Chapter Four: Tutor
Kaibigan?? K-kaibigan niya ako?? Matagal rin akong nakatulala sa kanya mula ng sabihin niya iyong mga katagang iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Halo-halo kasi yung pumapasok sa isip ko. Katulad nito, kailan ko siya naging kaklase? First year and second year?? Bakit parang hindi ko yun maalala?? Talaga ba'ng naging kaklase ko siya??
"Ah... A-ano? K-kailan kita naging kaklase? Hi-hindi ko matandaang naging kaklase kita e.." Nakayuko kong tanong sa kanya. Hinihintay ko yung sagot niya pero di ko naman inaasahang tatawa siya. Bigla tuloy akong napatingin sa kanya.
"M-may nakakatawa ba?" tanong ko. Diretso akong naka-tingin sa kanya.
"I-ikaw..." sabi niya habang pinipigilang tumawa "Sabi na nga ba at hindi mo ako naaalala e." Sagot niya, kaya naman binigyan ko siya ng ano-ba'ng sinasabi-mo-look.
"Naging classmates na tayo since first year. Lagi kang nasa likod ng classroom at may sariling mundo, kaya siguro hindi mo ako natatandaan." Sabi niya. So, totoo nga? Classmates talaga kami... Seessh! Bakit naman ngayon ko lang nalamang may classmate pala akong ganito ka-gwapo???
"So, ano? Pwede ko ba'ng malaman ang problema ng long time idol at friend ko?" Nakangiti niyang tanong.
*LUB.DUB.LUB.DUB*
Eeeeee! Ayan na naman yung puso kong nagwawala!!! Anong gagawin ko???
"Ah.. Ano k-kasi... ganito yun e." Panimula ko at saka ini-kuwento yung nangyari kanina.
.
.
.
"HAHAHAHAHAHA" tawa niya. Naiinis na ako, kanina pa niya ako tinatawanan. Ano ba'ng nakakatawa sa problema ko???
"Eeh! Tumigil ka na nga! Wala namang nakakatawa sa kinuwento ko e!" Saway ko sa kanya.
"O-ok-okay, titigil na... Eh, kasi naman. Ang babaw lang naman pala ng problema mo. Tapos iniiyakan mo. Haha. Hindi ko alam na yung malakas, matapang at masayahin mo'ng side mawawala ng dahil lang kay Mrs. Chavez." Sagot niya sa'kin at saka patuloy na tumawa.
"Psh!" Simangot ko. "Hindi lang yun ganun kasimple, ano! Anong petsa na kaya ngayon? January na at last period na natin sa taong ito. Paano ko hahabulin lahat ng lessons, recitation, quizzes at kung anu-ano pang requirement natin???" tumigil ako sandali at tumingin sa kanya. Kaya lang nagulat na naman ako ng makitang naka-tingin rin pala siya sa'kin.
*LUB.DUB.LUB.DUB.*
"A-a-ano! Kung si kuya lang sana ako, baka hindi ganito..." sabi ko at saka umiwas ng tingin.
"Ano ka ba, Klarrize? Tutor lang ang solusyon sa problema mo. Hindi mo kailangang maging kuya mo para makahabol sa mga na-miss mo." Suhestyon niya.
*LUB.DUB.LUB.DUB*
"Psh! Ang tanong, sino naman ang pwede kong maging tutor?? At hello??? Kung meron man, mapagtitiyagaan naman kaya ako nun???" Seryoso kong tanong sa kanya. Pero naloka ata lalo ang puso ko nang makita ko siyang ngumiti ng pagka-lapad-lapad.
"NO PROBLEMO! AKO ANG SAGOT SA TANONG MO!!!" sabi niya with matching nakatayo at naka-pose ng MR. POGI. Hindi rin nawala ang ngiti sa mga labi niya..
*LUB.DUB.LUB.DUB*
*LUB.DUB.LUB.DUB*
*LUB.DUB.LUB.DUB*
"Oh, ano okay na ba? Solve na ba ang problema mo??" nakangiti pa rin niyang tanong.
"Ka-kakayanin mo kaya?" tanong ko naman sa kanya.
"Oo naman! Ako pa ba??” siguradong sagot niya.
*LUB.DUB.LUB.DUB*
Patuloy lang sa pagtibok ng malakas itong puso ko, sa totoo lang? Hindi ko na alam kung paano kokontrolin yung malakas na pagpintig niya... At dahil sa busy na rin ako kakaalala sa puso ko, lumabas na lang bigla sa bibig ko ang mga salitang ....
"O, sige! Simula ngayon, ikaw na ang tutor ko, Montague!"
“Let us be grateful to the people who make us happy; they are the charming gardeners who make our souls blossom.”
― Marcel Proust
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
RomanceAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...