Chapter Twelve

65 4 4
                                    

Chapter Twelve: Something’s wrong

Ilang araw na ang lumipas simula noong unang araw ng pasukan. At habang tumatagal, lalo akong naiinis. Kung dati super inspired ako sa pagpasok, ngayon naman parang ayaw ko na. Bakit? Eh, kasi itong si Zoren parati akong binubully. Simula noong araw na sinigaw niya sa buong klase na may crush ako sa kanya kahit hindi naman totoo, siya na ang pumalit kay Vance sa mga issue tungkol sa'kin. At mas lalo akong naiinis dahil doon.  I mean, pakiramdam ko mas maganda yung dati, kasi iyon at least alam kong totoo. Totoo na nanliligaw si Vance sa'kin. Pero ito? The hell! Sino bang nag sabing crush ko 'tong kulangot na 'to. Nakakainis talaga!

"Pst!" tawag ni Zoren. Ayan nanaman siya sa pagsitsit at pagkalabit sa'kin.

*poke-poke-poke*

"Bakit ba??!" nagpipigil na sigaw kong tanong sa kanya.

"Ee, galit ka sa'kin??" langya, pa-cute nanaman siya. Parang eng-eng lang.

"Pwede ba, kumopya ka na lang??! Nang-iistorbo ka e." singhal ko sa kaniya at saka tumalikod at muling hinarap ang notes ko.

"Ang taray mo talaga." narinig kong kumento niya.

Hinayaan ko na lang siya hanggang sa matapos ang dalawa pa naming klase. Maya-maya ay nag-bell na, senyas na pwede na kaming mag-lunch. Patayo na ako noon sa kinauupuan ko ng biglang hilahin ni Zoren ang kamay ko na instantly ay kinaupo ko namang muli.

"Bakit na naman ba??!" naiinis kong tanong sa kanya.

"Sabay na tayong bumaba sa cafeteria! Sabay na rin tayong kumain!" Masigla niyang sabi.

Simula noon, parati na lang siyang ganito sa'kin. Wala na ata siyang mapagtripan kaya ako ang ginugulo niya. Walang araw na lumipas na hindi niya ako inaasar o kinukulit. Kaya naman hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap ni Vance. Ang hirap naman kasi e, malapit lang siya sayo pero hindi mo magawang kausapin dahil palaging may humaharang sa amin.

Pero kahit na ganoon ay walang siyang pinapalipas na araw na hindi niya ako makakausap. Oo nga't parati akong ginugulo at kinukulit ni Zoren. Pero heto siya at gumagawa ng paraan para matuon ang atensyon ko sa kanya. Nung nakaraang linggo lang, kung anu-anong excuse ang sinabi niya sa teacher namin sa P.E para lang payagan siyang pumunta sa clinic kung nasaan ako.

Nagtataka kayo kung bakit ako nasa clinic?? Dahil lang naman iyon sa wala akong suot na contact lenses at isinali ako sa laro ng volley ball. I saw the ball coming near me, pero ewan ko ba at hindi ko man lang napalo iyon para hindi tumama sa akin. Nang mangyari nga ang insidenteng iyon tumawa ng tumawa si Zoren. Ang cute ko daw tamaan ng bola. Sino ba namang hindi maasar dahil dun. Pero ng ikuwento sa'kin ni Vance kung anong pinaggagagawa niya para payagan siya ni Sir Flores na pumunta sa clinic para samahan ako, nawala lahat ng inis at bitterness na nararamdaman ko at napalitan ng saya.

Hindi lang iyon ang ginawa ni Vance para makasama ako. One time, nagkaroon ng pairing sa room para sa isang activity. Ini-aanounce pa lang ng english teacher namin ang mangyayari sa activity at pairing pero sinabi na niya agad na ako ang partner niya. Take note, nagawa pa niya iyang isigaw sa buong klase, without minding our teacher discussing in front. Siya nga pala, nalimutan kong ikuwento sa inyo. Mayroon na rin akong mga kaibigan ngayon. Sino? Hmm, sina president at ang iba pa naming classmate. Hindi ko nga lam kung paano kami nagkaroon ng tinatawag nilang friendship, pero I'm glad because I finally have friends.

My Fate, Your Fate...OUR FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon