Chapter Two: Sparks
Pagkatapos ng insidente na iyon kasama si Mr. Stranger na gwapo, napag-alaman kong siya pala si Vance Montague. Ang isa sa mga pinaka-sikat at tinuturing na prince ng buong campus. Bakit? Gwapo siya. Yep, at hindi ako kumokontra doon dahil halos mag-drool ako sa harap niya noong una ko siyang makita. Remember yung accident na nangyari sa'kin kahapon? Second ay dahil sa isa siyang mayaman. Pangatlo, matalino siya. Yep, totoong matalino siya kaya nakapasok siya sa section namin. Psh, hindi katulad ko... Nakapasok lang ako dito dahil sa tulong ng kuya kong nag-graduate dito. Valedictorian kasi si kuya rito e, kaya naman ine-expect rin nila na kagaya ako ni kuya.
Hmm, ano pa ba? Ah, basta! Marami pang kasunod sa mga description na iyon kung bakit siya sikat. Iyong tatlo pa lang talaga ang pinakasumang-ayon ako kung bakit. Haha, so ayun. Kung nagtataka kayo kung paano ako nakapag-lunch kahapon, sinagip lang naman ako ni Vance Montague. Siya kasi ang sumagot ng problem na nasa board. At para hindi madagdagan ang kahihiyan ko buong umaga, binigay niya ng palihim sa'kin iyong scrap paper kung saan nandoon yung solution at answer na siya mismo ang may gawa.
Haay, buhay... Ano ba'ng nangyari sa paninimula ng taon ko? Natatakot tuloy ako... bakit? Kasi sabi ni mama, kung paano mo raw sinimulan ang taon mo, ganun din ito magtatapos. Grr! Kung ganun, dahil nasimulan kong puro kapalpakan ang taon ko... ganun din magtatapos ito??? Waaah! ayaw ko!! Ayaw kong puro disaster ang mangyari sa taong ito!!
*BLAG*
*poink-poink-poink* (HAHA XD pasensya na kayo sa sound effects)
"Kyaah! Nakakainis naman talaga oh!!! Kasasabi ko pa lang na puro disaster ang nangyayari sa'kin, nadagdagan pa ng isa! Seeeesh! Ang sakit ng puwet ko!"
Ikaw ba naman mahulog sa hagdan dahil sa pagde-day dream di ba? Kainis talaga! Mya-maya natigil ang pagkausap ko sa sarili ko ng may marinig akong tumatawa sa likuran ko. Paglingon ko, nagulat ako ng makita ko si Vance. Oo, si Vance Montague... Hay. Ano kayang tinatawa nito? Ngayon lang ba siya nakakita ng nadulas at nahulog sa hagdan??
"Anong tinatawa-tawa mo diyan??" Mataray kong tanong sa kanya.
"Haha, ikaw kasi e. Kahapon ka pa puro kapalpakan. Hahaha." Ay? Feeling close agad 'tong si Montague sa'kin ha?? At OUCH! Ang sakit 'nun ah? Ipamukha raw ba sa'kin na puro ako kapalpakan mula kahapon???
"Psh! Maiwan na kita diyan, laugh your throat out!" Sabi ko at magwo-walk out na sana kaya lang...
"Aaah!" Nadulas na naman ako. "Seeesh! Bad trip talaga, oh!" Sabi ko at saka humarap kay Montague.
"Siguro may balat ka sa pwet kaya ako minamalas, tuwing nakakasalubong o nakikita kasi kita, laging may hindi magandang nangyayari sa'kin e!" Naiinis kong sabi. Kaya lang nagulat naman ako nang bigla siyang mapunta sa harap ko at maglahad ng kamay. Nang tingnan ko siya, nakangiti siyang nakatingin sa'kin. Walang bakas ng pagka-inis o anuman dahil sa pagtataray ko kanina.
*LUB.DUB.LUB.DUB*
Napahawak akong bigla sa left chest ko, dinama ko ang pagtibok ng puso ko... Sobrang bilis, ano ba itong nararamdaman ko?
"Tulungan na kita." Nakangiting sabi ni Montague sa'kin at saka kinuha ang kamay ko para tulungan akong tumayo.
Nakaramdam ako ng parang nakakakiliting kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng hawakan ni Montague ang kamay ko. Hindi ko alam kung paano nangyari yun. Basta naramdaman ko na lang... Haay. Ano ba ito?
*LUB.DUB.LUB.DUB*
"S-salamat." Matipid kong sabi at saka lumakad. Ayaw ko ng tumakbo o ano, baka kasi may mangyari na namang kamalasan sa'kin e.
"Bye-bye, see you tomorrow!" Lumingon ako, at nakita ko si Montague na malapad na naka-ngiti at kumakaway sa'kin. Sa sobrang pagkamangha ko dahil sa kagwapuhan niya...
*BAM!!!*
"Ouch! Sh*t!"
"Pa-pasensya na!!!" Sabi ko sa lalaking nakabunggo ko dahil hindi ako naka-tingin sa dinadaanan ko. Pesteng Montague kasi yan oh!
Hindi ko na nagawang tingnan pa iyong lalaki, basta tumakbo na lang ako palayo. Nakakahiya talaga ako, nagiging disaster prone ako kapag nandiyan si Montague e! Hindi ko alam na tinangay na pala ako ng mga paa ko sa bahay namin. Umupo lang ako sa couch namin at dinama ulit ang pagtibok ng puso ko.
Hay... Kanina, ano ba iyong naramdaman ko?? Kuryente??? At saka bakit tumibok ng ganun itong puso ko???? Oh em!!! Teka-teka, baka naman kinakabahan lang ako kaya ganun?? P-pero, hindi rin e--
"Hoooy!"
"AY ANAK NG TINAPAKANG KALABASA!!" gulat kong sabi
"Ano ba'ng iniisip mo at kanina pa kita kinakausap e hindi ka manlang sumasagot?" tanong ni kuya na may curious look sa mukha.
"Hmm.. wala naman. Iniisip ko lang kung matatalo na ba kita mamaya sa NBA!" Natatawa kong sagot sa kanya.
"Sus! Asa ka pa!" Sabi ni kuya saka ipinulupot yung braso niya sa leeg ko at nagkukunwaring sasakalin ako.
From a little spark may burst a flame. –Dante Alighieri
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
RomanceAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...