Chapter Twenty Four

54 3 4
                                    

Chapter Twenty Four: The Start of Something New

Klarrize Buentaje's Point of View

Punong-puno ng happy cells ang buong katawan ko pagkarinig ko ng tatlong salitang iyon mula sa kanya. Sa sobrang tuwa ko yinakap ko siya pabalik. Yinakap ko siya na para bang walang nangyari. Na para bang hindi ako nasaktan at wala akong nakita nung araw na iyon.

"I missed you too." tugon ko pagkatapos ang ilang minutong nakayakap kami sa isat-isa. Nakangiti ako kahit pa tumutulo ang mga luhang hindi ko alam kung kailan mauubos.

"Ssshh.." patahan niya sa akin at saka pinunasan ang mga luha patuloy pa rin sa pagdaloy mula mga mata ko. "Huwag ka ng umiyak, please..." pakiusap niya pero, ganun pa rin. Hindi yata ito mauubos. Sobra ko talaga siyang namiss at hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa harap ko, yakap ako at pinapatahan ako.

Vance Montague's Point of View

Ilang linggo na kaming hindi nagkikita ni Klarrize, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobra-sobra ko na siyang namimiss. Pero natatakot akong tawagan o i-text man lang siya. Natatakot akong baka sobra pa rin siyang galit sa akin ng dahil sa mga nagawa ko. Pero hindi ko na kaya iyong ganito na hindi ko siya nakikita o nakakausap man lang.

Hindi ako mapakali, nandito ako ngayon sa labas ng library. Actually, kanina ko pa siya sinusundan simula noong makita ko siya sa may dean's office malapit sa college of engineering. Hindi ko na nga nagawang pumasok sa mga klase ko dahil sinusundan ko lang siya. Hindi ko siya magawang lapitan pero gusto ko na siyang yakapin at hagkan ng sobrang higpit.

Hanggang sa dumating na lang ang mga kaibigan niya, at nandito pa rin ako sa labas. Natatakot na makita niya pero natatakot rin na lapitan siya. Till I see Xayromie wandering malapit sa kinauupuan ni Klarrize at ng mga kaibigan niya. Naghahanap ng kung anong libro sa mga shelves pero pasulyap-sulyap ng tingin kay Klarrize. Nagtaka ako kung bakit siya nandito sa Xavier ngayong alam ko namang sa Ateneo siya nag-aaral.

Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan siya. It wasn't a gentel way I know, dahil hinatak ko lang siya bigla at tinakas mula sa mga kaibigan niya. But I can't help it! Hawak ko ang kamay niya habang tumatakbo kami papalayo. But the time na napagod na ako kakatakbo was the time when I just hugged her, hugged her real tight because I'm afraid that I'll be losing her again.

"I missed you..." di ko napigilang hindi sabihin sa kanya. Naghintay ako ng mga salitang sasabihin niya hanggang sa maramdaman ko na lang na niyayakap niya na rin ako pabalik at saka sinabing...

"I missed you too..." sagot niya kasabay ng pagdaloy ng mga luhang alam kong ako ang sanhi. Naiinis ako sa sarili ko. Nagagalit ako sa sarili ko, dahil pinaiiyak ko siya at sinasaktan. Alam kong dapat hindi ko iyon ginawa pero wala e, ang tanga ko lang talaga.

"Sssshh... Huwag ka ng umiyak, please." pakiusap ko pero wlang katapusan ang mga luhang dumadaloy mula sa mga mata niya. Lalo akong nakaramdam ng galit at muhi sa sarili ko. Paano ko ito nagawa sa kanya? Paano ko siya nagawang saktan ng ganito?

"Public Display of Affection, huh?" narinig ko mula sa di kalayuan. Kilala ko ang boses na iyon, kilalang-kilala.  Na kahit hindi ko na tignan kung sino ang nagsalita ay alam kong siya iyon, Xayromie...

Klarrize Buentaje's Point of View

Pareho kaming nagitla ng marinig namin ang boses na iyon. Agad akong napatingin sa pinanggalingan nito at nakita roon si Xayromie. Cool na cool lang na nakatayo habang yung isa ear set ay nakaplug sa tenga niya samantalang iyong isa ay nakalaylay lang. Nagsmirk siya ng tinignan niya si Vance. May bahid ng galit ang mga mata nito at alam kong dahil iyon sa mga nangyari.

My Fate, Your Fate...OUR FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon