Chapter Twenty One

57 3 4
                                    

Chapter Twenty One: The Revelation

Klarrize Buentaje's Point of View

“Vance…” tawag ko sa kanya. Pero, parang hindi niya ako narinig. Inulit kong tawagin siya pero… wala. Hindi niya ako naririnig.

Bakit ganito? Talaga ba'ng hindi niya ako naririnig?? Inulit kong tawagin siya. Tinawag ko ang endearment namin na initial ng bawat isa. Pero hindi niya narinig. Hanggang sa tinawag ko na siya sa buo niyang pangalan pero... Wala. Kahit anong tawag ko hindi niya marinig... Bakit?? Bakit ganito??

Hindi ba’t dapat ako ang nasa posisyon ni Naiome? Hindi ba’t dapat ako yung nasa tabi ni Vance? Ako dapat yung inaalalayan niya. Hindi yung… *sob* hindi yung… *sob* Sino ba talaga si Naiome? Pinsan lang naman siya di ba? Hindi ba?? Bakit ganito?? Pakiramdam ko ang layo na sa’kin ni Vance… Sa sobrang layo hindi ko na siya maramdaman.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa’kin. Malabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang dumadaloy sa mga mata ko. Hindi ko alam kung may nabangga ba ako o binangga. Sa kalalakad ko, hindi ko napansin na malapit na lang pala ako sa ride na pinakagusto kong sakyan… ang Ferris Wheel. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nakipila ako roon. Basta ang alam ko lang ay nakasakay na ako at katabi ko na itong lalaking—

“Aish! Doon ka nga!!” sigaw ko sa lalaking napaka-weirdo.

“Ano bang problema mo? Sasandal lang naman ako sayo e.” sagot niya at isinandal uli ang ulo niya sa balikat ko. "Baka nakakalimutan mo? May utang ka pa sa'kin dahil sa bracelet na 'yun kahapon." dugtong pa nitong lalaking pinakiusapan ko kahapon para sa bracelet na ireregalo ko sana kay Vance ngayon. Nakonsensya naman ako...

“Lasing ka ba?” tanong ko, saka ko inamoy kung amoy alak ba siya.

“No.” sagot niya pero naamoy ko sa hininga niya na may kaunti na siyang nainom. Pero hinayaan ko na lang tutal may utang na loob pa ako sa kanya.

“Naka-drugs??” taas kilay kong tanong.

“Lalong NO.” sagot niya, emphasizing his last word.

“Eh, anong nahithit mo at sumasandal ka sa taong hindi mo naman kakilala??” tanong ko. I know I’m being rude pero, hello??? Natatakot na ako! Hindi ba niya alam na dahil sa ginagawa niya nagiging imbalance ang ride??? Bacause one should be on the other side para hindi ito tumabingi.

“Eh, ikaw bakit nangungulit ka ng taong hindi mo naman kilala??" tanong niya referring to what I did yesterday on the mall. "Ah, naalala ko na. Para nga pala sa boyfriend mo iyon. Ang swerte naman niya." komento pa niya.

"Talagang maswerte siya sa'kin. Kaya lang..." I paused. "Ang malas ko. Pakiramdam ko may mahal na siyang iba." dugtong ko nung finally parang napigilan ko na ang pabagsak kong luha.

"Ganun ba? Kaya ka ba umiiyak kanina?" tanong niya, nasa ganoong posisyon pa din.

"..." na-speechless ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang ibahagi sa kanya yung kwento ko kasi hindi ko naman siya kilala.

"If its not that. Then, bakit ka umiiyak kanina?” tanong niya na ikinagulat ko naman dahil bigla na lang gumalaw yung ride na ngayon ay halos kalahati na ang taas.

“Wala ka na doon.” Mataray kong sagot.

“You did not even say sorry kanina nung nabangga mo ako.”

“Ganun ba? Eh di… sorry hindi  naman kita nakita e.” Sarcastic kong sabi.

Xayromie Perez’s Point of View

My Fate, Your Fate...OUR FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon