Chapter Five

84 5 7
                                    

ShaylieloveTerrence’s

“MY FATE, YOUR FATE… OUR FATE”

Novel

Chapter Five: Red face

Halos mag tatatlong araw na rin nung simulan ni Montague na turuan ako. At hanggang ngayon naiilang pa rin ako. Paano ba naman kasi, simula nung makita niya kong umiiyak nung araw na iyon. Hindi na niya ako nilubayan. Lagi na siyang nakabuntot sa'kin, ayan tuloy at nagiging usapan na ako sa campus.

Kesyo, bakit raw yung nerd na gaya ko ay pinapansin ni Montague?! Psh, bakit??? Aba! Yung ayos ko lang naman yung mukhang nerd, no! Pero yung utak ko, hindi. As in a big NO, NO! Nakakainis sila.

Pero maiba tayo, alam niyo ba sa tingin ko, hindi ako matututo kung parating ganito sa'kin si Montague e. Bakit? Kasi nadi-distract ako sa mala-anghel niyang mukha. Magtatatlong araw na rin akong naglalaway sa mukha niya, ano? At guess what? Ang hirap nito, as in hindi lang yung lessons na tinutukoy niya, pati na rin yung pag-iwas ko ng tingin kapag sa tingin ko ay malapit ko na siyang malusaw, ganun rin sa tuwing hindi ko alam kung paano pakakalmahin yung puso kong nagwawala sa sobrang bilis ng tibok.

"Klarrize, ano gets mo na ba?"

"H-ha?" Ayan, hindi na naman kasi ako nakikinig sa kanya e. Nakatitig na naman kasi ako sa mukha niya e.

"Sabi ko naintindihan mo na ba yung pinagkaiba nung mga geometry shapes?" Sabi niya at saka ginulo yung buhok ko.

( = . = )

(*nods*)

( _. _ )

"Talaga? Mabuti naman." sabi niya at ngumiti sa'kin. "Oh, heto..."

Tinignan ko naman yung iniabot niya sa'kin. Isang yellow paper na may lamang mga shapes at questions sa loob.

"Hm, anong gagawin ko dito?" inosenteng tanong ko sa kanya.

"Sagutan mo." sagot niya.

"Ha? Kailangan pa ba 'nun?" naiiritang tanong ko sa kanya.

"Oo naman no. Paano ko malalaman kung talagang naintindihan mo na? Huwag ka mag-alala, madali lang naman yan e." Sabi niya.

After ng nth minutes, natapos ko na rin sagutan yung mga questions na nakalagay sa yellow paper kaya naman binigay ko na agad sa kanya.

"Klarrize?"

"Ano? Bilisan mo na mag-check diyan, nagugutom na ko e." Sabi ko sa iritadong tono. Haha. Lakas tama rin ako e, no? Ako na nga ang pinagtiyatiyagaang turuan ako pa ang siga!

"Ulitin mo." Napalingon ako bigla sa kanya.

"ANO???"

"Sabi ko ulitin mo." blangko lang ang mukha niya, hindi ko tuloy mabasa kung galit ba siya o ano.

"Eee... Ayaw ko na, nagugutom na talaga ko e."

"Hindi pwede Klarrize, dalawang araw na lang at periodical period na natin. Hindi ka ba natatakot na bumagsak?" diretso niyang tanong sa'kin. Psh! Nangonsensya pa...

"Ee, sige na Montague. Nagugutom na talaga ko e. Bukas na natin 'to pagpatuloy, puh-lease??? *puppy eyes with matching pout*" hehe~ natutunan ko 'yan sa pinsan ko e. Kapag ginaganyan niya si tita, wala ng nagagawa kundi pagbigyan siya. Malay natin baka tumalab kay Montague hindi ba? Haha, ang pilya ko talaga.

My Fate, Your Fate...OUR FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon