Chapter Thirty Three: Race
Klarrize Buentaje’s Point of View
Never did I imagine that a freshman high school student girl is planning on courting this cold, stupid and diabolical guy named Xayromie Perez. It’s just that, wow! Ganoon ba talaga siya ka-gwapo sa paningin nila?
Nandito na kami ngayon sa huling klase naming ngayong araw. Pagkatapos ng insidenteng iyon with that cute little girl at the canteen ay di na nag-atubili pa sila Rex at Shayne na magtagal doon. Hindi ko naman kasi masagot ‘yung tanong niya. I mean, Xayromie and I weren’t in that romantic relationship that she thinks we are in. This is just a deal na hindi ko pinag-isipang pasukin kaya heto ako ngayon, trap.
“Hey, ‘wag mo nang isipin yung bata kanina. Hindi naman siguro balakid yun sa relasyon niyo ni Xayromie ‘di ba?” narinig kong pakikisimpatya ng isa sa mga blockmates ko na naroon din kanina sa canteen.
“Ah.. eh?” wala akong masagot. Hindi naman kasi ako apektado sa nangyari na ‘yun. It doesn’t really matter if that freshman has a crush on him. I mean, it’s his problem and not mine, right?”
Kanina pa nila ako pinagkukumpulan dito sa classroom simula nung dumating kami. Para tuloy akong naka-upo sa hot seat ng isang showbiz talk show dahil ang dami nilang tanong about how Xayromie and I got this close. At yung dalawa kong kaibigan? Hayun, at pinagtatawanan ako. Ang tanging iniisip ko lang na makakatulong sa’kin sa sitwasyon ko ngayon ay ang professor naming na si Mr. Flores. Kaya nga lang, hindi pa siya dumarating.
Patuloy lang sa pagbato ng mga tanong ang mga blockmates ko sa’kin not until we heard that familiar voice. Lahat kami napatingin sa pinto kung saan siya pumasok. Pero, parang wala naman siyang pakialam dahil nagdire-diretso lamang rin siya sa pagpasok at in-ignore ang mga nakakailang na tingin.
“What’s with the stares?” unang mga salitang lumabas sa bibig niya matapos niya akong tabihan. Yeah, nandito siya sa vacant seat sa tabi ko naupo. Wala naming nangahas na sumagot sa kaniya dahil kilala nga siya sa pagiging mainitin ang ulo at suplado.
Ganoon lang ang ginawa niya pero nanahimik na ang mga kaklase namin at umupo sa kani-kanilang mga upuan. Kahit sina Shayne at Rex na tila kinikilig sa nakikita nila ay napatahimik rin ng marinig si Xayromie.
“Have you seen the pictures?” narinig kong sabi niya, and at that moment alam kong ako ang kinakausap niya kaya sumagot ako.
“The heck, yes. Kahit saan nga yata ako pumunta mayroong nakakalat na picture natin.” Naiinis na tono kong bulong sa kaniya. Nakita ko naman siyang nag smirk lang bilang sagot sa akin. Sa sobrang inis ko ay tumayo ako, kinuha ang kamay niya at saka kinaladkad siya palabas ng room. Halatang nagulat ang mga nasa room sa ginawa ko pero hindi ko na iyon pinansin.
Nang mapansin kong walang masyadong tao sa dulo ng corridor ay doon na ako huminto at saka nagsalita. Nakangiti pa rin siya na parang nababaliw at tila nagugustuhan kung ano man ang mga nangyayari…
“Anong ningingiti-ngiti mo diyan?? ‘Di ka ba naiilang?? They’re making stupid gossips about us. Kahit nga high school students ng school na ‘to alam ang scene na ginawa mo last Friday dahil sa mga pictures na ‘yun.” Irritable kong wika at saka siya tiim na tinignan.
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
RomanceAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...