Chapter One

181 6 8
  • Dedicated kay Gena Ramos
                                    

Chapter One: Unexpected

"Klang! Gising na!! Ano ka ba??! Sisimulan mo ba ang taon ng ganitong ugali mo??!"

Nananaginip ba ko?? Nagbubunganga na naman ang nanay ko... Hay, pati ba naman sa panaginip ko, ganyan pa rin si Mama??

"KKLLLAAAAAAAAAAAAANNNNNGGGGG!!!!!!!!" My ears almost fall off ng marinig kong ang ubod ng lakas na sigaw ni mama sa kwarto.

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!" Sigaw ko rin.

"Ay sa wakas, nagising ka rin! Alas-siete na! Late ka na!" Si mama, sabi niya late na ko... Wala sa sariling naisip ko.

"Ay wag kang kumurap-kurap diyan Klang-klang! hindi ka nananaginip. Talagang nagbubunganga ako. At dahil iyon sayo. Papasok ka pa ba??"

"Papasok??" wala sa sarili kong tanong. Napatingin ako sa digital clock na nasa side table ko...

"6:58 a.m... ang aga pa pala mama-- ANO???! Ma naman, bakit ngayon mo lang ako ginising????? late na tuloy ako!" maktol ko.

*poink*

"Hoy, wag kang magmaktol diyan, sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na magpuyat ka kagabi ha? Alam mo namang may pasok ka kinabukasan nakipaglaro ka pa sa kuya mo." Suway naman ni mama sa akin.

Tss, nakakainis naman. Nabatukan pa ko... Dali-dali na talaga akong kumilos nun. Iyong usual kong ligo na 30 minutes kanina naging 3 minutes na! Haha, record breaking ito! Pati kain ko na inaabot ng 30 minutes, naging 1 minute lang 'ata dahil hinigop ko lang yung kape ni mama at sumubo ng isang hotdog at ayun kumaripas na ako ng takbo palabas ng bahay.

Takbo rito takbo roon ang ginawa ko. Walking distance lang naman ang bahay namin hanggang school. Pero bakit feeling ko ngayon, ang layo-layo ko pa?? Hay. Bakit ba kasi ako nakipaglaro ng XBOX kagabi kay kuya eh! Ayan tuloy ang napala ko! 

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa magulat na lang ako ng parang slow motion ay madarapa ako dahil naapakan ko iyong sintas ng rubber shoes ko....

AYYYAAN NAAAAAAA…

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para hindi ko makita kung anong kakabaksakan ko. Pero ilang segundo na akong nakapikit at naghihintay ng sakit na mararamdaman ko... Wala pa rin??? Sobrang slow motion naman ata ito. Pagdilat ko,

*BLINK-BLINK*

*BLINK-BLINK*

*BLINNK-BLINK*

"Miss, o-okay ka lang ba?? Kamusta ka? May masakit ba sayo?" tanong ng isang gwapong nilalang na nasa harap ko.

"A-ang gwapo mo naman..." wala sa sarili kong sabi. I heard him chuckle pero di pa rin ako tumitigil sa pagtitig ko sa kanya. Am I weird??

"Miss, alam mo siguro dapat itigil mo na iyang pagtitig mo sa'kin. Late na tayo at tsaka...." Napatingin naman siya sa paligid namin. Kaya pati ako ay instantly na napatingin rin.

"Pinagtitinginan nila tayo, oh?" Para akong binuhusan ng kumukulong tubig dahil sa nakita at mga naririnig ko. Super nakakahiya talaga ako!! Biruin niyo naman kasi na nakapatong ako sa ibabaw niya at iyong tipong re-rapin ko siya???? Oh Em!!! 

My Fate, Your Fate...OUR FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon