Chapter Fifteen.2: Jealousy
Nothing special happened, as usual busy pa rin ako dahil ako ang president ng student council. Though hindi ko naman talaga ginusto ito dahil personal choice ito nung principal. Yep, actually walang botohang nangyari. Basta na lang niya akong in-appoint and poof, ako na ang president. Medyo nawawalan na tuloy kami ng time ni Klarrize na lumabas at magpunta kung saan. Bibihira ko na lang rin siyang makasabay sa lunch at break time dahil kadalasan wala ako sa room. Kaya time na siguro para bumawi ako kay Klarrize...
"Sorry Sir, pero may exam na po kasi ako this coming week and yet hindi ako maka-concentrate sa pagrereview dahil sa student council." diretsong sagot ko sa Vice Principal and at the same time head ng Mathematics department.
"I know Mr. Montague but this matter is more important than that. May mga araw ka pa naman para magreview. Pero itong contest na ito sa Wednesday na."
"Sir, I thought this school readies the students itself for the future. For them to be successful, for them to have a good future? But why do I feel like a worker now? Hindi po ba ako pwedeng tumanggi dahil lang sinabi niyo na? Isa pa po, ako na po ang nakipag-compete sa Mathematics Intelligence Test na ito last year. And now ako pa rin po? I think magiging unfair na po iyon sa iba. Marami pong deserving na-ilaban para sa MIT and hindi lang po ako iyon Sir."
"Okay, okay, I get it Mr. Montague. but I'll free you from this if you find the right student that you were talking about. If you already have a replacement, pumunta ka agad dito."
Nagdiwang ako nang sobra pagkarinig ko pa lang nang mga sinabing iyon ni Sir. Para akong nabunutan ng tinik. Bukod sa magkakaroon na kami ni Klarrize ng oras for the rest of the week dahil nawala na ang isang pressure na nilagay ni Sir sa mga balikat ko, magkakaroon na rin ako nang time ngayon para sabayan siyang mag lunch.
Nagmamadali akong pumunta ng room para makita agad si Klarrize at yayain siyang kumain na ng lunch. Pero pag-akyat ko wala na siya. Teka, kaka-bell pa lang. Ang bilis naman niyang bumaba. I just shrug that thought off at saka agad na bumaba sa canteen para hanapin siya. I am so happy kasi parang ang tagal na nung huli ko siyang nakasabay. But all of the hapiness and excitement was easily replaced when I saw them... Klarrize and Zoren eating together.
Ang sakit sa mata. Excited na excited pa naman akong makasama siyang kumain pero heto ngayon, nakita ko pa siyang kasabay kumain nung Zoren na yun. Itong Zoren naman halatang tine-take advantage na wala ako para lapitan at landiin si Klarrize. I even saw him wiped the corner of her lips.
Shit. I am jealous.
Klarrize Buentaje's Point of View
It's been a week I think. Hindi ako sigurado. Para kasing ang tagal na noong huli akong kinausap ni Vance. Hindi kami masyadong nagkikita kasi busy pa rin siya sa Student Council. Siya rin ang representative ng school namin sa Mathematics Intelligence Test na ginanap noong wednesday. Masyado talaga siyang busy kaya naman hindi ko na lang muna siya iniistorbo. Nagreview na lang rin ako mag-isa para sa darating naming exam sa X.U.
Aaminin ko, namimiss ko na siya. Bukod kasi sa hindi kami madalas magkita ay madalang na rin siyang magtext o tumawag sa'kin. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya. Nabubuang na nga ako kakatanong sa sarili ko kung kamusta na siya. Kaya lang wala akong makuhang sagot sa sarili ko. Feeling ko tuloy napakawalang kwenta kong girlfriend. Girlfriend ako pero wala akong alam sa nangyayari sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Fate, Your Fate...OUR FATE
RomanceAuthor's Note: ***CURRENTLY ON HOLD*** Hello readers of "OUR FATE''! This is the on-going story/series of that one-shot that I've created. For those who wanted to know what happened before and after they ended... READ THIS! READ! COMMENT! VOTE! ...