Chapter Nineteen

51 3 1
                                    

Chapter Nineteen: Looking Forward

Klarrize Buentaje's Point of View

Hay… Bukas na ang aming first ever anniversary. At gusto ko sana makasama ko siya sa napaka-espesyal na araw na iyon. Kaya lang, paano naman? Hanggang ngayon nga hindi pa rin siya nagpaparamdam. Kahit isang text o call, wala pa rin. Oo na, tama na kayo… kanina ko pa tinititigan itong phone ko. Nagbabakasakali kasi ako na baka naman may biglang mag-untog sa ulo niya at maisipan niyang tawagan ako. Pero…

10 minutes…

30 minutes…

One hour…

Three hours…

*bzzt-bzzzt* Nagising ako sa pag-vibrate ng phone ko. Agad kong inopen ito at binasa ang text message…

~From: Vance

To: Klarrize

“K, let’s go somewhere tomorrow.

I’ll pick you up sa shed, dating hintayan.

Advance Happy Anniversarry.”

Kahit papano, nakakatouch rin naman. I was relieved dahil alam ko na, na naaalala pa rin pala niya ako. Gusto ko sanang mag-formulate ng isasagot ko sa kanya pero hindi ko na nagawa. Pinapaibabawan kasi ako ng una, syempre yung saya. Pero, half of me is saying na dapat ihanda ko yung sarili ko sa mangyayari bukas.

September 26, 20**

“HAPPY ANNIVERSARRY, K! I LOVE YOU SO MUCH!”

Nagising ako sa boses na narinig ko. Kaya naman agad kong tinignan ang buong kwarto, hoping na makita kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Pero…

“HAPPY ANNIVERSARRY, K! I LOVE YOU SO MUCH!”

Alarm tone lang pala iyon ng phone ko. Naalala ko tuloy, ini-record pala iyon ni Vance noong 1st monthsarry namin. Ipinangako kasi niya na aabot kami ng isang taon. Kaya as a proof ginawa niya ito.

 -5:30 p.m-

Nandito na ako ngayon sa shed, akala ko nandito na siya… Hay, akala ko pag dumating itong araw na ito, ako na ang pinakamasayang babae dahil umabot kami ng isang taon ni Vance. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit may kung anong bumabagabag sa'kin? Bakit kinakabahan ako at pinanlalamigan ng kamay? Bakit?

Hay, I need to relax. Iisipin ko na lang muna ang mga magagandang bagay na nangyari nitong nakaraan... Naalala ko noong nakaraang araw tinanong niya ako kung saan ko gustong pumunta sa anniversary namin. Magkasama kami noon sa park, nakaupo sa isa sa mga benches doon at kumakain ng ice cream.

*FLASHBACK*

 

"Ilang araw na lang, anniversary na natin K." napatingin akong bigla kay Vance, Nagulat ako kasi aware pala siya. Akala ko kasi kahit itong anniversary namin dadaan lang.

My Fate, Your Fate...OUR FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon