Chapter Thirty Five: “Never leave my side”
Klarrize Buentaje’s Point of View
Nakakainis! Nakakainis talaga!! Ang aga-aga sinisira niya yung araw ko! Ano ang problema niya? Pero teka, bakit nga ba kasi ako napadpad sa likod ng school early this morning? Ang alam ko kasi pumunta lang ako doon para tignan iyong sinasabi ni Mr.Flores kahapon na painting sa wall ng abandoned library. Nagpapasama nga ako kay Rex pero ayaw naman niya dahil creepy raw itong lugar na ‘to. That’s why I went all by myself. Hindi ko naman inaassahan na madaratnan ko ang lalaking ‘yun dito and worst kausap pa niya ang sarili niya!
I thought okay na kaming dalawa since nag last naman yung araw kahapon ng hindi kami nagbabangayan na dalawa but I was wrong! Nagulat talaga ako nang magmura siya, mabuti sana kung random curses lang iyon. But it wasn’t. He cursed right into my face at sinabi pa niyang ayaw niyang makita ang mukha ko! Ghad, what did I even do to make him that mad at me?? Sa pagkakaalam ko I was being nice to him lalo na’t nasa mood ako.
Nakarating ako sa classroom wearing my irritated face. Napansin yata ng mga classmates ko na masama ang aura na bumabalot sa akin kaya kahit ‘good mornings’ ay wala akong natanggap. Sinalubong naman ako ni Rex ng nakakaasar na ngiti. Kaya naman bago pa siya mang-asar ay inunahan ko na siya.
“Tease me and I’ll punch you hard in the face. Behave and I’ll be a good partner sa swimming class.” And that shut him up, thank God.
Yes, our subject for this whole day. Exaggerated ba? I mean from 7 in the morning till 12 noon is P.E worst is swimming class kami ngayon. Okay lang sa’kin kung theoretical lessons lang about swimming. But itong practical?? Baka malunod ako at hindi masunod ang mga naiperfect kong exam about this class.
“Anong nangyari diyan at mukha yatang nakabusangot ang mukha?” narinig kong tanong ng kararating lang na si Shayne kay Rex.
“Ewan ko ba diyan. She just came back from the abandoned library tapos ganyan na kainit ang ulo.” He paused “Oh my god!” bigla namang niyang sbai na tila may naalala. “Hindi kaya sinapian siya ng kung anong espirito?” he stated and Shayne just reacted this way.
“You and your out of this world mind.”
“Would you stop talking about me like I wasn’t here?” sarkastiko kong tanong. Umaandar na naman ang katarayan mode ko. Bwisit kasi itong Xayromie na ‘to e!
“Chill,” tatawa-tawang sabi sa’kin ni Shayne. Tatanungin ko sana siya kung paano ako kakalma kaya lang parang nasagot ang tanong ko ng dumating ang lalaking iyon sa room. Ibig sabihin lang ay hindi ako makakalma.
Pumasok siya with this very dark aura enveloping him. Parang kahit na sinong magtangka na kausapin siya ay may kakalagyan agad. Rex who was always been so cheerful whenever he is around also shut his mouth. Mukhang napuna rin niya ang mood ng lalaking yan. Well kung galit siya, galit din ako! Psh!
Maya-maya pa ay nag-ring na ang bell. Hudyat na kailangan na naming pumunta sa locker room para makapagpalit. Sa klaseng ito, hindi lang ang block naming ang tuturuan ni Mr. Guevarra. May mga kasama rin kami from different courses. Kaya naman tuwang-tuwa talaga si Rex kanina dahil sigurado raw na marami siyang makikitang papables.
Agad akong hinila ni Shayne papunta sa locker room na ikinagulat ko naman dahil naghahalungkat pa ako ng mga gamit sa bag ko. Wala na tuloy akong nagawa kundi dalhin ang bag ko. Doon ko na lang sa locker itatago mamaya. Pagkarating naming, Shayne immediately change her outfit sa shower room. Bumagay nga sa kanya ang suot niyang pink spandex short at spandex shirt. Nakalugay pa rin ang maikli at straight niyang buhok.
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
RomanceAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...