Chapter Three: Friend
Nakipaglaro ako buong magdamag kay kuya ng XBOX, pilit ko siyang tinatalo kaya lang magaling talaga ang mga bata niya e! Nakakainis, ayaw kong magpatalo kagabi kay Derrick Rose kaya lang sa huli ako pa rin at si Lebron James ang natalo. Wala kasi ako sa tamang pag-iisip e. Sa tuwing pipikit ako makikita ko na lang bigla iyong mukha ni Montague na malapad na naka-ngiti sa akin. Kaya ayun, nadi-distract talaga ako.
Napatingin ako sa digital clock na nasa side table ko...
*4:48*
Napaka-aga pa pero heto ako at mulat na mulat. Ano kaya ang ginawa sa'kin ng Montague na 'yun at ganito ang epekto niya sa'kin?? Mag-iisang linggo na rin nung huli akong minalas ng dahil sa kanya... Well, minamalas pa rin naman ako ngayon, pero atleast hindi na katulad ng dati na lagi na lang ako nadarapa o nadudulas. Ngayon iba na e, nauuntog na. Kung saan? Sa mga poste lang naman, lagi kasi akong tulala.
Dahil wala naman na akong magagawa dahil ayaw na talagang pumikit uli ng mga mata ko, nagpasya na lang akong gawin na ang mga seremonyas ko bago pumasok. Nang matapos kong maisuot ang uniform ko, isinuot ko naman iyong jogging pants at rubber shoes ko. pagkatapos ay iyong salamin ko naman. Inirolyo ko naman yung buhok ko na para akong isang chinese character dahil may buns ako sa ulo. Nang makita kong ready na ako, napansin ko naman iyong nakalaylay sa bag ko.
I.D ko pala. Siya nga pala, nasa akin na ulit ang I.D ko, ibinalik sa'kin ni Montague nung nakaraan. Naihulog ko pala dahil sa pagkataranta ko nung una kaming magkita. Aish, ayan na naman...
*LUB.DUB.LUB.DUB*
"Bakit ka ba tumitibok ng ganyan ha, puso ko??? Para kang nagwawala kapag naaalala ko si Montague, e! Nawi-wirdohan na ako sayo!! "
Sabi ko habang naglalakad papasok. Nang makarating ako sa school, wala pa si manong guard kaya naman dire-diretso na lang akong pumasok. Sarado pa ang mga rooms kaya naman nagpasya akong tumambay na lang muna sa Math Garden. Tutal naman, madalang lang ang mga estudyanteng dumadaan rito e. Ipinilig ko ang ulo ko at saka pumikit.
Mga ilang minuto na rin akong ganito at sobrang narerelax ang buong katawan ko. Hinintay ko lang na magdatingan na yung ibang mga estudyante pati na rin si manong guard para maka-akyat na ako. Pero hindi ko pala namalayang nakatulog ako. Nagising ako sa malakas na tili ng mga babae sa hindi kalayuan. Muntik tuloy akong mahulog sa bench na kinauupuan ko.
"Eeeeeeeeee!! Si Vance, nakita mo ba yun best??! N-nginitian niya ako!!! WAAAHHH" Ay? Mag-hysterical daw ba?? Psh, nginitian lang e. Sabi ko at saka umupo muli sa upuan ko. Ang o-o.a ng mga estudyante rito ano?
Nag-umpisa naman na ang klase, awa ni Lord wala naman ng nagtititiling mga haliparot dahil kay Montague nung mga sumunod na oras. Nang matapos ang morning classes namin, uuwi na sana ako para kumain kaya lang nagulat naman ako nang bigla akong ipatawag ni Mrs. Chavez sa office niya dahil may mahalaga raw siyang sasabihin sa'kin. Mukhang sobrang importante ng sasabihin sa'kin ni Ma'am kaya pumunta talaga ako. Pagdating ko...
"Take a seat Ms. Buentaje." una niyang sinabi sa'kin.
"S-salamat po Ma'am. Ah, Ma'am bakit po pala niny--" Hindi ko natapos ang sinasabi ko ng bigla uli siyang magsalita. At ang mga sinabi niya ang naging sanhi kung bakit parang babagsak ang mga luha ko anumang oras ngayon...
"Ms. Buentaje, noon ko pa sinabi sayo na kailangan mong bawiin ang mga na-miss mong quizzes, tests, at mga homeworks. Sinabi ko na iyon sa'yo pagka-recover mo pa lang hindi ba?"
"O-op--" hindi ko na naman natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita na siya uli.
"Sinabi ko rin sayo na kapag hindi mo nabawi lahat ng iyon pwede kang bumagsak sa grading period na ito. Pero anong nangyayari Ms. Buentaje? Mababa pa rin ang mga grades mo, lalong-lalo na sa subject mo sa'kin. Hindi ka nakikipag-participate sa mga classmates mo. At itong pag-susuot mo ng jogging pants at school uniform ng sabay... Hindi ba't sinabi ko na sayo na hindi mo na yan maaaring gawin dahil dalaga ka na at pangit ng tingnan??" Direstong sabi sa akin ni Mrs. Chavez.
"Kaya lang sa tingin ko hindi ka nakikinig sa akin Ms. Buentaje. Binalaan na kita hindi ba? Hindi por que kapatid mo ang valedictorian namin noong isang taon ay makakatanggap ka na ng special treatment. Aba Ms. Buentaje! Kailangan mong pag-sumikapan lahat ng grades na ibibigay namin. Mahiya ka naman, yung kuya mo sobrang talino. Ni minsan hindi ko siya nakitaan ng pagkatamad sa pag-aaral."
"Huling chance na ito Ms. Buentaje, kapag hindi mo pa naipasa ang lahat ng requirements mo this next periodical period... pasensyahan tayo pero kailangan mong ulitin ang taong ito."
Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko lahat ng sinabi sa'kin ni Mrs. Chavez kanina sa office niya. Hindi ko napigilang hindi umiyak dahil lahat naman ng sinabi niya sa'kin ay totoo. Hindi na ako pumasok sa sumunod na mga klase ko, sa halip ay pumunta na lang ako sa tree house sa likod ng school. Wala ng pumupunta rito dahil may nababalitang may nag-mumulto dito. Kaya naman alam kong mapapag-isa ako.
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa maubos ang mga luha ko. Kaya lang parang wala yatang katapusan dahil kahit pinipigilan ko na, may lumalabas pa ring luha mula sa mga mata ko. Nang mapagod ako, hindi ko namalayang nakatulog pala ako...
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nagulat ako ng makita ko ang isang pamilyar na mukha... Ilang inches lang ang layo nito sa'kin, at kahit na alam kong pag nagkamali ako ng galaw ay maaaring maglapat ang mga labi namin... hindi ko pa rin mapigilang hindi mapatitig sa mga mata niya.
"Mabuti naman at gising ka na." Nakangiti niyang sabi sa'kin. Kahit papaano, parang nawala ang bigat sa dibdib ko ng dahil sa ngiti niyang 'yun.
"Ah, nakatulog pala ako." Sabi ko, at saka dahan-dahang umupo.
"Kamusta ka? Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong niya.
"O-oo naman, O-okay lang ako!" pilit kong sabi sa tonong masigla.
"Nakita kita kanina..." panimula niya.
"Nakita kitang umiiyak at tumatakbo papunta rito. Naisip kong sundan ka dahil hindi naman papunta sa building natin yung nilikuan mo." Sabi niya at saka iniiwas ang tingin.
"Alam mo ba, ngayon lang kita nakitang umiiyak. Sa loob kasi ng dalawang taon na kaklase kita, parati kitang nakiktang malakas at masayahin kahit pa wala ka namang mga kaibigan. Kaya nga... Nalulungkot ako."
"Na-nalulungkot?" Nagtatakang tanong ko.
"Hm…” usal niya at saka tumango. “Nalulungkot ako kasi, idol kita e. Hanga ako sa'yo dahil malakas at matapang kang babae. Pero nang makita kita kaninang umiiyak at tumatakbo palayo... " Huminto siya sa pagsasalita at tumingin ng diretso sa'kin.
"Kung anuman iyang problema mo, nandito lang ako ha? After all, idol kita at...”
.
.
.
"kaibigan... Nandito lang ako, magsabi ka lang." sabi niya at saka ngumiti ng pagkatamis.
“Don't walk behind me; I may not lead. Don't walk in front of me; I may not follow. Just walk beside me and be my friend.”
― Albert Camus
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
RomanceAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...