Chapter Nine: Mutual understanding
Klarrize Buentajes Point of View
Ilang linggo na ang nakalipas noong makatext ko si Mont--este si Vance. Hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan ang himig ng boses niya habang kinakanta ang sikat na kanta ni Aiza Seguera. Sa tuwing maaalala ko iyon, pakiramdam ko lahat ng dugo sa katawan ko umaakyat sa mukha ko. Lalo na noong sabihan niya ako ng 'I love you' bago niya ibaba ang telepono. Hiyang-hiya nga ako nung dumating yung kinabukasan ng araw na iyon dahil hindi ko maitago na kinilig ako sa ginawa niyang iyon.
Siya nga pala! Naging maganda ang resulta ng exams ko, kaya naman tuwang tuwa si Mrs. Chavez. Sinabi pa nga niya sa'kin na 'kailangan pala tinatakot kita para mag-aral kang mabuti'. Natatawa na lang ako ngayon sa tuwing naaalala kong iniyakan ko ang sinabing threat ni Ma'am noon. Pero at the same time, nagpapasalamat ako. Kasi kung hindi dahil doon, hindi ko magiging close si Montague, at hindi rin siguro ako magsusumikap ngayon sa pag-aaral.
Mabilis na lumipas ang mga araw, mahigit dalawang linggo na rin ang nakalipas. Sa susunod na linggo Valentines na. Hay, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagkagusto sa akin si Vance. I mean, this was once a dream that I thought hindi magkakatotoo. Pero heto siya ngayon sa harap ko, iniinvite akong maging date niya sa Prom slash Valentine's day...
"K? Ah, ano... If hindi mo ko gustong maging date that night... I-it's okay. Hindi mo ko kailangan sagutin ng oo." Papaalis na sana siya ngayon pero bigla kong hinigit ang laylayan ng polo niya. Nandito kami ngayon sa roof top. Walang tao rito kundi kami lang dalawa.
Napatingin sa'kin si Vance, nakita ko ang kaba sa mga mata niya ganoon na rin ang lungkot ng hindi ako kumibo sa tanong niya. Ang totoo niyan, hindi ko naman inaasahan na ako ang iimbitahin niya ngayon. May mga tsismis na kasing kumakalat na yung sikat na cheer leader ng school ang date niya e. Medyo nalungkot ako, oo. Pero okay lang kasi wala rin naman akong balak na um-attend e. I mean, isa iyong party kung saan kailangan mong makipag-socialize sa ibang tao. And me being there I think, isn't a good a idea.
"K?"
"Hm... V-Vance." tumingin ako sa mga mata niya. Kinakabahan ako..
"A-ano yun?"
"P-Pwede ba'ng... p-pag-isipan ko muna?? K-kasi alam mo... ano e-" Naputol ang sinasabi ko ng bigla niya akong yakapin.
"Oo naman, pag-isipan mo muna. Sabihin mo na lang sa akin tatlong araw bago ang Prom kung ano ang sagot mo!" Sabi niya at saka humiwalay sa pagkakayakap niya sa'kin. Kitang-kita ko ang ngiti niya na parang sinagot ko siya ng 'oo'.
After ng pag-uusap naming iyon sa roof top kanina, hindi na ako mapakali ngayon sa bahay. Kinakabahan kasi ako, tumingin ako sa salamin.
"Seesh! Ako? Si Klarrize Buentaje, magsusuot ng gown at makikisalamuha sa gabing iyon????" sabi ko. Tinignan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa.
"Ang pangit ko, paano kung hindi ako magustuhan ni Vance sa gabing yun??? Paano kung mapahiya ko lang siya??? Sikat pa naman siya sa campus! Haay..."
"Para kang sira diyan, Klang-klang! Sino naman ang nagsabing pangit ang bunso namin???" Si kuya pala...
"Hmp! Totoo naman e. Tignan mo nga ako kuya??? Ang dami kong pimples, naka-nerdy glasses pa ko kahit hindi naman ako nerd. Tapos, ang pangit ko maglakad. Hindi rin ako marunong magsuot ng mga damit na hapit sa katawan. Lalo na ang magsuot ng heels! Nakakahiya lang kung o-oo ako kay Vance." Sabi ko at pabagsak na dumapa sa kama.
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
RomanceAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...