Chapter Twenty Three

62 3 5
                                    

Chapter Twenty Three: He’s here

[A/N: Hi there, I dedicate this chapter to Ronnehliza! Thank you so much for the meet up yesterday (I mean last saturday)! Nag-enjoy ako nang bongga. Pasensya na ha? Nahihiya ako nung una. Haha, di ko tuloy alam kung anong sasabihin. :))) I enjoyed the company, sana maulit! God Bless! <3 Hart-hart! :***]

Klarrize Buentaje's Point of View

"Don't you ever dare to make fun of XAYROMIE PEREZ, baka pagsisihan mo." natakot ako nung una nang sinabi niya iyan. Pero kalaunan, natawa ako. Hindi ko alam kung bakit basta natawa ako saka ko siya sinagot ng...

"As if naman nakakatakot ka nga. Pffft.." halatang asar na asar siya sa'kin kasi namumula yung tenga niya. Kaya ayun, lalo pa akong natawa sa kanya.

"Hahahahaha" tawa lang ako ng tawa hanggang sa nagulat ako nang buhatin niya ko na parang isang sakong bigas.

"H-hoy! Ibaba mo nga ako." sabi ko habang pinapalo siya sa likuran. Mukha talaga akong isang sako ng bigas na buhat-buhat niya. "Hoy! Ibaba mo sabi ako!!" pinagtitinginan na kami ng mga estudyante pero parang balewala lang sa kanya dahil buhat pa rin niya ako papunta sa hindi ko alam kung saan.

"Kumakain ka ba ha?? Para kang ting-ting!!" bulyaw niya sa'kin habang patuloy lang sa paglalakad.

"Tse, huwag mo nga akong bulyawan! Katabi mo lang ako no! Tsaka, pakialam mo kung kumakain ako o hindi??! Basta ibaba mo na ko! Ang sakit na nang tiyan ko e!" reklamo ko. Pero laking gulat ko ng ibaba niya ako na parang basura. Bumagsak ang puwetan ko sa semento. Wala niya akong pakundangang binaba.

"Aray! Ano ba??! Di mo man lang inayos ang pagbaba sa'kin! Ang sakit." reklamo ko habang hinihimas ang masakit kong pang-upo.

"Dapat lang yan sayo. Pagkatapos mo akong ipahiya nung gabing yun??!" sigaw niya.

"Alin?" tanong ko, tapos parang instantly naalala ko na naman yung gabing iyon... "Hehehe, pasensya na. Peace na tayo. Di ko naman sinasadyang mainom yun. Tsaka sorry na, nabulyawan ka tuloy ni mama. Hehe" natatawa kong hingi ng sorry. Natatawa ako kapag naaalala ko yung part na iyon kasi kahit papaano hindi nagiging masakit na alaala yung araw na iyon dahil sa mga huling scenes bago ako nakatulog nun.

"Anong pasensya??Tingin mo ba, pupunta at magta-transfer ako dito sa school na 'to kung sorry mo lang ang hihingin ko??!" inis pa rin niyang sagot sa'kin.

"E, bakit ka ba kasi nandito ha? Ano pa bang kailangan mo sa'kin??" takang tanong ko naman habang tinitignan siya, hanggang sa nakita ko siyang mag smirk. "O, bakit ganyan ka makangiti??" dagdag kong tanong kasi hindi maganda ang kutob ko sa ngiti niyang iyon.

"Be my slave." usal niya.

"Ano??" tanong ko habang kinakalikot ang tenga ko. Baka kasi may naiwan akong tulili sa tenga kaya nabibingi ako.

"You heard me right. I don't need to repeat myself." cold naman niyang sabi ngunit may bakas pa rin ng smirk sa mukha. Unti-unti na tuloy akong naiinis sa mukha niya! Binabawi ko na yung sinabi kong Greek God siya. Di yun totoo! Joke lang yun! As in! Grr.

"Anong slave?? At bakit naman ako magpapaalipin sayo ha, aber?? Pinapaaral pa naman ako ng mga magulang ko! ?May pera at kinakain pa kami, kaya no way!" sagot ko at saka pinagkrus ang braso ko sa harap ko at mataray siyang tinignan.

"Be my slave o kakausapin ko ang dean na tanggalan ka ng scholarship?" banta niya

"Psh, as if naman magagawa mo nga yan." walang takot kong sagot sa kanya.

My Fate, Your Fate...OUR FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon