Chapter Eight: I love you
Natapos na ang isang araw ng kalbaryo, bukas hihintayin na lang namin ang resulta ng exam. Makikita namin bukas kung sino ang pumasa, at kung sino ang mga bumagsak. Gumagawa kasi ang mga proctor and advisers ng report tungkol doon at ipinopost iyon sa bulletin board sa ground floor.
Ayan tuloy, hindi na naman ako makatulog dahil may inaalala na naman ako. Pero nagulat naman ako ng biglang mag-vibrate ang phone ko na nasa side table.
*Bzzt... Bzzt*
Kinuha ko ito at agad na tinignan kung ano ang dahilan ng pagba-vibrate nito. Minsan kasi mga notes at events lang na nino-notify ako. Pero ng buksan ko ay nakita kong may natanggap akong message galing sa isang hindi kilalang numero.
~From: +6394835*****
Hello! Good evening, K. Tulog ka na ba? Si Vance ito.
Save mo number ko, ha?
*GULP*
S-si Montague?? Kanino naman kaya niya nakuha ang number ko? Ay, oo nga pala. May number siya nila mama at kuya. Baka sakanila niya nakuha. Agad naman akong nag-formulate ng isasagot sa text niya at ng matapos ako ay agad ko nang pinindot ang send button.
Vance Montague’s Point of View
*Bzzzt...Bzzzt*
Matagal rin akong naghintay ng reply ni Klarrize. Akala ko nga hindi siya magreresponse. Pero heto at halos mapatalon naman ako sa tuwa ng mag-vibrate ang phone ko at makareceive ng text message mula sa kanya.
~From: +6394841*****
Ikaw pala, Montague. Hindi pa ko natutulog.
Ang ikli ng reply niya, pero ayos na rin kaysa wala. Pwede namang pahabain pa 'yun e. Dumapa ako sa kama at nag create ng isasagot ko sa kanya. After ng ilang minuto ay agad ko naman itong ini-send.
~To: Klarrize
Bakit hindi ka pa natutulog? Baka mapuyat ka ulit niyan.
Iniisip mo pa rin ba yung result ng exams mo bukas?
~From: Klarrize
Hindi ako makatulog e. Kinakabahan kasi ako sa result
tomorrow. Ikaw, bakit di ka pa natutulog?
~To: Klarrize
Hindi rin ako makatulog e, iniisip kasi kita.
Hm, H'wag mo ng alalahanin 'yun. Sure
akong nakapasa ka! =)
~From: Klarrize
Bumabanat ka na naman. :-P
~To: Klarrize
Ang ikli naman ng message mo. Ayaw mo ba
kong kausap?
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
RomanceAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...