Chapter Seventeen: Hope
Klarrize Buentaje's Point of View
Matapos kong tingnan yung kaibigan ni Vance na nasa field ay agad kong sinundan si Vance. Pero hindi ko na siya makita. Hindi ko alam kung saan na siya nagsuot dahil sa sobrang dami ng tao. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o dadaan dahil inaalala ko si Vance. Baka hinahanap na niya ako pero hindi niya ako makita. Tinawag ko ang pangalan niya, pero pinagtitinginan lang ako ng mga taong naroon. Babalik pa sana ako sa field kung nasaan kami kanina kaya lang natatakot na ko dahil madilim na at umo-unti na ang tao. Kaya naghintay na lang ako doon sa huling spot kung saan kami magkasama at nagkahiwalay. Pero dumaan ang mga segundo, minuto at oras... walang Vance na dumating para balikan ako.
7:00 pm na pero heto ako at hinihintay pa rin siya. Saan ka ba nagpunta Vance? Babalikan mo naman ako hindi ba? Pero dumaan na ang isa pang oras at wala talaga siya kaya napagpasiyahan ko nang tawagan si kuya para sunduin ako. Hindi ko alam kung nasaan ako kaya useless rin kung magko-commute ako dahil baka lalo akong hindi makauwi. Mabuti na nga lang at hindi na ako gaanong nag-antay dahil malapit lang pala si kuya sa place kung nasaan ako. Nakauwi ako sa bahay ng maayos ang hitsura pero magulong-magulo ang utak. Hindi ko kasi maintindihan kung anong nangyayari. Niyaya ako ni Vance para magdate pero nalingat lang ako nawala naman siyang parang bula. Ni hindi man lang niya ako binalikan doon. Alas diyes na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog dahil hinihintay ko ang text o tawag niya para sa paliwanag kung bakit bigla niya akong iniwan. Pero nakatulog na lang ako at nagising kinabukasan na wala kahit isang text o miss call akong nare-recieve. Masama ang loob ko dahil sa ginawa niya. At lalo akong naguguluhan ngayon dahil sa mga nangyayari... sa kanya.
Pumasok ako sa school na parang zombie. My dark circles na pumapalibot sa mga mata ko dahil sa puyat. At parang latang-lata ako. I'm not on the mood to study since my mind is actually flying somewhere else. Hindi pumasok si Vance ngayon. Hindi man lang niya ako nagawang i-informed kung anong nangyari sa kanya. I waited and waited for his text and calls. Pero wala akong kahit isang narecieve.I am worried, but at the same time naiinis ako sa kanya. I tried to recall what happened yesterday. Inisip kong maigi kung may nagawa o nasabi akong mali the whole afternoon na magkasama kami. Pero wala talaga akong maalalang may mali akong ngawa o nasabi. I tried to call him, pero laging out of reach. Tinetext ko rin siya at iniiwanan ng mga voice mails pero wala. Kahit isa sa mga 'yun hindi niya nagawang reply-an.
Week passed bago ulit siya pumasok. Ewan ko kung anong dahilan. Pero isa lang ang masasabi ko. Unti-unti siyang nag-iiba. Hindi ko alam kung bakit. I tried asking him what happened to him, but I recieve nothing but shrug. Nasasaktan ako sa mga ginagawa niya. Oo, sinusundo niya ako at hinahatid. Kumakain kami nang magkasabay tuwing lunch dahil pag break time he is nowhere to be found. Pero ang layo niya... Yung tipong he is physically right there beside you but you can't actually feel him? Na parang hindi mo pa rin siya kasama? We talk. Yes. But it was just a random talk na laging nauuwi sa pagwo-walk out niya. Hanggang sa hindi na lang weeks ang lumipas, months na. We graduated, had our vacation and poof! Pasukan na. Tulad ng plano at gusto ko, I took Fine Arts Major in Visual arts in Digital Media. The first month was hell. Hindi ko alam paano ko idi-describe dahil wala akong makausap at hindi naman ako sanay sa ganitong klase ng atmosphere na sobrang dami ng makakasalamuha sa bawat subject. But after a month naka-adjust na rin ako.
Kung dati madalang kami magkita dahil sa Student Council ni Vance, mas naging madalang na ngayon dahil bukod sa magkaiba ang course namin, ang layo pa ng building ng Engineering course sa amin. We texts each other, kinukumusta ang isa't isa but that's it. Kung dati we celebrate our monthsary, recently parang dumadaan na lang. Dumadaan na lang iyon kasi hindi na niya ako binabati. Wala ng celebrations o kahit na anong exchanging of gifts. Wala na... hanggang sa ayun, unti-unti na kong nasasanay sa pinapakita niya, sa mga pinararamdam niya sa'kin.
"Malapit na... isa na lang Shayne!" sigaw ko sa isa sa mga groupmates ko na abala rin sa pagscan at pag-edit.
"Talaga isa na lang yan Klarrize??" narinig kong tanong ni Rex.
"Oo, matatapos na..." mahinang sabi ko habang abala pa rin sa paglagay ng kung anu-anong effects para mapaganda ang group project namin. Pagkaraan ng ilang minuto, natapos ko rin ang kahuli-huliang plate. Ang saya!
"Paano ba yan? Natapos natin on time." sabi ko sa kanila.
"Psh, oo na. Pwede ka nang makipagdate diyan sa imaginary boyfriend mo." medyo iritableng sabi ni Shayne dahil may usapan kaming lalabas after nitong paggawa ng project. Kaya nga lang nagtext kanina sa akin si Vance at gusto raw niyang lumabas kami. E, once in a blue moon na lang siya mag-aya kaya hindi ko pwedeng tanggihan.
"Si Shayne talaga... Promise next time." paglalambing ko. Si Shayne at Rex ang mga kaibigan ko. Actually sila lang ang tumagal. I have friends, pero sila lang talaga yung matuturing kong super friends na laging nandiyan para sa'kin.
"E kasi naman Klarrize, nakakaintriga na 'yang boyfriend mo. Ayaw mo namang ipakilala sa amin." Hay, ayan na naman kami sa topic na 'yan.
"Rex, you know that I can't..." tanging usal ko nang i-open ang topic na 'yun. Simula kasi ng mag college kami bigla na lang naging sikreto sa lahat ang relasyon namin ni Vance. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw niyang malaman ng iba e.
"Hay, okay. Fine. Pero siguro naman after ng anniversary niyo pwede na namin siya makilala di ba??" -Shayne
"Aba oo nga friend! Siya lang ata' ang nakakapagpatulala at panganga sayo ng ganyan. Ang dami namang nanliligaw na iba diyan sa'yo pero dahil sa kanya di mo sila ine-entertain. Sayang ang mga papables! Kalerkey!"
"Ano ba kayo, mahal ko 'yun kaya kahit sino pa ang lumapit sa'kin siya pa rin ang pipiliin ko." seryoso ko namang sagot sa kanila saka ako pinagtulakan palabas ng bahay ni Shayne.
"Bye girl! Mag-iingat ka ha! Uwi ng maaga!" narinig ko pang pahabol ng dalawa bago ako tuluyang makalayo sa gate nila Shayne.
Isang sakay mula rito sa bayan ang University. Kaya naman kailangan kong magmadali para makarating bago ang dismissal ng klase nila Vance. Naging mabilis naman ang biyahe kaya wala akong naging problema. Maaga akong nakarating kaya dumiretso na ako sa building nila. Kakaunti pa lang ang mga lumalabas kaya nagpasya akong sumilip na lang muna sa classroom nila Vance. Nang mga two steps na lang ay pintuan na nila huminto ako at unti-unting sumilip. Pero laking gulat ko naman ng sabihin ng prof nila na...
"Class dismissed!" napaharipas tuloy ako ng takbo palayo sa classroom nila.
"Nandito na naman siya?" narinig kong tanong ng mga estudyanteng lumalabas sa room kung nasaan si Vance.
"Oo nga ano? Sino kaya 'yung lagi niyang sinisilip sa room?"
"Stalker ba siya??" narinig ko pang tanong ng isa. Pero hinayaan ko na lang dahil nakita ko na si Vance. I waved at him, pero... nilagpasan niya lang ako. This isn't the first time that he did this. Maraming beses na.
Nang makalayo-layo kami sa building nila at nang medyo kaunti na lang ang tao ay humarap siya sa akin.
"Di ba sabi ko sayo huwag mo kong pupuntahan sa room??" medyo nakataas na boses na sabi niya.
"Napaaga kasi ako kaya sinilip kita." sagot ko naman.
"Hay, ano ba naman yan Klarrize." sabi niya at saka ako tinalikuran. Ganito kami parati sa tuwing may nagagawa akong hindi niya nagugustuhan. Nagwo-walk out siya sa harapan ko at nauunang maglakad. Ako naman, sumusunod na lang sa kanya hanggang makarating kami ng parking lot.
"Sakay na." usal niya nang hindi man lang ako pinagbubuksan ng pinto. Basta sumilip lang siya at sinabi ang dalawang salitang iyon. Ako naman, sumunod lang. Ano ba 'tong nangyayari sa amin. Habang tumatagal parang lalong nagiging worse ang relasyon namin.
"At the end of the day, we must go forward with hope and not backward by fear and division." –Jesse Jackson
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
RomanceAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...