Chapter Forty

74 2 18
                                    

Chapter Forty: "Feelings"

Princess Klarrizelle Buentaje's Point of View

Buong biyahe nung gabing iyon ay hindi na kami nag imikan. Good thing hindi na rin siya nagsalita pa at hinatid na lang ako. Naiinis kasi ako sa inaasal niya e. Okay na ako sa kanya, I know I am dahil gumaang talaga ang pakiramdam ko towards him after that night. I mean, alam na niya ang pinakamalaking sikreto ng pagkatao ko. And I'm glad 'cause he did not judged me. Pakiramdam ko'y nakahanap ako ng isng taong nakakaintindi sa akin higit pa sa kung paano ako naiintindihan nila Mama at Kuya. Somehow, I know that he became special because of that.

Bukas na ang pageant, and I'm worried. Why? Everything is still a mess. Ni hindi nga naming natapos ang practice ng talent namin. Yung Q and A, bahala na kaming dalawa doon. Tutal sarilinan naman ang tanong. Ang inaalala ko lang ay ang mga bagay na kaming dalawa ang gagawa. How can we do or perform everything tomorrow kung ngayon ay hindi kami magkasundo? Gusto kong magawa naming ito ngayon ng tama. Gusto kong makuha ang crown at ang title. For Klarrize, para kahit man lang dito matupad ko ang isa sa mga pangarap niya. Para bumawi na rin saw along taong pilit kong paglimot sa kanya. At, para patunayan hindi lang sa lahat ng tao kundi pati na rin sa sarili ko na may kaya akong gawin. That even this once maging prinsesa ako at mapanindigan ko ang pangalan ko.

5 p.m at Xavier's Event Hall

"Anak, maupo ka muna. Kanina ka pa nakatayo riyan. Baka mamaya hindi ka na makatagal sa contest dahil sa pangangalay. Don't worry darating din si Xayromie." Sabi ni mama at iginiya ako paupo sa stool katapat ng isang rectangular mirror.

Nandito kami nila Mama at Kuya ngayon sa assigned dressing room naming ni Xayromie. Actually ihahatid lang nila sana ako ngayon at babalik mamaya kapag start na ng program. Ngayon kasi ang uwi ni Papa and susuduin nila siya. Kaya lang hindi ako maiwanan ni Mama because Xayromie is still not yet here. At aaminin ko, kinakabahan na ako dahil kaunting oras na lang ang natitira bago magsimula ang program. May hinire sila mama na mag-aayos at aalalay sa akin sa pagbibihis. Remember those big gays na nagpaganda sa akin nung prom? They're here with me. Though, hindi sila kumpleto because they only allowed me to have the two of them. Naroon si Tita Gabby (the gay number one) arranging my clothes and kits, while Tita Koy (the gay number three) is here applying some cream on my face.

"Ma, anong oras na?" tanong ko. Natapos na akong lagyan ng cream at powder ni Tita Koy pero until now wala pa rin si Xayromie. Gusto ko sana siyang tawagan kagaya nung isang araw sa bar, kaya lang wala akong number niya. Hay...

"5:15 pa lang, nak." Sagot ni mama na tinanguan ko na lang. Hindi ko mapigilang hindi mag-alala. Darating naman siya hindi ba? Hay, natatakot kasi ako e. What if hindi siya dumating? What if nagkasakit pala siya nung araw na iyon and yet inaway ko pa siya dahil lang sa pagpuna niya sa suot ko? What if—

"Sorry I'm late." Agad akong napatingin sa pintuan ng dressing room at nakita ko si Xayromie having that fist bump with my brother and afterwards ay hinalikan naman niya sa pisngi si Mama.

"Siya ba 'yung partner mo, Princess?" tanong ni Tita Koy habang halatang kilig na kilig. Tumango ako at napangiti. Mabuti at dumating na siya.

"Uy, ngumiti na ang alaga naming ah?" puna naman ni Tita Gabby. Hindi ko namalayang narito na pala siya sa tabi ko. Hindi ko tuloy nagawang makasagot dahil naramdaman ko ang tingin nilang lahat sa akin. And I find that moment really awkward. Good thing my mom speaks.

"Mabuti at dumating ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Klang-klang ko, akala kasi niya ay hindi ka na sisipot." Sabi ni Mama na sina-ayuan ni kuya.

"Oo nga, Ma. Masyadong clingy si Klang, ano?" Psh, clingy ba yun? Hindi naman e. Worried lang ako! Depensa ko sa isip.

My Fate, Your Fate...OUR FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon