Chapter Thirty Nine

69 3 11
                                    

Chapter Thirty Nine: "Partners in Crime"


Xayromie Clyde Lee Perez's Point of View

            Its past ten already but here we are, parang walang balak na umuwi. She's still talking to her, like she's making up for the past eight years na wala siya at hindi kasama ito.

"Clyde, halika dali! Ipapakilala kita sa best friend ko." Nakangiti niyang sambit. Lumapit naman ako sa kinaroroonan niya at lumuhod rin sa puntod ng sinasabi niyang best friend.

"Say, hi. Ano ka ba naman Clyde. Hanggang dito ba naman bastos ka pa rin?" Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras dahil sa mga salitang narinig ko mula sa kanya.

"Hehe, peace!!" sabi niya habang naka peace sign sa akin.

"Klarrize, this is Xayromie Clyde Lee Perez. Ang haba ng pangalan niya ano? Pero don't worry 'yung Lee kasi ang middle name niya. I just feel like stating it kasi ang cute pakinggan." I heard her say sa tonong nagku-kuwento.

"Ano ko siya? Hmm, ano nga ba?" She wonders... "Huy Clyde, ikaw nga ang sumagot. Ano nga ba kita? Friends ba tayo?" Tanong niya.

"No." I answered while one of my brows are arching.

"Enemies?"

"No."

"E, ano tayo? Sabi mo hindi kita kaibigan at hindi rin kita kaaway. E ano ako sayo? Ano tayo?" Tsk, ang daming tanong ng babaeng 'to. But now that she thinks of it, what are we really? Who is she to me? And what am I to her? Silence filled the air between us and I use it to think and search for answers.

"What?" she asked when she saw me looking at her.

"We are..." I paused in suspense.

"What??" tila nagmamadali niyang tanong.

"Partners in crime." I stated smiling.

Princess Klarrizelle Buentaje's Point of View

"Partners in crime." He stated smiling. Pang ilang beses ko pa lang ba siyang nakitang ngumiti? Pero bagay sa kanya. It's like he's opening some hole for me to see something beyond him.

"You're smiling." I stated as a matter-of-factly tone as I point his face using my mere finger. Agad na napawi yung ngiti sa mukha niya at napalitan ng oh-so-famous-poker-face. Napasimangot tuloy ako.

"We need to go now, hinahanap ka na ng kuya mo." Narinig kong sabi niya kaya agad rin akong nagpaalam kay Klarrize.

Matapos iyon ay lumabas na kami sa musileyo at lumakad papalabas ng sementeryo. Hindi naman ganoon kalamig dahil October pa lang. Pero hindi ko maiwasang hindi manlamig at matakot lalo na't ngayon ko lang narealize kung gaano kadilim at nakakatakot kung nasaan kami ni Clyde. Tinatayuan ako ng balahibo sa braso at hindi ko alam kung bakit. Klarrize, natatakot ka ba sa kinaroroonan mo ngayon? Kasi ako rin e. Natatakot ako... I-guide mo ko ha? Wag mo kong iwan. Alam ko angel ka na ngayon. Dito ka lang sa tabi ko ha? Natatakot ako pero tatapangan ko ang—

"Bakit ba ang tagal mo lumakad??"

"Anak ka naman talaga ng pangit!!" gulat na sambit ko, halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko dahil sa magkahalong gulat at takot.

"Ako? Anak ng pangit??" tanong naman nitong nasa harap ko habang turo-turo ang mukha niya. Hindi ko tuloy mapigilang hindi ngumiti.

"Why are you smiling??" tila naiinis niyang tanong.

My Fate, Your Fate...OUR FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon