Chapter Nine.2

68 4 7
                                    

Chapter Nine.2: Mutual understanding

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya na tinanguan ko.

After ng lunch ko with Montague, hindi pumasok ang susunod naming teacher kaya naman nagsayang muli ang aking mga kaklase. Ako? gusto ko sana matulog pero, nakita ko naman itong libro kanina sa desk ni Montague at pinahiram niya sa'kin. Kaya siguro yun na lang ang gagawin ko... Magbabasa. Kaya lang wala pa akong tatlong minutong nagbabasa nang...

"Oh em gee! May nagyaya na sayo, girl???? Mabuti ka pa! Samantalang ako mukhang magiging flower wall sa Prom!! huhu~" iyak ng isa kong kaklase. Nasa hallway na sila ng lagay na 'yan, pero heto at dinig na dinig ko kung ano ang pinag-uusapan nila.

Maya-maya nagulat ako ng magtilian ang mga estudyanteng nasa corridor. Agad naman akong napatingin doon.  Si Montague lang pala. Hay, hindi na ako nasanay sa tilian nila. Tumigil doon si Montague ng nagtanong ang chismosa kong kaklase.

"Hm, Fafa Vance... May date ka na ba sa prom??" Mapang-akit at naglalaway niyang tanong. Psh, akin na kaya siya sa Prom! Kaya wag ka nang magtangkang angkinin! Hmp!

"Ah, iyon ba?" Umpisa niya at saka nag-flash ng napakatamis na ngiti. "Meron na." Sabi niyang ikinagulat ko. Actually hindi naman yung sagot niya ang gumulat sa akin kundi ang tingin niya. Pagkasabi kasi niya nun ay tumingin siya sa akin! Whoa!!! Malulusaw ako! Teka!!! Alam na ba niya ang sagot ko? Hindi pa naman ah?? Wala pa akong sinasabi sa kanya!!!

Mabilis na lumipas ang oras, hindi ko namalayan na tapos na ang klase at uwian na pala namin. Dumating naman on time si Ate Sheena. Tama nga yung sinabi ni kuya. Susunduin nga niya ako.

"Hi Klarrize, get inside na!" Sabi ni Ate Sheena. Dala niya kasi yung kotse niya.

"Ate, saan po tayo pupunta??" nagtatakang tanong ko.

"Basta, ka-kailanganin mo ito sa Friday."

"Huh? Sa Prom po??" Tumango lang siya. At nagpatuloy sa pagda-drive. Maya-maya, huminto kami sa tapat ng isang salon.

"Ate... A-ano pong gagawin natin diyan?" Tanong ko. Pero sa halip na sagutin ako, ay bumaba siya ng sasakyan at hinatak ako palabas. Mukhang alam na niyang hindi ako mapipilit ng salita kaya ginamitan na niya ako ng dahas.

Pagpasok namin ng salon, sumalubong sa amin ang mga baklang naglalakihan ang mga katawan pero nakadamit pambabae. Ntatawa ako sa hitsura nila pero pinipigilan ko.

"Gusto kong i-hot oil niyo ang hair niya. I-manicure at Pedicure niyo rin siya. Paki-foot spa and massage niyo na rin. Okay??"

"Gotcha, mother dear!" Sagot ng isang bakla.

"Okay! So, pano Klarrize. Doon na muna ako sa taas. Magpapa-perm kasi ako e. See yah later!" With that ay umalis na siya ng tuluyan. Yung tatlong bakla naman, tinitignan ako.

"B-bakit??"Tanong ko.

"Halika na dito hija, umupo ka na." Sabi ni bakla number one.

"Sige, i-re-ready ko na yung mga gagamitin sa manicure and pedicure." -bakla number two.

"Sige! Ako naman sa foot spa!" -bakla number three. Oh em gee... Para nila akong pagtutulungan.

My Fate, Your Fate...OUR FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon