Chapter Twenty Two

58 3 3
                                    

Chapter Twenty Two: The Eyes

Klarrize Buentaje's Point of View

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung araw na iyon. Pero hanggang ngayon, hindi ko makalimutan kung anong ginawa sa akin ni Vance. I just love him so much, kaya siguro nasasaktan ako nang ganito. Sa loob ng ilang araw wala akong natanggap na kahit ano mula sa kanya, tawag o kahit text... wala. I guess he have already moved on.

Just that thought makes my heart breaks. Pero tingin ko, wala nang mas sasakit pa sa paulit-ulit kong makita yung mukha nilang dalawa ni Naiome na magkalapat ang mga labi. Ni hindi man lang niya nakuhang itulak si Naiome, he even responded to the kiss. Kahit nakapikit na ako nakikita ko pa rin yung scene na 'yun. At wala akong magawa kundi umiyak lang.

Lutang akong pumasok ngayon sa klase ko. Ewan ko ba, kung hindi ako matatapilok o madadapa, mauuntog naman ako sa poste. At iyon yung nakakainis pa e, pinaaalala kasi nito sa'kin yung mga araw na nakilala ko si Vance. Yung mga araw na kahit minamalas ako, pagkatapos naman nun ay nariyan siya sa tabi ko.

Kaya lang ngayon, mukhang malabo nang maging katulad ako ng dati. Binawi na kasi niya lahat ng lucky charms na itinanim niya sa'kin simula nung highschool. And now, I am left with nothing but memories of him... both happiness and pain.

"Nakita niyo yung transferee student??? Ang gwapo no?! Grabe!" -Rex

"Ayy naku, sinabi mo pa! Ang gwapo niya talaga!!! Naku, single pa kaya 'yun???" -Shayne

"Oy, oy, oy! Hati tayo sa Papa na 'yun ah!" -Rex

"Uy, Klarrize. Kanina ka pa lutang ah? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" Si Shayne. Ilang araw din kasi akong hindi pumasok simula nung araw na iyon. At ang dinahilan ni Kuya ay may sakit raw ako.

"Oo nga, kanina ka pa tulala e. Di mo din kami iniimik. Sigurado ka bang kaya mo na? Baka naman kailangan mo pa ng pahinga?"

"Okay lang ako." sagot ko pero wala pa rin sa sarili.

Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko yung mga nangyari sa amin. Ni hindi nga matanggap ng sarili ko na wala na kami ni Vance. Na natapon yung halos isang taon namin nang magkasama dahil lang kay Naiome. Bukod pa roon, ang dami pang tanong sa isip ko na kailangan ng kasagutan. At alam ko. Alam kong si Vance lang ang makapagbibigay nun.

"Ouch!" usal ko, tinamaan na naman ako ng kamalasan. Hay...

"Naku. okay ka lang ba ha, Klarrize????" sabay na tanong nila Shayne at Rex.

"O-okay lang..." sagot ko kahit pa medyo nahihilo ako.

Wala akong nagawa kundi ang sumama na lang kanila Shayne. Wala kasi akong lakas para tumanggi. Pagkaraan ng ilang minuto ay nahatid na nila ako sa clinic. Ipapaalam na lang daw nila sa susunod na professor namin na nasa clinic ako. Hay... ano ba naman itong nangyayari sa'kin.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, Ms. Buentaje?"

"Medyo okay na po Miss Hanna." sagot ko sa nurse.

Pakiramdam ko, this past few days masyado na akong nagiging suki ng clinic kaya pati pangalan ng nurse na nakaduty alam ko na. Hay. Matapos kong makapagpahinga dumiretso ako ng CR para umihi. Pakiramdam ko kasi naiihi ako e. Kaya lang hindi pa ako nakakarating sa C.R Tinamaan nanaman ako ng kamalasan. May nabunggo ako. More like a pole dahil ang tigas ng tinamaan ng ilong ko. Pero nagulat ako ng magsalita iyon.

My Fate, Your Fate...OUR FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon