Chapter Fourteen.2

54 3 12
                                    

Chapter Fourteen.2: Happiness

Nang makarating kami sa simbahan saktong papasimula pa lang ng misa. Agad ko siya inaya sa pwesto malapit sa altar. Wala naman siyang sinabi throughout the mass, basta nakikinig at nananalangin lang rin siya. Nang matapos ang misa at nasa loob na kami ng sasakyan ay ibinigay ko na sa kanya ang isa sa mga regalo ko.

"P-para saan 'to?" naa-amuse niyang tanong.

"Happy Monthsary!" masayang bati ko sa kanya.

"M-monthsary?" taka niyang tanong.

"Yup, this day is our first month being together!" nginitian ko siya. Ilang sandali rin siyang speechless. Pero nang makabawi...

"S-sorry, h-hindi ko alam..." naalarma naman ako ng marinig ko ang boses niya. Bigla niya kasi akong yinakap kaya hindi ko alam kung ano ng hitsura niya.

"A-are you crying??" nag-aalalang tanong ko. Hindi siya sumagot pero narinig ko naman ang mahina niyang pag-iyak.

"P-please don't cry... H-hindi mo ba nagustuhan ang mga bulaklak?? Sorry, papalitan ko na lang." sabi ko pero humiwalay siya sa yakap ko at saka umiling.

"Tahan na..." sabi ko.

"Ha-hap-ppy M-month-s-sary..." nakangiti ngunit pautal-utal na sabi niya. "Sorry, h-hindi ko—" hindi ko na siya pinatapos.

"Ayos lang kahit hindi mo naalala. Ang importante, kasama kita sa napaka-espesyal na araw na ito." ngiting-ngiti kong sagot sa kanya.

"Salamat dito, nagustuhan ko talaga." nakangiti na ring sabi niya.

"Mamaya ka na magpasalamat." sabi ko at saka ini-start ang makina ng sasakyan.

"Bakit naman? Hindi pa ba tayo uuwi?"

"Ang dami mo namang tanong, K. Basta i-enjoy natin itong araw na ito." Sabi ko at saka tuluyang pinaandar ang kotse.

Nang makarating kami sa isang fast food chain ay parang naririnig ko pa rin siyang kumakanta. Kumain lang kami roon at nagkwentuhan saglit. Matapos nun ay pumunta na kami sa mall at nanuod ng sine. Bumili pa nga ako ng popcorn at drinks dahil inaalala kong baka magutom siya sa loob. After that ay pumunta naman kami sa Quantum. Ang goal ko doon ay kuhanan siya ng Teddy bear. Ayon kasi sa blog na binasa ko kagabi, natutuwa raw ang mga girls kapag pinaghihirapan namin ang mga bagay na binibigay sa kanila. Kaya lang, malas ako e. Hindi ako nakakuha. Nasa kotse pa rin kami kahit pa nasa tapat na kami ng bahay nila.

"Ano 'to?" tanong niya ng iabot ko sa kanya ang isang Teddy bear at box.

"Para sa'yo." nangiti kong sagot sa kanya. "Happy Monthsary. Sorry hindi kita nakuhanan nung teddy bear kanina."

"Nge? Ayos lang." Nakangiti niyang sagot sa'kin. "Ang dami mo namang regalo. Nagi-guilty tuloy ako." Sabi niya at saka ngumuso. I chuckled and said...

"It's okay. Tama na sa'kin na kasama kita, no." sabi ko "Buksan mo na."

"Hmm, okay." sagot niya at tuluyang binuksan ang box na ibinigay ko sa kanya.

"Wow..." Ang tanging salitang narinig ko mula sa kanya ng mabuksan niya ang huli kong regalo.

"Nagustuhan mo ba?" tumango naman siya. "Amin na ang kamay mo at isusuot ko sayo." mabilis naman niyang sinunuod ang sinabi ko.

"Salamat Vance!" napakasayang sabi niya at saka ako hinalikan sa pisngi.

My Fate, Your Fate...OUR FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon