Chapter Thirty One: Pain
Klarrize Buentaje's Point of View
Ilang araw na nga ba simula nung araw na 'yun? I think tatlo o mag-iisang linggo na. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano yung ibig sabihin nung sinabi niya sa may parking lot. Hanggang ngayon, hindi ako maka-get over. Hindi sa kinikilig ako pero kasi, hindi ako sanay sa ganoon e. After ng eksenang ginawa niya sa school's ground, may nangyari pang hindi ko inaaasahan.
FLASHBACK
"Let's go, Mo Chuisle."
After saying it he then put his arm around my waist. That move really electrified my whole system, it was my another first. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit yung iba tumili, nag-walk out, at kung anu-ano pang reaksiyon na hindi ko makuha bakit nila ginawa. Nahagip pa ng mata ko bago kami tuluyang makaalis sa spot na iyon yung grupo ng mga babae na talaga namang halos bumaliktad ang mga mata mairapan at maipadama lang sa akin na hindi nila gusto ang nangyari.
"Mo Chuisle." ano bang ibig sabihin nun?? At saan naman napulot ng lalaking 'yun ang ganung salita??!
Nang medyo malayo na kami at kumakaunti na ang mga tao ay agad kong tinangggal ang kamay niya sa waist ko at sinighalan siya.
"At ano na namang pakulo iyon ha, Mr. Perez???" naiinis kong tanong. Lagi kasi akong clueless sa mga ginagawa niya e. Basta magugulat na lang ako...
"Pakulo?? What do you mean? Ah, yeah. Pakulo nga lang 'yun just so I can win my heart back." sabi niya in a low tone but stern voice.
"What?? Ano ba, start na ba agad kanina?? Ngayon?? Right at this very moment??" gulong-gulong sabi ko.
Pero kasabay ng huling salitang binitawan ko ay ang muling pagikot ng braso niya sa likod ko at ang paghawak ng kamay niya sa balikat ko. Nadinig ko ang mga papalapit na yabag mula sa center stairs na papalapit sa amin. The next thing I know was that nakadikit na ang noo niya sa noo ko. He then smiled sweetly at me and said...
"This very moment was the start between us." may mga flashes ng camera, mga bulung-bulungan at kung anu-ano pa akong nakikita at naririnig. Para bang may shooting na nangyayari.
END OF FLASHBACK
I was so clueless that day. Ni hindi ko makuhang tumingin sa kahit na sino after ng second scene na ginawa niya. Mabuti na lang at saturday nung araw na iyon at kinabukasan ay wala kaming pasok. Dahil kung hindi, baka mamatay ako sa hiya sa mga pinaggagagawa ng taong iyon. Tinakasan ko pa nga siya 'nung hapon para hindi ko na muna makita iyong mga matatalas na tingin at mga bulong-bulungan na naririnig at nakikita ko.
Feeling ko, kailangan ko munang i-ready ang sarili ko. Wala naman kasi siyang pasabi e. Basta start na agad. Wala man lang briefing na ginawa. Basta sabak agad sa giyera e, siya lang ang may armas. Hay...
Nandito ako sa kwarto ko ngayon, may klase ako ng eight in the morning, pero wala. Parang ayaw kong pumasok. Bihis na ako, ayos na rin ang mga gamit ko. Wala na akong poproblemahin, dahil nagawa ko naman ng maayos ang plate ko. Kaya lang, pag naiisip ko yung mga pwedeng mangyari ngayong araw, ayaw ko na talagang pumasok.
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
RomanceAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...