang tumango ako, dahil sobrang naaawa ako sa pinsan ko.
Challenge lang to, Jenelle.
And wait? parang pamilyar sa akin yung Rivera ang last name?
.
.
.
.
Please comment if you like it.........
Para magsusulat ako nang patuloy sa next book nito....
THnks po....
Vote po ninyo.....kung nagustuhan ninyo ang story...
Kung may hindi kayo nagustuhan...pasensiya po talaga, newbie talaga ako sa pagsusulat sa wattpad...
Official Story Title: Oriento Husband Series #1: The Perfect Fake Marriage
Started: August 2016
BINABASA MO ANG
The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)
RomansaR-18. Bumagyo? Check. Sa isang kubo. Check. Nagkayapakan. Check. Nagkatabing matulog sa buong magdamag. Check na check. Jenelle Alexandra Oriento spent a night with her boss in a nipa hut with nothing happened just they slept beside each other's arm...